Chapter 7

1619 Words
It took a few seconds before Issay processed what the man had said. Nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito ay napamulagat siya. Eyes bulging in terror and heart beating like a drum. "What!?" gulat na bulalas niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya na parang niraragasa ng daga. How could she follow this stranger? Porke't ba guwapo na magtitiwala na siya kaagad? Ngunit bakit hindi niya maiwasang humakbang upang sumunod dito? Bumaling sa kanya ang lalaki na may pilyong ngiti sa labi. Naliliwanagan ng street light ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang ngiti sa mukha nito. "Yep! You heard me right, Miss Castillo. Don't worry. I will make you happy on this wonderful evening!" tukso pa nito. Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Binilisan niya ang paghakbang upang pumantay sa lakad nito. He is tall and his legs strode longer. Kaya malalaki rin ang hakbang na ginagawa niya upang makasabay sa paglalakad nito. "No! Give me back my wallet, now! Or else, ipapapulis kita!" Nakapamaywang na bulalas niya. Huminto siya sa harapan nito. "You can't do that!" Tumigil ito sa paglalakad nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila. Tumikwas ang sulok ng labi nito habang matiim na nakatitig sa kanya. Hindi siya makaimik. Can she really do anything? Wala siyang alam sa Baguio! "Ow, c'mon, Ms. Castillo. I won't do any harm with you. I just want you to be with me for a while, please?" nakikiusap na pahayag nito nang hindi siya umimik. Hinawakan pa nito ang kamay niya upang siguraduhin na hindi siya makalayo. Sino ba 'to? Ba't ang lakas ng trip nitong yayain ako? Hindi ko nga siya kilala! At ang lakas ng loob na halikan ako ha? But why did she liked the kiss? Bakit siya nagpaubaya? Kahit ngayong hawak nito ang kamay niya ay hindi rin siya nagpumiglas. Anong karisma meron ang lalaking ito at kahit complete stranger ay buo ang loob niyang magtiwala rito? "Sige na, please. . . pumayag ka na. After that isasauli ko na 'yong wallet mo." Pagpupumilit pa ulit ng estranghero. Balewala na rito ang panghahalik sa kanya. And feeling close pa ito. Ni hindi nga niya ito kilala. Ngunit isinarili ni Issay ang himutok tungkol sa lalaki. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makuha ang wallet niya. Wala sa sariling tumango si Elyssa. She promised to herself that if she get her wallet aalis na rin siya kaagad. Napangiti naman ito ng matamis nang pumayag siya. "Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Una, nagpahalik ako sa estranghero, tapos ngayon, pumayag akong sumama sa kanya!? What the..." hiyaw niya sa isip habang patuloy na sumusunod dito. "Na-brokenhearted lang ako kung ano-ano na'ng pinanggagawa ko!" Bitbit ang backpack ay tinungo nila ang katapat na bar na kahit bagong bukas ay marami na ang mga customer na nag-iinuman. Kinabahan lalo si Issay dahil sa pinasukan. Ngunit pinanindigan niya ang pagsama sa estranghero. Bahala na! I really need to get my wallet back! Karamihan na customer ng bar ay mga workers o mga mukhang college students na nag-eenjoy dahil weekend. Iyon ang sabi sa kanya ng lalaki. 'Di niya alintana na may isang pares ng matang kanina pa pala nakatingin sa kanila. Patuloy siya sa pagsunod sa lalaki habang hawak pa rin nito ang kamay niya. Parang gustong bawiin ni Elyssa ang desisyon niyang sumama sa lalaki nang makapasok sila sa loob. Sobrang ingay doon dahil maraming customer at dahil sa lakas ng tunog ng musika. Samahan pa ng nakakahilong pag-ikot ng ilaw. Iginiya siya nito malapit sa counter kung saan naghihintay ang isang cute at guwapong lalaki na malayo pa lang ay abot-tainga na ang ngiti sa kanila. "Hi, pare. Glad you make it! Siya ba?" tanong ng lalaking cute at tsinito nang makalapit sila sa bar counter. Nakangisi itong sumulyap sa kanya. Inabot nito sa kanilang dalawa ang hawak na dalawang baso ng alak. Pawang naghihintay na ito pati ang baso ng alak sa pagdating nila. Tumango ang lalaking kasama niya na hanggang ngayon ay 'di pa rin niya alam kung ano'ng pangalan. Tinanggihan ni Elyssa ang inalok na alak sa kanya. "I'm sorry, 'di ako marunong uminom ng alak!" pagsisinungaling niya. She knows how to drink, of course! But with a stranger companion in a strange place, she needs to refrain herself. "It's okay. You will get use to it. Sa una lang 'yan mapait, pero 'pag nakasanayan mo na, makakasabay ka rin. Parang pagmo-move on lang 'yan, sa una mahirap, mapait at masakit pero 'pag nakasanayan mo na, parang balewala na. Kayang-kaya mo nang lunukin!" Mahabang litanya ng lalaking tsinito na siyang nag-aalok ng alak. Napakunot-noo naman si Issay sa sinabi nito. "Ano nama'ng alam nito sa pinagdadaanan ko!?" Sa huli ay tinanggap na rin niya ang inalok nitong alak dahil sa pamimilit nito. "Ahh!" Napangiwing wika niya. Nangulokot ang mukha niya dahil sa pait na bumahid sa lalamunan niya. "Ang pait..." Hinagod-hagod niya ang lalamunan dahil sa pait at init na dala ng alak. She didn't try this kind of strong liquor yet. Hanggang simpleng wine lang siya at cocktails lang ang kaya niya. Hindi niya alam kung anong binigay ng lalaki sa kanya at pakiramdam niya ay sobrang tapang niyon. "By the way, I am Minho," pagpapakilala ng lalaking nag-abot sa kanya ng alak. Inilahad pa nito ang kamay. "Ako ang may-ari ng bar na 'to." Inabot naman niya ang palad nitong nakalahad at kiyeme itong kinamayan. Saka niya nilingon ang kasamang lalaki pero wala na ito. "Nasaan na 'yon?" Luminga-linga siya at nahagip ng mata niyang nasa entablado na pala ito. "Don't worry, he has a surprise for you!" bulong ni Minho sa kanya na 'di niya namalayang nasa tabi na pala niya dahil nakasentro ang mata niya sa lalaking nasa stage. "Hhm... Ang guwapo niya. Sino ka ba at gano'n na lang ang trato mo sa'kin? At anong surprise ang pinagsasabi nitong kasama mo?" wika niya sa isip at humalikipkip habang ang mata ay seryosong nakatutok sa entablado. Ngayon lang napansin ni Issay na tumahimik na pala ang paligid at isang malumanay na tugtog ang pumapainlang. Parehas silang nakatunghay dito ni Minho nang magsimula itong magsalita. "Hello, guys," biglang bati nito sa mikropono matapos tumahimik ang paligid. "Ahm, I just want to thank you all for coming for Minho's Sportbar opening." Nakangiting pahayag nito. Tumingin ito sa kinaroroonan nila. Kinindatan pa siya nito nang magtama ang mata nila bago nagpatuloy sa pagsasalita. "By the way, I just want to give this special lady here a surprise for her birthday. Dahil parang 'di yata siya masaya ngayong araw na 'to!" Itinuro nito ang kinaroroonan niya. "So guy's let's all greet her with a song..." Nagulat si Issay sa biglang sinabi nito. Natulos siya sa kinatatayuan at dinagsa ng kaba ang dibdib. "Gosh! Ano'ng ginagawa nito. Pa'no nito nalaman?" Maluha-luhang naisip niya habang kinakantahan siya ng happy birthday song. "Happy birthday to you..." panimulang kanta nito. Ang suwabe at baritono ng boses nito, parang isang DJ, at nagbibighani iyon sa sugatang puso ni Elyssa. Tiningala ni Elyssa ang ngiting-ngiti na lalaki sa stage. She smiled and whispered thank you. Napapangiting napapaluha na tumingin siya sa paligid. Yes! She is happy. She is happy celebrating her birthday with all these strangers. She didn't even realized that she was suddenly the center of attention. Ni hindi na sumagi sa isip niya na kaarawan niya ngayon. Because of what happened this morning, she forgot that today is her birthday. "Happy birthday to you..." Nagulat na lang siya nang sa pagtatapos ng kantabumaba ang lalaki mula sa stage at lumapit sa kanya na may hawak na cake at may nakasinding kandila. "Happy birthday, Ms. Castillo!" bati nito at buong-puso siyang nginitian. Sumikdo ang dibdib niya sa ngiting iyon. "Make a wish, and blow the candles, Elyssa," masuyong turan nito. Bago nga niya hipan ang kandila ay nag-wish muna si Elyssa. She wish that someday, she will meet this man again. "Yehey!" Sabay na hiyaw ng mga tao na naroon matapos niyang hipan ang kandila. Napangiti siya nang malungkot. Salamat at kahit papano'y napasaya ang birthday niya sa kabila nang nangyari sa buong maghapon niya. Salamat at kahit mula sa mga 'di kilalang tao ay naging masaya siya ngayong araw. "Happy birthday!" Muling bati sa kanya ng lalaki at inabot sa kanya ang wallet niya. "Here..." Nakangiting tinanggap niya ito. "Thank you," pasasalamat ng dalaga.Tunay ang kanyang ngiti rito. "Hindi mo naman kasi sinabi!" dagdag pa niya. "Wait!" pigil nito. "There's more." Hinila siya nito pabalik sa stage. Saglit niyang inilapag ang cake sa counter at sumunod dito. "Okay. So, to complete the party, here's your 21th roses!" Sabi nito na ikinalaki ng mata niya. "What? Hindi naman ako lalaki na nagde-debut ng bente-uno ah!" Kinindatan lang siya ng estrangherong lalaki at nagsimula na ngang may lumapit sa kanya at isinayaw siya pagkatapos ay ibinigay ang isang long-stem rose. 'Di na talaga niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. At sa ika-dalawampu't isang lalaki na nagbigay sa kanya ng bulaklak ay lalong lumundag ang puso niya. It was the man that makes her day special. Isang estranghero na nakilala niya lang sa kalsada. Na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan. Simpatiko itong nakangiti sa kanya habang nakalahad ang kamay upang yayain siyang sumayaw. Ilang beses pa niyang kinurot ang sarili para malamang 'di siya nananaginip. "Thank you so much for making me happier in this especial day of mine." Taos-pusong pasasalamat niya habang kasayaw ito. "The pleasure is mine!" sagot nito. Matiim siya nitong tinitigan. Pero bago pa siya madala ng titig nito ay iniwas niya ang mga mata. At sa isang sulok isang pamilyar na mukha ang nahagip ng mga mata niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD