Kabanata XIV PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA GANITO PALA ang tamis ng unang halik. Totoo nga, matamis. Hindi ko maipaliwanag ang totoong pakiramdam ngunit masasabi kong para akong dinadala sa ibang bahagi ng mundo. Nakalimutan ko ang isang bagay na nasa pagitan naming dalawa na posibleng maging dahilan ng isang malaking kaguluhan. Nakalimutan ko ang isang bagay na magsisilbing pader sa pagitan naming dalawa upang maging hadlang sa nararamdaman naming pag-ibig sa isa't isa. Ngunit pag-ibig nga ba ito? Pag-ibig nga bang maituturing ang halos isang linggo pa lang naming pagkakasama? Sigurado na ba ako? Ngunit oo, sigu