Kabanata X PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA "HINDI PWEDE, SIR!" Pagmamatigas ko nang kami na lang dalawa sa aming kwarto. Iisa ang kama nito, although malaki, pero hindi pwedeng sa iisang kama lang kami. "Ito na lang ang available," aniya. "Imposibleng ito na lang," sabi ko pa. Sa laki ng Crown Legacy ay imposibleng mawawalan ng vacant room. "Counted lang ang maaaring lagyan ng guests dahil iyon lang ang allotted sa seminar natin," sabi pa niya. "Sir naman, alam mong hindi tayo pwedeng magkasama sa iisang kwarto," naiinis na ako sa kanya. "Wala naman akong gagawing masama sa'yo," sabi pa niya. "Paano ka nakakasigur