Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin nagpapakita kay Donessa si Dwight. Hindi niya alam ngunit umaasa pa rin siyang pupuntahan siya ni Dwight pero nabigo lamang siya. Naapektuhan ang schedule niya at madalas ay wala pa siya sa sarili dahil sa kaiisip. Ikaw ba naman ang mabigo at masaktan nang biglaan. Biglaan nga lang din ang relasyon nila tapos biglaan lang din pala'ng magtatapos. Ano 'yun? Isang linggong pag-ibig? Hindi niya rin alam kung paano ito kontakin. Sa totoo lang, sobra siya'ng masaktan. Marahil ay iba ang pagtingin na iniukol niya kay Dwight kaysa kay Geoffrey noon. Nangamba siya noong una na baka gagawin din nito ang ginawa ni Geoffrey sa kanya at ganoon nga ang nangyari. Hindi na siya natuto. At lalo pa siyang nangamba nang may mangyaring 'di niya inaasahan. Isang b