Chapter 5

2364 Words
Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Issay. Maaga ang biyahe niya papuntang Baguio at ipinagpasalamat niya na malapit ang istasyon ng bus sa condominium na tinitirhan nila. "Here I come, Jevy. It's been so long and I can't wait to see you. Wait for my surprise!" malapad ang ngiting bulong niya sa sarili habang nakatitig sa picture nito sa wallpaper ng cellphone niya. Walang kaalam-alam ang kasintahan na pupuntahan niya ito sa Baguio. Upang maiwasan ang matagal na biyahe ay ipinikit niya ang mata upang umidlip. Ang tainga niya ay sinalpakan niya ng earphone at nakinig ng music. Hindi malalim ang tulog niya dahil manaka-naka siyang dumidilat upang sulyapan ang paligid. Hindi niya kayang pigilan ang excitement na nararamdaman. Sa wakas makalipas ang anim na buwan ay magkikita na rin sila ni Jevy. Nagising nang tuluyan si Elyssa dahil sa malakas na sigaw ng konduktor ng bus. Malapit na sila sa destinasyon nila. Mabilis niyang niligpit ang gamit at inihanda ang sarili upang bumaba. Gano'n na lang ang pagkapatda niya nang ma-realize na pa-low battery na ang cellphone niya. Hindi niya kabisado ang Baguio kaya't kailangan niyang gamitin ang gps sa phone niya upang marating ang apartment ng kasintahan. Bago bumaba ng bus ay mabilis niyang isinulat sa sticker note na laging dala, ang address ni Julie at Jevy upang kahit papaano ay hindi siya mahirapang maghanap. Kahit ang kaibigang si Julie ay hindi alam na bibisita siya. Nasa Baguio rin ang kaibigan dahil tulad ni Jevy ay nag-aaral din itong maging pulis. "Wait me there, guys, siguradong masosorpresa kayo sa pagdating ko... Napangiti si Elyssa sa naisip. Nang makababa sa bus ay pumasok siya sa nakitang 7/11, na laking pasasalamat niya, upang bumili ng makakain dahil kanina pa siya nagugutom. Madaling-araw pa ang huling kain niya at ngayon ay mag- aalas-onse na ng tanghali. But, when Elyssa goes to the counter to pay, her heart pounds loud when she realizes her wallet is missing. Hinalungkat niya lahat ng gamit sa bag pero hindi pa rin niya ito makita. Kinakabahan na siya. Paano na? "Miss, ano ba? Matagal ka pa ba?" Nagulat siya nang may biglang sumigaw sa likuran niya. Tahimik siyang umisod upang mapauna ito sa pila. Ang sandwich na kinuha niya ay muli niyang ibinalik at nanlulumong napaupo sa isang sulok. "My God, what should I do? Pa'no ko mapuntahan si Jevy nito?" Tahimik na usal niya at biglang humapdi ang mata sa luhang nais sumingaw pero pinigilan niya ang umiyak. Tss, naman eh! Saan kaya 'yon? wala sa sariling bulong niya habang patuloy na hinahalungkat ang bag upang hanapin ang wallet. "Sigurado akong 'di ko 'yon nahulog!" Napasinghap siya ng biglang may pumasok sa isip. "Nadukutan ba ako? My God! Anong gagawin ko? Nando'n lahat ng Id ko't ATM! Paano na?" Dahil sa isiping 'yon tuluyan nang napaiyak si Issay. Kung sino ka mang mandurukot ka, maputulan ka sana ng kamay! Ha! Talagang naawa ka pa, salamat naman at 'di mo isinama 'tong cellphone ko!" Masama ang loob na usal niya. "Ano ba naman 'to, birthday ko na po bukas, bakit naman ito ang iniregalo niyo sa'kin? Kamalasan... Naman Lord eh, pwede po bang bigyan niyo naman ako ng masayang birthday kahit ngayong taon lang na 'to?" naiinis na bulong niya. Wala na siyang pakialam kung pinagkakatitigan siya ng taong naroon. Hindi na niya kayang pigilang magsalita mag-isa dahil sa inis. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at laking tuwa niya nang sa paghugot niya ay may nahulog na isandaan mula sa bulsa niya. "Haa!" malapad siyang napangiti sa nakita at hinalikan pa ang isandaan. May konting suwerte pa palang natira! Mabuti at naibulsa niya kanina ang sukli sa kanya ng konduktor ng bus na sinakyan. Kaagad niyang i-ch-in-arge ang cellphone sa charging station sa loob ng 7/11 at g-in-oogle map ang address ni Jevy. "Lakarin ko na lang kaya? Thirty minutes na lakad lang pala eh..." mahinang tanong niya nang makitang medyo malapit lang ang boarding house ni Jevy mula sa kinaroroonan niya. "Sayang din ang ipapamasahe ko, baka kukulangin 'to," usal pa niya. Ilang minuto ang hinintay niya sa pagtsa-charge bago nagpasyang umalis. Pagkalabas ng 7/11 ay sinimulan niyang baybayin ang daan patungong apartment ng kasintahan. Ini-screenshot niya ang address para hindi na niya kailangang mag-open ng data. 'Di niya alintana ang mga matang kanina pa nakasunod ang tingin sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad nang magpasya siyang magpahinga dahil nakaramdam ng kaunting pagod. "Ang lamig naman dito!" bulong niya sa sarili. Mahilig talaga magsalitang mag-isa si Issay, kaya't walang preno kung bumuka ang bibig niya kahit siya lang mag-isa. Niyakap niya ang dala-dalang backpack. Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari sana'y hindi na siya tumuloy. But no, she didnt want to back out! She wants to spend time with Jevy and Julie. Elyssa sighs in irritation. "Paano na ako maka-celebrate nito? Lahat ng plano nabulilyaso na?" Isip-isip niya at nangigil nang maalala ang nawalang wallet. "I'll swear talaga kung sino ma'ng kumuha no'n maputulan ng kamay!" Akmang tatayo na siya sa kinauupuan bench nang biglang may lumapit na batang lalaki at iniabot sa kanya ang isang sweatshirt. Napakunot noo si Elyssa at nagdalawang-isip kung aabutin ba o hindi ang binibigay nito. "Para po sa inyo, may nagpapabigay po," inosenteng sabi nito. Lumingon-lingon siya bago nakangiwing nagtanong dito. "Sa akin? Talaga?" maang na tanong niya. hindi niya maintindihan kung bakit at labis ang pagtataka niya baka mamaya ay may gustong manloko sa kanya. Sino naman kasi ang magbibigay sa kanya ng jacket? Hindi sumagot ang batang kaharap bagama't ay may ibinigay na sulat. Agad niya itong binasa. "Hi, Ms. Beautiful. A sweatshirt to keep you warm. It's a couple sweatshirt so, isipin mo na lang 'pag sinuot mo 'yan parang yakap kita..smile! Mr. Shades. "The who?" naiinis na tanong niya bagama't hindi mapigilang ngumiti. Napaka-generous naman nito. Well, kung 'di lang ako giniginaw, 'di ko tatanggapin to. But anyway, thank you kung sino ka man... Kaagad niyang isinuot ang hoodie. Sino ba siya para tumanggi sa grasya? Napangiti na lang siya sa isiping iyon. Sana lang nga ay hindi masamang tao ang nagbigay niyon at hindi siya sundan kung saan man ang tungo niya. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makarating sa kalye kung saan malapit na ang boarding house ni Jevy. Here I go sweetie! Sumigla ang mukha niya dahil sa excitement. Malawak siyang ngumiti. Kanina siya tinitext ni Jevy, pero ni isa ay 'di niya nireplayan. She wants to surprise him. A moment later, Issay found herself in front of a two-storey apartment. Facing her was a wooden door ornamented when a bell chimes. Malapad ang ngiti at excited na mukha ang inihanda niya bago tatlong beses na kumatok. Pagkatapos niyon ay marahan siyang umimik. Kailangan niyang ibahin ang boses upang hindi siya mahimigan ng mga ito. "Tao po?" Excited siyang napangiti nang may marinig na yabag papalapit sa pinto kaya't agad siyang humanda sa kanyang surpresang pagbisita. "Surp-!" bulalas niya pero agad ding nabitin sa ere ang salita nang makita kung sino ang nabungaran. Ang ngiti at excitement sa mukha ni Issay ay sinakluban ng matinding pagtataka na naglaon ay naging sari-saring emosyon! This girl supposed to be in the other apartment. Not here. Not in her boyfriend's apartment. But why is she here? "Julie?" hindi makapaniwalang tanong niya. Unti-unting bumangon ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya. " Issay?" magkahalong gulat at pagtataka ang boses ng kaibigan nang makita siya. Namutla ito nang mabungaran siya. Napatda siya sa nakita. Nakasuot lang ito ng loose t-shirt na sa pagkakaalam niya ay pag-aari ng isang lalaki. Magulo ang buhok at halatang bagong bangon sa higaan. "Julie?" mahinang tanong niya sa pangalan ng kaibigan. Pilit niyang inaapuhap kung ano ang sasabihin. Ano ba ang dapat niyang isipin sa nakita? Her bestfriend is wearing a guy's t-shirt and she looks like a messed inside her boyfriend's boarding house. Lalo siyang nagtaka dahil hindi man lang ito nag-abalang papasukin siya sa loob. Nakabawi na rin ito sa pagkabigla nang muling magsalita. "Yes, it's me, Issay! Why? Can't believe what you see?" nakataas ang kilay at mataray na tanong nito habang nakasandal sa hamba ng pintuan. taloagang wala siyang balak papasukin. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita at napagtagni-tagning katotohanan. "What you see is right, Issay. Magkasama kami ni Jevy sa bahay. I mean sa gabi lang!" mahina itong natawa at napangisi. "Sorry ha, wala kasing nag-aasikaso sa boyfriend mo kaya ginampanan ko na ang papel na dapat ay ikaw ang gumagawa!" Tuluyang umakyat ang dugo sa ulo ni Issay nang marinig ang sinabi ni Julie. "How could you? How could you do this to me Julie!? I've trusted you. Tinuring kitang kapatid dahil bestfriend kita. Pero ano 'to? Inahas mo ang boyfriend ko!?" Galit na akusa niya habang nag-uunahan na sa pagpatak ang luha niya. the pain regulating in her heart slowly intensifies. "Duh, kapatid? Bestfriend!? Damn it! Lahat na lang ay sa'yo, Issay!" Napamurang turan nito. "Matagal ko ng gusto si Jevy! Akala ko magkakaroon na ako ng chance dahil ayaw mong magkaroon ng boyfriend! But still inuna mo pa rin ang kalandian mo!" Duro nito. "Alam mong hindi ako gano'n, Julie!" "Well, to me, you are, Elyssa! Paino-inosente ka pa, pero 'yong kalandian mo nag-uumapaw!" Umigkas ang kamay niya sa mukha nito. Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng galit sa puso dahil sa mga paratang nito. "Well, kung itong sampal na 'to ang bayad ko sa pang-aagaw ng boyfriend mo, then I am willing to accept. But let me tell you, Issay, this is the last!" mataray na wika nito. "How could you do this to me Julie!?" nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa pisngi niya. Her voice is quivering. "Alam mong mahal ako ni Jevy, but still nagawa mo pa rin siyang ahasin!" "Shut up, Issay!" nangangalit na sigaw nito. "Mahal? Pinaglaruan ka lang ni Jevy. Pinagpustahan ka lang niya at ni Rex; ang lalaking nagtangka sa'yo!" Bulalas nito at isinuklay ang kamay sa magulo nitong buhok upang iiwas ang tingin sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa narinig. How did Julie knows about that? Is she part of the plan? "You!" akmang sasampalin niya itong muli nang maharangan nito ang kamay niya. Biglang nahagip ng kanyang mata ang suot nitong bracelet. "Bakit meron ka rin nito?" maang na tanong niya na ang tinutukoy ay ang bracelet. Itinaas nito ang braso at hinawakan ang bracelet na suot. "Ito?" nagkibit-balikat ito. "This is our signature if your a member of our gang. So, if you think that you're special because Jevy gave you his, it's nothing. There's no meaning behind it!" Nanlumo siya sa narinig. Hindi kayang i-absorb ng isip niya ang rebelasyon ni Julie. "Sorry to burst your bubble, Issay. You think Jevy really loves you because of this stupid bracelet?" binawi nito ang kamay. "It's all a props, Elyssa. Kaya nga wala siya no'ng may nangyari sayo sa dalampasigan 'di ba?" Natigilan siya sa sinabi nito. She really knows about it! "Kasi binalak na namin 'yon, Elyssa!" bulalas nito at bahagya pang natawa. "Namin? Isa ka sa nagbalak na pagsamantalahan ako? How could you!" nagpupuyos sa galit ang dibdib niya. "Yes! How could I? Because I can, Elyssa. I can do everything and will do everything to ruin you and your relationship with Jevy!" matigas na wika nito. Hindi makapaniwala si Issay sa narinig. Everything around her seems blank. The revelations, betrayal, and friendship that she thought were true, but it's all a lie. A tear ran down her face as her heart tightened more in pain. "Damn you, Julie! What did you do to me?" hilam sa luhang tanong niya. "What did I do to you to deserve all this? I treated you like my own sister, then why did I receive this kind of treatment from you?" Julie just smirked and rolled her eyes. With no intention to answer her questions. "If you have enough, go away from here, Elyssa. Far away as possible. Far away from Jevy because he doesn't want to see your face again!" "No..." Her heart felt so heavy from pain. She can't do this. She don't want to walk away from Jevy. She deserves an honest answer from Jevy. But her heart, it's crashing her. Ang lahat ng sakit ay hindi kayang iagos ng luha. She wants Jevy. Ang lalaking mahal niya. Kung makikita niya ito siguradong mawawala ang sakit na nararamdaman niya. But what if Julie's words were actual? Will she accept the fact that Jevy bet on her heart? "Let me talk to Jevy, Julie. I deserve to know the truth from him," pakiusap niya. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang kawawa. "Stop it, Elyssa. Hindi mo ba ako naririnig? Me and Jevy are doing okay. He don't want to talk to you anymore. So, go. Go away and don't ever come back!" matigas na pagtataboy nito sa kanya. Elyssa felt more pain and her tears streaming down. "Please, Julie..." Pero nagmatigas si Julie na hindi s iya papasukin upang kausapin si Jevy. "Go, Elyssa. If you don't want to get arrested for what you did to Rex, stay away from us!" After the words came out, she slammed the door right to her soaking face. Napadausdos ng upo si Issay sa doorstep habang walang tigil sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. On the day of her birthday, two people she cherished disappeared just like that. "What did I do to deserve all this?" Her face glistens from the tears as the rays of the sun reflect on her. Tama ba itong nangyayari? Pinagtabuyan siya ng bestfriend niyang inahas ang boyfriend niya. All my life, I believe you, Julie. I've trusted you. Bakit ganito ang ibinalik mo sa'kin? Bakit? Elyssa stood up. With her pitied look and tears streaming, she slowly walked away. Walk away from the man of her dreams who cheated on her, from her best friend who betrayed her. Step away from her old self and decided to leave and be reborn into a new life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD