Kabanata XIX PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. HECTOR "KAIN NA PO KAYO." Pag-alok sa akin ng ina ni Martha kinaumagahan bago ako uuwi sa aking bahay kung saan naghihintay si Carmina. "Salamat po, nay," sabi ko pa. Katabi ko si Martha at kaming tatlo pa lamang ang gising dahil tulog pa ang mga kapatid niya. Maaga akong bumangon at nadatnan ko ang mag-ina na naghahanda ng almusal. Balak ko rin sanang maagang makauwi para naman makapagpahinga sila ng maayos. Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na rin ako. "Salamat po pala sir sa paghahatid sa anak ko," magiliw na wika ng nanay niya. "Wala pong anuman," sagot ko. Tanging si Mar