Kabanata XII PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. HECTOR "BAGAY SA'YO ITO. IYAN, ITO RIN OH, ITO PA." Tinambakan niya ako ng mga coat na paninda ng isang ale sa night market. "Lahat ng ito?" Taka kong tanong sa kanya. "Hindi naman. Basta, isukat mo. Ako titingin kung bagay o hindi," aniya. "Okay," sumunod naman ako kaagad. Tinanggal ko ang jacket ko ngunit hindi ko maisulat dahil apat agad ang hawak ko. "Akin na muna yung iba," napagtanto niya sigurong marami akong hawak kaya't kinuha niya na muna yung iba. Isinukat ko ang isa at saka tumayo lang sa harapan niya. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha habang inaantay ang sasabih