Wrong Medicine
I ran to the hospital where my best friend Ken worked because of severe stomach pain. Kanina pa ako pabalik-balik sa cr ngunit hindi naman ako natatae. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang tiyan ko e wala naman akong kinain na hindi pwede sa akin.
I pressed against my stomach as I opened loudly the door of Ken's office.
“What the Fvck, Gab!” Kitang kita ko ang inis sa mukha niya habang sapo ang dibdib. If only my stomach hadn't hurt now, I might be laughing because of how he looks. Kahit gwapo siya, mukha pa din siyang timang. Lakas makabakla.
“Pahingi ng gamot. Masakit ang tiyan ko.” I sat in the chair in front of his desk while my two hands were still on my stomach. The pain has not gone away and it has only gotten worse.
“Bakit? Ano ba ang kinain mo?” He stood up and went to the small fridge.
“Hindi ko alam. Bilisan mo ang sakit na ng tiyan ko, I can't take it anymore. ” kinagat ko ng malakas ang pang-ibabang labi ko dahil pilit kong supilin ang sigaw na kanina ko pa pinipigilan.
“s**t, I ran out of medicine here. Wait." Mabilis niyang kinuha ang white coat niya at isinuot agad ito. “Maghintay ka dito, I'll just get the medicine."
“Uyy teka, Ken. Parang hindi ko na ‘ata kaya. Wala ka bang ibang-”
“May pain killer diyan sa maliit na kulay pulang box. E inject mo muna ‘yan. Panandaliang mawawala ang sakit sa tiyan mo.” Hindi na siya lumingon sa gawi ko dahil nagmamadali siyang umalis at lumabas sa opisina niya. I didn’t quite hear what he was saying because I was focused on the pain I was feeling.
Basta ang narinig ko lang ay ang pain killer at ang pulang box.
Because I was really desperate to get rid of my stomach pain, I immediately looked for what he called a pain killer. Next to his desk was a long table with boxes of various sizes. Its color also varies. I saw two red boxes but one was quite large and the other was small.
I wasted no more time and I immediately took the injection which was placed in the big red box and I immediately injected it into my arm. I also quickly picked up the wet cotton that was in the small jar. Inilagay ko agad ito sa parte ng braso ko kung saan ko itinurok ang pain killer.
A minute later, I felt my stomach but nothing changed. It's still a pain that I can hardly handle anymore.
Shit! Bakit hindi tumatalab ang pain killer na tinurok ko?
Halos ilublob ko na ang mukha ko sa desk ni Ken dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi pa din kasi nawawala kahit nag inject na ako ng pain killer. Kingina!
Maybe Ken didn't fool me, did he?
“Oh, kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba ang tiyan mo?” Agad nabaling ang paningin ko sa kakabalik lang na si Ken. May dala siyang maliit na garapon.
“Bakit hindi tumatalab ang sinasabi mong pain killer?” Tanong ko sa kanya. “Akin na nga ‘yan.” Kinuha ko sa kamay niya ang garapon na hawak niya at dinampot ko agad ang bottled water na nasa kabilang mesa.
“Anong hindi? Effective kaya ‘yon.” Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya dahil mabilis kong binuksan ang garapon na may lamang gamot at kumuha ng isa. Binuksan ko din ang bottled water at ininom agad ang gamot na hawak ko.
Ilang sigundo lang ang nakalipas ay nakaramdam agad ako ng ginhawa. Paunti ng paunti na ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko.
Haist, salamat naman. Kingina halos tatlong oras akong nagtiis sa sakit ng tiyan ko kanina.
“What? Saan na ‘yon?” Naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang nagpapanic na boses ni Ken. Tiningnan ko siya at parang may hinahanap siya.
“Anong hinanap mo? Bakit nag papanic ka?” Tanong ko sa kanya at tumayo ako para tulungan siyang hanapin ang bagay na hinahanap niya.
“Yung injection--teka, saan mo kinuha ang injection ng pain killer?” Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Tinuro ko din ang malaking kulay pulang box.
“Diyan. Sabi mo diba?”
“What? s**t! Bakit dito? Diba sinabi ko sayo na sa maliit na kulay pula na box? Ano ba Gab?” Nakikita ko kung paano siya nag papanic. Parang may importanteng bagay na nawawala at ako ang may kasalanan.
“Bakit ba? Big deal ba ‘yon? T‘saka hindi naman gumana ang sinasabi mong pain killer, huwag mo akong paandaran diyan. Naiinis ako sayo.” bumalik ako sa upuan na nasa harap ng desk niya at pabagsak na umupo.
“Fvck! Yun na nga, kaya hindi gumana dahil ibang gamot ang na-iturok mo.” Dahan-dahang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ibig sabihin hindi ‘yon pain killer? Kaya pala hindi gumana.
“E, ano ‘yon?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Medyo kinabahan naman ako dahil baka may side effect ‘yon, e ‘di nagkaroon pa ako ng sakit. Literal na sakit.
“Sperm ‘yon, Juliana Gabriela Santillan.” Halos panawan ako ng ulirat dahil sa sinasabi niya. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko kanina. Sperm? Nak ng!
“S-Sperm? N-Nagbibiro ka ba?” Hindi niya ako sinasagot. Tinungo niya ang basurahan kung saan ko tinapun ang injection kanina. Nakita niya doon ang bagay na hinanap niya at agad napahilamos sa mukha niya.
“Wala na, wala na akong magagawa.” Matamlay na aniya.
“Ken, a-ano bang ibig mong sabihin? Ano ang tungkol sa injection na ‘yon? Sabihin mo nga sa akin! Kingina, kinakabahan na ako dito eh!” Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa‘t masama ang pumasok sa isipan ko ngayon. Hindi pwede! Hinding-hindi talaga pwede.
“Look, Gab, isang anak Mafia boss ang nagmamay-ari ng sperm na ‘yon. Naghahanap sila ng babae na pwedeng turukan no‘n, at ngayon ang schedule ng turok dahil may nahanap na sila. Pero--arrghh!”
“A-Ano nga?”
“Mabubuntis ka Juliana Gabriela! At sa lalaking ‘yon pa.” Halos mangiyak-ngiyak na siya habang sinasabi ang mga bagay na ‘yon. Alam kong sweet na tao si Ken, pero iba ngayon. Nag-iba nalang ang aura niya.
“Kanino?” Kinabahan kong tanong.
“Sa akin.” Mabilis akong napalingon sa pintuan ng opisina ni Ken at may nakita akong lalaki na nakatayo doon, mukhang kararating lang niya. Ang lalaking kilala ng halos buong mundo.
Si Rafael Zane Miranda. Ang lalaking bumaba sa lupa dahil sa kakaibang taglay na kagwapuhan. Pero hindi ko alam kung saan nanggaling, sa langit ba, o sa impyerno.
Ang lalaking ama ng magiging anak ko kung sakaling mabuntis man ako sa lintik na injection na ‘yon.
“Ikaw?” Kahit ilang minuto na siyang nakatayo sa harapan namin, hindi pa din nagsink-in sa utak ko ang mga nangyayari. Siya, si Rafa na sobrang antipatiko, bastos, walang modo, mayabang, at higit sa lahat, walang pusong anak ng mga Miranda na naghahari sa buong lungsud na ‘to, siya ang magiging ama ng anak ko?
"In that case, it seems like you're even more shocked than me?" Nakataas ang kabilang sulok ng labi niya habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Katulad pa din ng galawan niya, mayabang na mayabang.
I raised an eyebrow at him. “Sino ba naman ang hindi magugulat, dalagang-dalaga ako, tapos sa isang pagkakamali lang sa injection na ‘yon, mabubuntis ako? At ang mas masama, ikaw ang ama.”
He suddenly laughed. “With so many women tripping over me, am I really getting bad? Do you know that everyone dreams of me? ”
“Ito lang ang masasabi ko sayo, wala akong paki.”
“Ah, Mr. Miranda, pasensya kana, nagkakamali lang ng turok-” Rafa suddenly blocked his hands from Ken's mouth. But his gaze still lingered on me.
"She's fine with me." Huminto siya sa pagsasalita at inikutan ako. “Kahit hindi pasok sa taste ko ang mukha at katawan niya, sa tingin ko naman, matitiis ko ang gaya niya. Malakas ang confidence ko na sa akin magmamana ang magiging anak ko.”
“Aba't, anong tingin mo sa akin?” Sigaw ko sa pagmumukha niya, di porke't anak siya ng mga Miranda, papalagpasin ko ang panlalait niya sa akin.
“Tingin ko sayo? A short flawless woman who will conceive my future child. ” Kumpyansa na saad niya. Nakakatawa talaga ang kayabangan niya. Bilib na bilib sa sariling yabang.
“Huwag kang mag-alala. Isusuka at ilalabas ko kasabay ng ihi ko ang magiging anak mo, Gago!” Singhal ko pagkatapos nilagpasan ko siya upang makalabas agad ako sa opisina ni Ken. Naasar ako sa pagmumukha niya.
“Oh My God! Salamat sayo iha.” I was slightly taken aback when suddenly a lady hugged me tightly. I could hardly breathe because of the tightness of his hug. Hindi ko tuloy alam kung gusto ba niya akong patayin o hindi.
“Ahh, sino po kayo?” Tanong ko agad ng makahanap ako ng tyempo upang makaalis sa yakap niya na parang wala ng bukas.
"I'm Rafa's mom, your son's grandmother." Hindi ko maipagkaila ang kasiyahang bumabalot sa kanya habang binibigkas ang mga katagang ‘yon. But even so, I'm still embarrassed because Rafa's mom is in front of me, I almost pushed her earlier because she hugged me so tightly.
"Mommy, it's just my son, she's not involved." Giit ni Rafa. Pinandilatan pa siya ng mata ni Mrs. Miranda dahil nakikisali siya sa usapan namin. Buti nga sa kanya, masyadong mahangin.
“Bakit? Ikaw ba ang magbubuntis?”
“Oh, tama na ‘yan. Hindi ka pwedeng ma stress ngayon na may baby na diyan sa sinapupunan mo.” Pang-aawat ni Mrs. Miranda sa amin.
Medyo kinilabutan pa ako dahil sa pagiging assuming niya. Kanina ko palang aksedenting na turok ang lintik na injection na ‘yon, may bata na agad? Masyado lang ba talaga silang excited magkaroon ng bata sa pamilya nila? O nasa dugo na talaga nila ang pagiging OA at mayabang.