Kabanata XIII PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA "SUMAMA NA SIYA IBABANG BABAE." Halos mabitawan ko ang aking cellphone dahil sa aking narinig na sinabi ng aking nanay. "Nay, totoo po ba iyang sinasabi mo?" Tanong ko na hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig. "Oo anak. Kinuha na niya lahat ng gamit niya dito kagabi nang umuwi siya," naiiyak na wika ng aking ina. "Nay, hayaan niyo na siya. Dati pa naman po nating tanggap na ganyan na siya at iyan na ang desisyon niya. Hayaan mo nay, ako na ang bahala sa ating pamilya. Nandito kami nila Maricris at Michael para sa'yo nay, huwag ka nang malungkot," pilit kong pinalalakas