Nakaramdam ng paghapdi ng sikmura at konting lamig si Ellysa kaya sandali siyang napaahon sa pool pero hindi tuluyang umalis kundi umupo lamang sa gilid. Ayaw niyang makasabay sa pagkain si Louie dahil naiinis pa rin siya rito. Gutom na ako! Grrr! Pero ayaw kong kasabay ang mokong na ‘yon at baka mawalan lang ako ng gana. Hintayin ko muna siyang matapos bago pumasok sa loob." Tahimik niyang usal habang naka-relax ang paa na nakalublob sa tubig. It was peaceful. Hindi niya alintana ang malamig na simoy ng hangin. Ang sa isip niya ay mapalayo sa binata. Dahil ang totoo ay hindi lang siya naiinis kay Louie, kundi kinakabahan siya sa maaring mangyari ngayong silang dalawa lang ang magkasama. Ellysa’s mind was full of emotions she couldn’t contain. It’s making her lost in thoughts. Dahil buko