Kabanata XXVIII PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA NAGISING AKO habang nakayakap ako sa kanya sa isang kama, alas kwatro na ng hapon. Dama ko ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom dahil matapos ang mainit na tagpo sa pagitan naming dalawa ay hindi pa kami nagtatanghalian. "Daddy," niyakap ko siya at sumiksik sa kanyang tagiliran. "Uuhhmmm," niyakap niya ako. "Nagugutom na ako," "Gusto mo bang magluto ako o kumain na lang tayo sa labas bago kita ihatid pauwi?" "Kain na lang tayo sa labas," sagot ko naman. "Okay, five minutes, bangon na tayo. Let me just hug you first, baby," at hinigpitan niya pa ang yakap sa akin