Alexis's pov
"Why do you act like that?"
Don Miguel signals his wife to shut up. Bumaling siya ng tingin Kay Alexis. " Bakit gusto mong paimbistigahan pa ito...bakit hindi ba ikaw ang kasama ni Benji sa larawang ito?"
"Ako nga po," But I didn't do anything bad...bago ako aalis ng manor house, I want to clear my name. Gusto Kong malinis ang aking pangalan. I don't want Elijah to think that I'm a b***h. The only thing I did wrong was to respond to his kisses once ..hindi ko iyon sinasadya. He started it. The picture was quite provocative and it was taken in a manner na ako lang ang mapapahamak. Intentional ang pagkuha ng larawan namin ni Benji." I said between a sob.
Nasaan na kaya si Benjie. Wala ba siyang kaugnayan sa kaguluhan na ito? I guess not...hindi naman siguro magawa ni Benji na ipahamak ako. Naging prangka ako sa kaniya. Ginalang ko siya, pero hindi ko maiwasan na mag-isip na baka may motibo pa rin siya. Bagama't hindi ako sigurado, naguguluhan ako.
Pinilig ko ang aking ulo. Kahit saang anggulo ko tingnan, si Vangie talaga ang may malaking motibo. The woman hated me. Si Benji mismo ang nagsabi sa akin. At batay naman sa kaniyang pakikitungo sa akin, ramdam ko ang galit Niya.
"At ngayon, gusto mong paimbistigahan ang sarili mong multo..." he doesn't even look at me but to Elijah.
"Hindi po ganyan ang nangyari. Kahit tamaan pa ako ng kidlat, hindi po ako nagtaksil Kay Elijah.." I saw him tense, under my long lashes, nakita ko na tumiim ang bagang ni Elijah.
"And what do you mean by that picture??!" Vangie is furious.
"It was not about the picture..it was about the agenda behind that picture, halata na gusto akong siraan ng kung sino man ang may pakana sa pagkuha ng larawang ito."
"You definitely kiss my son!" She shouted.
"He forced himself into me. Pinilit Niya ako."
"Nasarapan ka naman, dahil gumanti ka?" nandilat na saad ni Vangie, clearly she wanted me humiliated. Gusto Niya na ipahiya ako.
"That is not my intention." I glanced at Elijah and then to his father, whom I can no longer call Papa. Parang bibigay na ang aking tuhod dahil sa sobrang panlalambot.
"Then, what is your intention?" tumaas na naman ang boses ng Don.
"To stay faithful to my husband." I said. Sa gilid ng aking mata nakita ko na kumislap ang mga mata ni ELIJAH.
"Wala akong nakitang faithful sa larawan na iyan ."
"Gaya nga nga sabi ko, sinadya ang kuha na iyan.."
"Sinadya ba kamo, you can't deny that picture, Halatang nakipaghalikan ka Alexis."
"I didn't deny it. I just wanted to know the motive behind those pictures at kung sino ang nagnakaw sa aking lingerie. It's not fair to me. Kung aalis man ako sa Manor na ito, gusto Kong malinaw ang aking pangalan. With regards to my feelings for Benji," pinukol ko ng tingin si Vangie. "That was before , and I'm glad na hindi kami nagkatuluyan dahil matapobre ka, ayaw mo sa kin."
"Gusto mong ilayo si Benji sa akin kaya mo pinili si Elijah na pakasalan ako hindi ba? You wanted me to stay away from your son, Because as Benjie saidYou don't like me."
"Liar?" She stood up. Hindi makapaniwala sa katotohanan na na nalaman ko mula Kay Benji.
"I'm not lying . Kaya lang naman nakahawak si Benji sa akin dahil.."
"Dahil ano?" mabagsik na tanong ni Vangie.
'He wanted me to give him a second chance..." natahimik siya.
"Gusto mo bang palabasin na may gusto rin sa iyo ang Anak ko? I think you're delusional!"
"You can answer that question yourself, Madame.." I said a little impatient as to why the Don cannot utter a word. Pero sa kaniya pa rin ako nakiusap.
"I'm asking for a fair treatment sir, sana paimbistigahan mo muna ang kasong ito. I need to know who did this? Sino ang nagnakaw ng aking lingerie. Kahit itanong mo pa Kay Benjie, walang nangyari sa aming dalawa."
"The evidence was clear Miguel. Ano pa ba ang gusto mong malaman, she's not a good wife. I was wrong about her. 1 thought she was perfect for..." she paused. She was glancing at Elijah. His expression remains unreadable.
Elijah was looking at me intently. He is still holding the lingerie. Bumuntong-hininga siya, hindi siya nagsasalita. I don't know how far he knows about my crushing to his younger brother. Hindi naman namin pinag- usapan ang tungkol Kay Benji. Ni hindi ko nga naitanong sa kaniya ang tungkol sa napag-,usapan nilang tatlo ng kaniyang ama. But he knows that Benji is harassing me.
"Nasaksihan po ninyo that Benji was harassing me. I'm not delusional. I'm true to my words, I did not betray Elijah, I hope you consider my request before I go home. Please excuse me.." I ran outside. Hindi ko na kaya ang magtagal pa living room.
"Alexis!"
Tinawag ako ni Elijah pero nagtuloy-tuloy ako sa pagtakbo patungo sa second floor. Pagdating ko sa kuwarto ay umiyak ako ng umiyak. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. Pinalaya ko muli ang mga luha.
I was thinking about who took the picture in the hallway. Especially the one that Benji was kissing me and to my horror I responded to it. It was a mistake, I responded to it on impulse. Pero hindi nila iyon maunawaan, ang nakikita nila ay ang perpektong kuha ng larawan.
Walang katao -tao sa hallway maliban sa maid na nag-serve ng coffee sa amin. Hindi kaya may kaugnayan siya sa larawang iyon?
Kung kailan nagkausap na kami ni Elijah. Kung kailan excited pa ako na makatrabaho sa kanilang kompanya, Kung kailan may wedding ring na binigay si Elijah sa akin, saka naman dumating ang nakakahiyang bagay sa akin.
Sino ang naglakas loob na kunin ang lingerie sa loob ng kwarto namin ni Elijah?
Napapansin ko na nawawala ang gamit Kong iyon, but I was thinking, I misplaced it somewhere. Hindi ko sukat akalain na ito pala ang magpapahiya sa akin.
I swear the only mistake I made was the time I responded to Benji's kiss and that was on impulse. But God knows I pushed him. Bakit hindi iyon ang kinunan ng picture? Bakit ang mga kinuhang larawan ay iyong ikapahamak ko.
Hindi ako dapat aalis rito hanggat hindi malinis ang aking pangalan. Gust patunayan sa kanila na wala akong ginawang masama, na hindi ko binigo ang tiwala ni Elijah sa akin.
Pero bakit? Bakit mahalaga sa akin ang paniniwala ni Elijah? Bakit mahalaga sa akin ang kaniyang opinion? Bakit hindi ako mapakali na mag-isip siya sa akin ng masama? Sure enough, I can read between the lines. I think I'm beginning to like him.
Ang excitement ko tuwing uuwi siya. Hinahanap ko rin ang mga ngiti Niya. Gusto ko siyang makikita palagi. At kinakabahan ako kapag nasa tabi ko na siya. Bumibilis din ang t***k ng aking puso kapag tinitigan Niya ako.
"Elijah doesn't love you, do you really think na kalimutan na lang Niya ang kaniyang girlfriend ng dahil lang sa iyo? Dalawang taon niyang girlfriend iyon, Alexis. Samantalang ikaw, ngayon ka lang Niya nakilala. Iwan mo na siya.." umaalingawngaw sa aking isip ang sinasabi ni Benji.
Siguro nga tama siya, wala akong puwang dito sa Manor House ng mga Aragon.
I hope Elijah understands now, kaya siya pinilit na makasal sa akin ay para safe si Benji. It was all his stepmother's plans.
Base sa mga mata ni Elijah, nakita ko ang kaniyang pagdududa sa akin. Siguro, inisip Niya na nangyayari ang mga pag-uusap namin ni Benji during his trip and during his office time. He was thinking that while his away, I was doing a rendezvous with his brother.
His silence saddened me. I shouldn't be feeling this way, after all, we got married because of our folks. But why am I affected?
Isang bagay ang bumabalik sa aking isipan kung bakit ako apektado. I am now attracted to him. I'm beginning to like him- love even.