Kabanata XXIII PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. HECTOR PAG-UWI KO ay agad akong pumasok sa bahay at hinanap si Carmina. And to my surprise ay nakita ko siyang nakatayo sa sala at pagharap niya sa akin ay lumuluha ang kanyang mga mata. "Who is she?" Tanong niya. Namuo kaunting kaba sa aking dibdib hindi para sa akin kundi para kay Martha. "What do you mean?" Tanong ko. "Huwag ka nang magmaang-maangan Hector," aniya. "I don't understand you," "Kindly explain this," saka niya ipinakita sa akin ang isang litrato sa kanyang cellphone. May kaakbay akong babae sa litrato habang nakapila sa bilihan ng Hot Chocolate. I remember i