Kabanata XXI MARTHA MAAGA akong pumasok sa opisina katulad ng sinabi niya sa akin. Nagsuot ako ng pencil cut skirt at isang blouse na babagay sa kulay ng suot kong skirt. Katulad ng inaasahan ay wala pang katao-tao sa Administration Building ngayon. Ang mga guards lang sa gate ang meron at wala pang kahit na sinong magtime-in bukod sa akin. Alam ko kung bakit ako nandito ng ganitong oras, alam ko kung ano ang mangyayari, at alam ko kung ano ang dapat kong gawin. At handa na ako. Pinag-isipan ko ang bagay na ito nang tanungin niya ako kagabi habang kami ay naghahapunan. Kaya't ibibigay ko na. Ramdam ko ang sinseridad niya sa akin, ang kanyang tunay na pag-ibig at ang kagustuhan niyang maangkin ako. Hindi ko rin maikakaila na nadadala na rin ako sa mga bagay na ito. Hindi ko man ma