Kabanata XV PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA "HINDI PWEDE!" Naitulak ko siya dahil hindi pa ako handa. Ang totoo ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko at hindi ko rin alam ang dapat na gawin kaya't hindi ako handa. Hindi sa ayaw ko, ngunit sa totoo lang ay ayaw kong mapahiya. "Bakit?" Tanong niya sa mahinang boses. "Pagod ako," tumalikod ako sa kanya. Pumikit ako at nananalangin na sana ay makatulog na ako at hindi na gambalain pa ng mga kaisipan na makapag-uudyok sa akin na tanggapin ang kanyang katawan. Naramdaman ko na lang na yumakap siya mula sa aking likuran. Sa puntong iyon ay nadama ko ang init ng kanyang