Chapter 26

1382 Words

Putok ang butseng bumalik sa canteen si Elyssa pagkagaling niya sa opisina ni Louie. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili. Alam niyang mahal niya si Jevy, pero bakit kapag kaharap niya ang boss niya ay kakaiba ang t***k ng kanyang puso? Kahit ganoon pa man ay pilit niyang pinakalma ang sarili dahil ayaw niyang mapansin ng pinsan at ng kaibigan ang kumplikadong ekspresyon na nakabalatay sa mukha niya. Lalo na si Marra. Malakas itong mangilatis. Kaagad na natanaw ni Elyssa ang dalawa pagkapasok niya sa canteen dahil hindi pa nakaalis ang mga ito kaya nilakihan niya ang bawat hakbang upang maki-chicka pa sa mga ito bago matapos ang break-time nila. Malapad ang ngiti niya at nakatutok sa dalawa ang kanyang tingin. Malapit na siya sa mesang kinaroroonan nina Marra nang biglan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD