CHAPTER ONE
MANILA, 2017 | Baclaran.
"Hoy! Baliw umalis ka dyan ambaho mo. Malas ka sa negosyo! Alis! Alis!"
Napalingon si Janna sa malaking boses ng matabang babaeng may-ari ng karinderya sa may di kalayuan. May tingting itong hawak habang pinapaalis ang isang babaeng sa tingin nya nasiraan ng bait nagmadaling lumapit si Janna sa ginang.
"Alis! Layas! Umalis ka," muling singhal nito rito.
"Tama na!" akma niyang pagpigil sa bantang pagtulak pa nito.
"Umalis ka sabing baliw ka dyan! Malas! Alis!"
"Tama na!" ulit ni Janna. Ginitna ang katawan niya sa babaeng mataba at sa ginang na pilit nitong pinapaalis.
"Baliw! Baliw!" paulit-ulit nitong singhal.
Tuluyan niyang hindi natiis ang ginagawa nito. Agad n'ya itong tinulak walang paalam na niyakap ang ginang.
"Tama na! Tama naman na!"
"Paalisin mo yang baliw na yan kundi makakatikim sa'kin yan!"angil nito galit na galit sa nanginginig na ginang.
"Wala siyang ginagawang masama sa inyo sinaktan n'ya ba kayo? Ninakawan? Hindi n'yo ba siya nakikita wala s'ya sa katinuan. Hindi niya alam ang ginagawa niya!" aniya ni Janna rito.
"Malas siya sa tindahan ko. Ang baho n'ya amoy na amoy sa loob ng karinderya ko kaya walang nakain e. Dahil sa malas na yan!"
Nilingon ito ni Janna maraming putik sa katawan ang ginang punit-punit ang damit.
"Sa ginagawa n'yo sa kaniya, kayo ho ang mas madumi hindi s'ya!" angil ni Janna.
Nilapitan niya ang ginang na patuloy sa paghahanap ng pagkain sa nakakalat na basura.
"Aba! Sumosobra ka ng pakealamera ka ah!" Akma s'ya nitong susugurin ng pumagitna ang ginang sa kanilang dalawa.
"Wag mo sasaktan ang anak ko!"
Nabigla ang dalawa sa naging reaksyon nito. Nahinto ang babaeng mataba maging si Janna. Pinagmasdan ang ginang umupo sa tabi n'ya, habang yakap-yakap ang isang maduming manika.
"’Wag mo sasaktan ang anak ko! Hindi ako papayag. Hindi! Walang ibang makakasakit sa anak ko!" Muling narinig ni Janna mula rito. Nagtaas s'ya ng tingin. Muling nagkatinginan sila ng salbaheng ginang.
"D’yan na nga kayo! Mga baliw!" Napakagat-labi si Janna sa huling sinabi nito. Naalala niya ang mga katagang sinabi nang tatay n'ya bago sila iniwan.
"Tulog na anak ko hahanap si nanay pagkain mo! Tulog na anak ko. Hindi aalis si nanay sa tabi mo!" Malinaw na pagkakarinig ni Janna sa isang himig nito ng Ale.
Napangiti siya.
"Mabuti pa ang manikang yan! May nanay na nagmamahal, may nanay na nangangakong di mang-iiwan, may nanay na gumagawa ng paraan, para matugunan ang pangangailangan ng anak ny'a at malayong-malayo 'yon sa nanay ko, Ale. Sana ako na lang ang manikang yan para maramdaman ko kung may nanay pala ako!"
Naibulong ni Janna sa sarili.
"Ale, halika po kayo bibili po tayo ng pagkain mo." Tiningnan nito kamay niya bahagyang umiwas ang ginang.
"Sasaktan mo rin anak ko?"
May takot siyang nakita sa mga mata nito. Umiling-iling si Janna.
"Hindi po pakakainin natin siya. Kayo po."
"Papa-ka-inin?" utal nitong tanong sa kaniya. Naramdaman niyang sumigla ang boses nito. Napangiti si Janna.
"Opo. Kakain kayo hindi po kasi pagkain yang nandyan na sa basura. Marumi ho. Magkakasakit kayo iyong anak niyo."
"Fried Chicken? " Napangiti ng maluwag si Janna.
"Kahit ano po, Ale. Tara na po. Gutom na kayo."
Tumalima ito nakangiting inalalayan niya itong makatayo.
"Anak ang baet niya!" Narinig ni Janna na bulong nito sa isang manikang mahigpit nitong hawak.
Dinala niya sa malapit na karinderya ang ginang , umorder siya ng makakain nila. Napatingin siya sa paligid sa mga matang nakatingin sa kanila dahil sa kasama niya alam ni Janna.
Tumunog ang caller tone ng cellphone niya si Ashley.
"Janna?"
"Ashley, bakit?"
"Nasaan ka? May reporting tayo." Third yea psychologist student si Janna. Kung bakit isang manggagamot sa mga may problema sa isip ang napili niyang kurso? Hindi niya rin alam dahil ang alam niya at hindi niya nakakalimutan ang sinabi ng tatay niya bago sila nito iwan.
"Mga baliw! Mga walang silbi---mga palamunin! Baliw.!"
Muli siya nakaramdam ng sama ng loob sa sarili niyang ama. Binalik niya ang tingin sa ginang na nasa harapan niya may ngiti sa labi itong habang kinakagat ang paa ng fried chicken na in-order niya para rito.
Napangiti siya
"Hey, Janna Gamboa. Nandiyan ka pa ba?" Pinindot niya ang end-button na 'di na nakuhang magpaalam kay Ashley.
"Ale, aalis na po ako. Kumain po kayo ha at wag po kayo paaapi kahit kanino." Tiningnan siya nito nakangiti.
"HIHIHI! Ang bait-bait niya anak."
"Magkikita pa tayo, Ale! Kakain ka pa ulit ng fried chicken"
"Hihihi! Babyboy, say bye-bye." Utos nito sa manika. Natatawa itong minuwestra nito ang natitirang kamay ng manika nito.
"Lalake ang anak niya." Naibulong ni Janna sa sarili.
"Bye, bye!" Tuluyang tumalikod ang mabait na dalaga sa ginang na agad napalapit ang loob sa kaniya.
"Babalik ho ako, Ale."
"Hey, Janna! Okay ka lang ba?"
Nasa library sila kasama ang kaibigan niyang si Ashley.
"Ashley, magagawa kaya natin ibalik ang katinuan nila?"
Tukoy ni Janna sa mga larawang nasa harapan nila. Larawan ng may iba't ibang uri ng mukha ng mga taong nawalan ng bait sa iba't ibang dahilan.
"Depende!"
"Depende saan?"
"Sa kagustuhan nilang gumaling, Janna!"
"Naaawa ako sa isang Ale. Nakita ko siya kanina binabato siya pero hindi siya lumaban nanatili siyang nakayuko sa bumabato sa kaniya."
"Kasi nga friend nature na sa kanila ang 'di lumaban. Ang hayaan nalang ang taong saktan sila dahil pag lumaban sila. Sila rin ang kawawa na sasaktan lang sila"
"At lalaban lang sila pag may isang bagay na pilit kukunin sa kanila!" Napatingin sa kaniya ang kaibigan.
"Exactly. Diyan iikot report natin ngayon, Janna. Kung hanggang kailan sila lalaban?" Hindi pa rin mawala sa isip ni, Janna ang ginang na tinulungan at pinakain niya na pinangako niya sa sariling araw-araw niya itong pakakainin. Hindi lang nito muli maranasan ang masigawan at muntik ng masaktan.
"Hindi ka pa ba tapos dyan, Janna?"
"Sandali nalang 'to!" Nagpaalam sa kaniya si Ashley. Agad niyang tinapos ang assignment nila kailangan niyang umuwi ng maaga ipagluluto niya pa ang nanay niya.
"Nay! Nay!?" Napabuntong-hininga si Janna. Nasa may bintana na naman ang nanay niya. Malayo na naman ang tingin.
"Mano po!"
"Kasama mo ba ang tatay mo?" mahina nitong tanong na 'di nakatingin sa kanya. Pinili niyang hindi sumagot. Napatingin siya sa sahig sa kalat na mga larawan ng mga magulang niya sa araw ng kasal ng mga ito.
"Ano po gusto niyo'ng kainin?" Umiling-iling ito.
"Gusto ko hanapin ang tatay mo!"
"Nay, hindi po pwedeng ganito nalang tayo palagi."
"H'wag mong kukunin 'yan!"
Napatayo si Janna nabigla sa naging asal ng nanay niya. Bahagya siya nitong tinulak para kunin mula sa kanya ang mga litratong gusto niyang ligpitin.
"Umalis ka dito. Umalis ka dito!"
"Nay?"
Nabigla ang dalaga kinabahan sa naging asal nito. Muli itong humarap sa bintana humimig naman ito nang isang awitin. Aminin niya man o hindi kinakabahan na siya sa nagiging asal nito sa mga nakaraang araw madalas nitong kinakausap ang sarili.
"Umalis ka dito! Umalis ka dito!" mahina nitong bulong sapat na para marinig niya.
Isa-isang nagbagsakan ang butil ng luha mula sa mga mata niya sa bigat na nararamdaman sa sitwasyong nakikita niya sa sarili niyang ina.