Kabanata IV
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
HECTOR
NANG MAIHATID ko na siya sa kanila ay hindi muna ako kaagad umalis. Pinagmasdan ko muna siyang makapasok sa kanilang tahanan upang masiguro ko kung saan talaga siya umuuwi.
Nang makapasok na siya ay saka ako umalis.
Hindi na siya maalis sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Tila ba naiwan sa loob ng kotse ko ang amoy niya, ang matamis niyang amoy na tila ba nakakapagpabaliw sa akin.
Gusto ko nang makauwi sa bahay dahil nais kong maibsan ang init na nadarama ko ngayon. Hindi ako makapagpigil dahil sa mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit ko ba ito nadarama.
Sa totoo lang ay hindi ko dapat ito ginagawa sapagkat buo ang pagmamahal ko kay Carmina, ngunit mayroong nag-uudyok sa akin na maramdaman ang bagay na ito at iyon ang hindi ko mawari kung bakit hindi ko mapigilang hindi maramdaman iyon sa tuwing nakikita ko si Martha.
Pangalawang araw pa lang ngunit kabaliwan na ang hatid niya sa akin.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa banyo upang maligo. Gusto kong puksain ang apoy na nagliliyab sa damdamin ko dahil nadarang ako sa init na hatid ni Martha. Hindi niya ito alam ngunit sobrang napakalakas ng epekto niya sa aking pagkatao.
PAGKATAPOS kong maligo ay agad na akong naghanda ng aming magiging hapunan ni Carmina.
Nagbabad muna ako ng karne sa tubig dahil nagyelo na ito sa loob ng fridge.
Habang pinalalambot ko iyon ay naghiwa na ako ng mga sahog. Dahil maulan ay magluluto ng ako ng nilaga upang mainitan ang sikmura ni Carmina mamayang pag-uwi niya.
Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto upang kahit papaano ay makalimutan ko ang mga bagay na iyon na gumugulo sa aking isipan.
Alas syete na ng gabi, wala pa rin siya. Kaya't minabuti ko na lang na tawagan siya. Ngunit nakalimang tawag na ako ay hindi pa rin siya sumasagot.
Kaya naman nagtext na lang ako sa kanya.
To: Honey
07:35 P.M.
Hon, nasaan ka na? Luto na ang ulam.
Sent
Naghintay ako sa mesa. Nakabihis na rin ako ng maayos dahil ang alam ko ay dinner date naming dalawa.
Ngunit alas otso na ay wala pa rin siya. Nagtitigan kami ng aking cellphone at nang tumunog ang mail notification ko ay nagulat pa ako.
Sino kaya iyon?
Pagbukas ko ay nakita ko ang email mula kay Martha.
From: Martha Angelina Gabriel
Subject: Budget of Research and Extension Second Semester
Date: August 29, 2021
To: Hector Galvez
Good evening, Sir Hector.
I am sending you the details of the second semester budget of Research and Extension as a response to your request.
Attached is the file for your reference.
God bless!
Pagkabasa ko nito ay agad kong inilapag ang aking cellphone. Ayaw kong magreply dahil ito ang bagay na dapat kong iwasan.
Bigla akong hindi mapakali. Tinanggal ko ang tatlong pagkakabutones ng suot kong longsleeves shirt. Napainom ako ng red wine at saka nag-isip isip.
Nakatatlong tingin pa ako sa cellphone ko at tila ba may nag-uudyok sa akin na magreply sa kanya.
Hanggang sa may magtext sa akin.
From: Honey
Time: 08:34 P.M.
Hon, sorry I can't go home. Matutulog na lang ako sa School's Hostel coz we still need to finish everything now.
If okay lang, please bring me clothes na pamalit tonight and tomorrow. The ones I prepared in our room. Paki-dala na lang dito.
I love you, and I am sorry.
Take care.
Naibagsak ko ang cellphone ko sa mesa pagkabasa ng kanyang text. I hate promises at ayaw ko ng pinapaasa ako sa mga bagay na pinagbibigyan ko ng oras.
Ngunit dahil asawa ko siya ay sumunod pa rin ako. But before that, nagreply ako sa email ni Martha.
To: Martha Angelina Gabriel
Subject: Urgent Meet-up
Date: August 29, 2021
Hi! Please call me. I need to talk with you ASAP!
Here's my number 0977*******
Naka-loud naman ang notifications ko kaya't maririnig ko ang tawag sa aking cellphone kapag tumawag siya.
Agad akong umakyat papunta sa aming kwarto at kinuha ang mga ibinilin ni Carmina na dalhin ko sa hostel.
Agad na rin akong nagsara ng bahay at nagdrive ng sasakyan paalis.
Hinihintay ko ang tawag mula kay Martha ngunit wala. Pero malakas ang pakiramdam ko na tatawagan niya ako ngayon din.
Pagdating ko sa school ay inilabas ko na ang mga naka-hanger na damit ng asawa ko at habang tumatakbo ay tinatawagan ko siya.
Sumagot naman siya kaagad.
"Nandito na ako,"
"Okay, wait, bababa na ako," aniya.
Pagkasabi nito ay ibinaba niya na ang tawag. Ibinulsa ko ang aking cellphone at hinintay siyang bumaba.
Wala pang ilang minuto ay nakababa na siya.
"Honey, I'm sorry, hindi namin natapos kaagad dahil marami pang bagay na kailangan maidelibarate ng maayos. I have to do this," bungad niya sa akin.
This is Carmina. She has a lot of excuses sa relasyon naming dalawa.
And I am tired of it.
Really.
"No worries. Please have a rest when you need it honey," ang tangi kong nasabi.
"Thanks for your understanding," saka siya humalik sa aking pisngi.
"Alright, I have to go," sabi ko pa.
"Saan ka na niyan?"
"Going home," sagot ko.
Bago siya makasagot ay tumunog ng malakas ang cellphone ko.
Napatingin siya sa bulsa ko at saka ko naman agad iyon inilagay sa mute na hindi pinapatay ang tawag.
"Mom," dahilan ko pa kahit na hindi kilalang number ang tumatawag.
"Better visit her muna bago ka umuwi," sabi naman ni Carmina.
"Bukas na siguro, okay take care. I have to go," paalam ko.
Tumakbo ako pabalik sa sasakyan and pagkalabas ko ay agad kong inilabas ang cellphone sa aking bulsa.
Thankfully, tumawag siyang muli.
"Hello," bati ko.
"Hello sir, si Martha po ito. Bakit po?"
"Ah yeah, Martha. I am on my way to your house now. Susunduin kita for an important discussion,"
"Sir, as in ngayon na?"
"Yup,"
"Hindi pwedeng bukas sir?"
"This is urgent,"
"Sir ano kasi,"
"Martha, please!"
"Okay sir, magbibihis lang ako," agad niyang sagot.
Napangiti ako nang marinig iyon sa kanya. Sa katunayan ay I have no plans at all. Wala akong bagay na nais gawin ngayon kundi makakuha ng atensyon ng iba, because I desperately needed it since Carmina can't give me her full time as my wife.
Hindi na ako dapat pang magpigil. She wants this to happen, so I will make it happen now.
And Martha is the one I need for this.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay tyempo namang palabas na siya kasama ang isang matandang babae.
Nagbukas ako ng bintana at nagpakita sa kanila.
"Ano ba iyan nak, gabing gabi na, saka ka pa aalis," narinig kong wika ng nanay niya.
Nahiya ako bigla.
"Trabaho kasi ito nay," narinig kong wika ni Martha.
"Hindi pa umuuwi ang tatay mo. Ewan ko ba sa lalaking iyon," sabi pa ng kanyang ina.
"Baka po pauwi na rin,"
"Magandang gabi po," bigla akong sumingit sa kanila.
"Heto na pala si boss nay," pagpapakilala sa akin ni Martha.
"Ah siya na ba," lumapit sa akin ang nanay niya at tinitigan ako.
"Aba sir, napakagwapo niyo naman po. Artistahin," sabi pa nito.
Bigla akong nakadama ng hiya.
"Nay, ano ka ba?" Saway ni Martha na nahihiya rin sa sinasabi ng kanyang ina.
"Sir, ingatan niyo po ang anak ko ha? Huwag po sana kayong aabot ng madaling araw at baka magalit po ang tatay niya," bilin ng kanyang ina.
Napatingin naman ako kay Martha na nakayuko lang.
"Wala pong problema nay, ihahatid ko rin po ang anak ninyo," magalang kong sagot.
"Oh siya, mag-iingat kayo," sabi pa nito.
"Alis na po kami nay," humalik siya sa pisngi ng ina at saka umikot para sumakay.
"Bye po," sabi ko pa sa nanay niya bago nagsara ng bintana.
Nakita ko namang gininaw siya sa loob nang makapasok siya kaya't agad kong kinuha ang leather jacket ko sa likuran at saka ibinigay sa kanya.
"Heto oh, mukhang giniginaw ka," mahina kong wika sabay abot nito.
"S-salamat po," aniya.
Hindi ko hininaan ang air-condition ng sasakyan kaya't minabuti ko na lang na pagsuotin siya ng jacket.
"Saan po tayo pupunta sir?" Tanong niya.
Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga alam kung saan ko siya dadalhin. Wala ako sa tamang huwisyo ngayon. Basta't ang nasa isipan ko lang ay susunduin ko siya dahil gusto ko ng kasama sa pagkain.
Tama.
Iuuwi ko siya.
"Sa bahay," saka ako lumingon sa kanya.
"Seryoso sir?"
"Alangan naman sa hotel," mahina kong sagot.
"I mean, bakit po sa bahay ninyo?"
"Wala ang asawa ko,"
"Hindi ko po kayo maintindihan,"
"I just need to talk to you about things, kakain lang tayo and that's it,"
"Kumain na po ako,"
"Then you need to eat again,"
"Busog na ako sir,"
"Just be with me, please!" Pakiusap ko.
Natahimik siya. Alam kong may navaviolate na akong rules sa trabaho ko. Alam kong labag na ito dahil may harassment na ring nagaganap. Ang pagpilit sa kanyang sumama sa akin at gagamitin ko ang pangalan ng trabaho para mapa-oo siya ay maling mali na.
Ngunit anong magagawa ko? Wala akong magawa dahil ito ang inuudyok ng damdamin ko ngayon.
Pagdating naming dalawa sa bahay ay pinapasok ko siya sa loob.
Namangha naman siya sa laki ng bahay naming dalawa ni Carmina at napatingala agad siya sa malaking wedding picture namin na nakasabit sa wall.
"Come on, this way," iginiya ko siya sa kusina.
Sumunod naman siya sa akin doon.
Ininit ko ang niluto kong ulam at saka ako naglagay sa tason sa gitna.
Nagsalin din ako ng wine sa aming mga baso.
"Let's eat," alok ko sa kanya habang nakatitig lang siya sa akin.
Napakaliit niyang tingnan sa loob ng leather jacket ko. Ngunit napakaganda niyang babae.
Nagsimula na akong kumain at siya naman ay dahan-dahan sa pagkilos.
"Nasaan ang tatay mo?" Tanong ko sa kanya.
Narinig ko kasing pinag-uusapan nila ito kanina.
"Sir, huwag na lang iyan ang usapan," iwas niya.
"Bakit naman?"
"Ewan ko kung tama ba ang narinig ko kay mama pero kasi, may kahati na kami sa kanya," napayuko siya.
"Anong ibig mong sabihin na kahati?"
"Simula kasi nang magtrabaho siya ay kaunti na lang ang pera na ibinibigay niya sa amin. Kaya't heto, nagsasakripisyo ako para sa mga kapatid ko na nag-aaral pa," naiiyak niyang wika.
Nagsisi naman ako kaagad sa aking tanong sa kanya tungkol sa kanyang ama.
"I am sorry," lumapit ako at iniabot sa kanya ang panyo sa bulsa ko.
"Huwag na po pala sir," aniya.
"No, get this," pilit ko.
"Pasensya ka na sir," aniya.
At bago pa ako maunahan ng hiya ay lumakad ako papunta sa kanyang likuran and hugged her from her behind.
I want her to feel the comfort she needs. At sa palagay ko ay mararamdaman niya iyon sa yakap ko.
"Sir, ano pong ginagawa mo?"
"I am giving you the comfort that you need, Martha," mababa ang boses ko na nakatapat sa kanyang tenga.
Napakabango niya. Pilit akong nabubuhayan sa natural niyang amoy. Napakatamis niya sa aking ilong.
Nakababaliw siya.
"Sir, kung ano man po ang gusto mong mangyari, sorry, huwag mo na pong ituloy dahil hindi po ako papayag," saka niya pilitan na tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
Napaatras ako. Ngunit inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat at inilapit ang mukha ko sa kanyang kanang tenga.
"Huwag mo akong pahintuin Martha, magsisimula pa lang tayong dalawa."
Mahina kong wika.
Sa palagay ko ay ito na rin talaga ang simula.
Nandito na ako, itutuloy ko na.
Pagtatapos ng Ika-apat na kabanata.