Kabanata VI
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
MARTHA
NAGLUTO siya ng bacon at itlog. Napakain ako ng husto dahil nagsangag siya ng kanin.
Feeling ko ay napakatagal na nang huli akong makakain ng sinangag kaya naman wala nang hiya hiya pa.
"Boss, ang sarap mo magluto. Siguro ay dito nainlove sa'yo si Ma'am Carmina," komento ko.
Nagagawa ko na ring makipag-usap sa kanya ng ganito ngayon na para bang napakatagal na naming magkakilala.
"Isa na siguro iyan, pero meron pang pinakamalupit na dahilan kung bakit siya nainlove," aniya.
Alam ko ang sagot ngunit ayaw kong sabihin sa kanya sapagkat lalaki lang ang ulo niya.
Nag-pogi sign siya at saka ako napangiti.
"Hindi ba?" Aniya.
"Ewan ko," sabi ko pa.
Sa totoo lang ay hindi ako na-attract dati sa mga balbas sarado na lalaki. Ngunit iba si boss, bagay niya. At hindi lang basta bagay, para bang kapag wala na siyang balbas at bigote ay napakabait niya, at kung mayroon siya nito ay bad boy siya.
Ewan ko ngunit parehong bagay niya iyon para sa akin.
"Mauuna na akong matapos sa'yo. Maliligo lang ako at magbibihis, para maihatid pa kita," aniya.
Nagmadali siya at saka ako iniwang mag-isa.
Okay lang naman, hihintayin ko na lang siya.
Habang kumakain ay iniisip ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagkakaroon ng anak.
Ilang taon na ba silang kasal?
Napukaw lang ako sa pag-iisip ko nang lumabas siya ng kwarto nila at bumaba sa kusina upang kumuha ng pang-ahit sa ibabaw ng ref.
Nakatapis siya ng puting tuwalya at kitang kita ko ang v-line ng kanyang katawan pababa sa maselang parte ng kanyang katawan.
Namumutok din ang abs niya at talo pa yata niya ako sa kanyang dibdib dahil napaka-matipuno nito.
"Kain ka lang, maliligo lang ako," aniya.
Nakapaa lang din siya at isang hila lang ng towel ay hindi ko na alam kung anong makikita doon.
Hindi ako kumibo. Bawat paggalaw ng muscles niya sa braso at sa kanyang likuran ay naglalagay sa akin sa mainit na lugar.
Napainom ako ng tubig nang napadako ang mata ko sa kanyang pang-upo. Maumbok iyon at hulmadong hulmado.
Perfect husband.
Sigaw ng utak ko.
Soon, magkakaroon din ako ng katulad niya. Napakaswerte ni Ma'am Carmina.
Matapos iyon ay agad na rin siyang umakyat sa taas.
May parte pa ng utak ko na nagsasabing sana mahulog ang towel pero agad ko iyong binura sa isipan ko.
May kaharutan din naman ako kung minsan pero pangpawala lang ng stress.
Nang matapos na akong kumain ay nakakahiya namang iwanan ko na lang iyon.
Kaya't ako na mismo ang nagligpit nito. Inilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan, ang mga naiwang pagkain ay tinakpan ko sa mesa at saka ako naghugas ng aming pinagkainan.
Pagkatapos niyon ay nagtaob na ako ng mga hinugasan at saka ako napatingin sa refrigerator kung saan nakadikit doon sa pamamagitan ng magnet ang mga notes.
Hon,
Please take your breakfast, nauna na akong umalis dahil may-ihahabol akong voucher.
Love you.
Hector.
Hon,
Nasa fridge ang hinanda kong apple juice mong babaunin. Don't forget it.
Love you.
Hector.
Halos lahat ng nagbabasa ko ay mula kay Sir Hector.
Wala akong nabasang ni-isa mula sa kanyang asawa.
Doon ako nagtaka. Nagsimula akong magtanong sa isip ko tungkol sa mga bagay bagay na hindi ko mabigyan ng kasagutan mula pa kagabi.
Masaya kaya silang dalawa? Bakit kaya matagal nang hindi nakakakain ng maayos si Sir Hector ayon sa kanya? Nagagampanan ba ni Ma'am Carmina ang pagiging may-bahay niya kay Hector?
Bakit wala pa silang anak?
Nakapagtataka. Kung tutuusin ay parehas silang mayroong maayos na trabaho. Perpekto rin silang tingnan dahil parehas silang gwapo at maganda, tapos may kaya pa.
Pero anong meron at tila ba ang lungkot ng bahay na ito?
Ngayon lang ako narito ngunit nadarama ko ang lungkot sa bawat sulok nito. Nakabibingi ang katahimikan at walang kahit na anong bakas ng kasiyahan.
"Tara na?"
Napalingon ako nang marinig si Sir Hector na nagsalita.
Pababa siya ng hagdan at nakasuot ng longsleeves na kulay itim at hapit iyon sa kanyang katawan. Nakamaong din siya ng kulay blue at mayroong bitbit na bag ng laptop.
"Sir, wait," sabi ko pa.
Napansin kong hindi pantay ang pagkakabutones ng kanyang longsleeves kaya't lumapit ako sa kanya upang ako na ang maglagay niyon.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. At dahil mali ang pagkakabutones ay kailangan tanggalin mula taas hanggang baba.
Late ko nang narealize na hindi dapat ako ang gumagawa nito nang matanggal ko nang lahat iyon.
"Ah, sorry sir," napayuko ako.
"Ikaw na ang magtuloy. Ikaw na ang nagsimula hindi ba?" Mahina niyang wika.
Kaya't kahit alangan akong hawakan siya ay pinilit ko.
Inabot ko ang butones sa baba at ako na ang naglagay nito. Ingat na ingat ako at ayaw kong madikit ang kamay ko sa kanyang balat dahil nadarang na ako sa kanyang kakisigan, mapapaso pa ba ako sa nagbabaga niyang katawan?
Nang mailagay ko na ang mga butones at hinayaang nakabukas ang tatlo sa taas ay napatitig ako sa kanyang mga mata habang nakatingala.
Kanina pa pala siya nakatitig sa akin habang ginagawa ko iyon.
Parang kulay blue pa ang paligid ng kanyang mukha at labi dahil sa kaaaahit niyang mga bigote at balbas.
Napalunok siya na nasubaybayan ko dahil sa pagtaas baba ng kanyang adam's apple.
"Martha," aniya.
Umiwas ako at akmang maunang lalabas nang hilahin niya ako at yakapin mula sa aking likuran.
Agad kong nadama ang init ng kanyang katawan at ang natural niyang bango na hinaluan ng tapang ng kanyang ginamit na sabong panligo.
"Sir, huwag po," pilit kong tinanggal ang mga kamay niya ngunit humigpit pa iyon.
"Martha, kahit sandali lang, gusto lang kitang maramdaman," mahina ang boses niya at nakapapaso ang init nito sa aking tenga.
Napapikit na lang ako at hinayaan siya.
Alam kong mayroon pang higit na kahulugan ang lahat ng ito sa pagitan naming dalawa.
Nararamdaman ko dahil babae ako at higit sa lahat ay kumpirmadong ako ay nahuhulog na rin sa kanya.
Maling mali ang bagay na ito at ayaw kong maging isang kabit.
Hindi ako magiging kabit.
Never.
Kaya't nang makatyempo ako ay nagyaya na akong umalis.
"Tanghali na po sir," wika ko.
"Tara na," hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kanyang bahay.
Pagkasara ng pinto ay pinagbuksan niya pa ako sa kotse niya saka siya umikot upang makapasok.
"Seat belt, uhhmm," inabot niya ang seatbelt sa tabi ko na dahilan para maamoy ko siya at magkadikit kaming dalawa.
Malamig ang loob ng kotse ngunit mainit ang pakiramdam ko dahil sa kanya.
"Okay, tara na?" Aniya.
"Okay boss," sagot ko.
Nagdrive na siya para maihatid ako pauwi at saka niya ako hihintayin upang sabay kaming pumasok sa trabaho.
"HINDI KA MAN LANG, nagtext na hindi ka uuwi. Alalang alala kami sa'yo."
Sermon ni mama sa akin.
Nahihiya ako dahil nagagalit siya habang nasa loob ng bahay si Sir Hector.
"Paumanhin po nay, nakatulog na po kasi siya kaya't hinayaan ko na lang. Ako po ang may kasalanan," ani Sir Hector.
Natahimik si nanay.
"Sir, oo nga pala. Nag-almusal na po ba kayo?"
Saka lang niya narealize na nandito pala ang boss ko nang magsalita ito.
"Tapos na po kaming mag-almusal nay," aniya.
Naligo na ako kaagad at minadali ko na ang lahat lahat dahil 7:15 na ng umaga.
Nauna na raw pumasok si Maricris kaya't hindi ko na rin siya maisasabay sa pagpasok. Nakapasok na rin daw si Michael sa paaralan kaya't wala nang kasama si nanay nang madatnan naming dalawa kanina.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naghihintay lang si Sir Hector sa sala habang nagkakape.
"Nay, baka barakong kape ang ipinainom mo kay Sir Hector," pag-aalala ko.
"Ayos lang, masarap pala," wika nito sabay taas ng tasa ng kape.
"Hala, nay naman," reklamo ko habang nagsusuklay.
"Okay lang ito," sabi pa nito.
"Iyan ang sabi niyang ihanda ko anak kaya't hindi na ako bumili pa ng 3 in 1," sabad ni nanay.
Pinandilatan ko siya ng mga mata at natahimik siya.
"Oo nga pala, si tatay?" Tanong ko habang nag-iipit ng buhok.
Hindi muna ako nagpupusod pag basa ang buhok ko.
"Nak, hindi na naman umuwi kagabi," malungkot na wika ni nanay.
Alam ko na lang ang ibig sabihin niyon kung hindi siya umuwi kagabi. Malamang nasa kabit na naman niya siya.
Sanay na kami sa ganitong set-up at naaawa ako sa nanay ko na tila ba walang magawa dahil sa wala talaga siyang magagawa. Masyadong martir ang aking ina at masyadong mapagpatawad kaya't isang sorry lang ni tatay ay mapapatawad na niya iyon.
"Nay, nag-iwan ako ng pambili ng bigas sa ibabaw ng tokador," sabi ko pa.
"Nak, wala na tayong gasul," aniya.
Wala pa kaming sahod. Kababayad ko lang ng matrikula ni Maricris at ng mga kailangan ni Michael sa school.
"Nay,uutang po muna ako kay Rosy mamaya, tamang panggastos po kasi natin iyon hanggang katapusan," pakiusap ko kay nanay.
Marami na akong utang kay Rosy at sobrang kinakapalan ko na lang ang mukha ko sa tuwing uutang ako dahil parehas lang kaming contractual. Siya lang kasi ang maluwag sa budget kaya't siya ang nagtatakbuhan ko.
"Huwag mo nang problemahin iyon Martha, heto at pahihiraman kita. Alam kong hindi mo tatanggapin kung sasabihin kong ibibigay ko ngunit mas kailangan ninyo ito ngayon kaya't tanggapin mo na," maya maya ay sabad ni Sir Hector na nakapagpatahimik sa amin ni nanay.
Nagkatinginan kaming dalawa ni nanay.
"Ah eh, may kahoy naman kaming lutuan sir, hayaan mo na," tanggi ni nanay.
"Huwag na sir, nakausap ko na si Rosy, pumayag na siya," sabi ko pa.
"Hindi ba't hindi mo pa naman nasasabi dahil kaaalam mo lang ngayon na kailangan mo?" Hinuli niya ako.
"Hindi sir, napag-usapan na naming tutulungan niya ako sa oras na kailangan ko siya," palusot ko.
Tumayo siya at inabot sa akin ang dalawang libo.
"Hindi ka marunong magsinungaling Martha," mahina niyang wika.
Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon mula sa kanya.
"S-salamat sir," napayuko ako.
BAGO KAMI umalis ay binigay ko na kay nanay ang pera.
Ngayon ay nakasakay na akong muli sa sasakyan niya at tahimik naming binabaybay ang daan papunta sa San Lorenzo University.
Hanggang sa magsalita siya.
"Martha,"
Lumingon ako.
"Boss,"
"Nakalimutan mo na ba?" Aniya.
"Ang alin po?"
"Sinabi kong huwag ka nang magsusuot ng skirt," seryoso niyang wika.
Oo nga pala. Jusko.
"Sir, wala na po kasi akong tuyong pants," palusot ko.
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling," aniya.
Natahimik ako.
"Pagkagaling natin sa lunch date natin sa Sabado, mamimili tayo ng mga damit mo," ma-awtoridad niyang wika.
"Naku sir, hindi po. Hindi ko tatanggapin," sabi ko pa.
"Hindi mo tatanggapin o ako na mismo ang magdadala ng mga iyon sa bahay niyo?"
Natahimik ako.
Wala na naman akong magawa.
PAGDATING NAMING dalawa sa school ay ang eksenang halos ayaw kong maisip na nangyari.
Pagbaba ko sa kotse nang buksan ni boss ang sasakyan ay tyempo namang papalapit si Ma'am Carmina sa aming dalawa.
"Magkasama kayo?"
Malumanay nitong tanong.
Nagkatinginan kami ni Sir Hector.
Shocks. Patay na.
Pagtatapos ng ika-anim na kabanata.