PERFECT GETAWAY

1632 Words
"Kaya ko kayo pinatawag dahil nalaman ko na ang totoo." panimulang sabi ni Don Miguel kina Elijah at Alexis. Nasa harapan sila ng Don sa loob ng study. Nagkatinginan sina Elijah at Alexis. Ang bilis ng resulta. Pinisil ni Elijah ang tuhod ni Alexis. Magkaharap silang naupo sa desk ng Don. kumunot ang noo ni Don Miguel."I can't believe what Vangie did. Hindi ko sukat akalain na kaya niyang manipulahin ang katulong para gawin ang kaniyang plano." Nagulat din si Alexis ng marinig ang salaysay ng Don. Ang katulong na nag-serve sa kanila ng kape. Kaya pala ang mga titig Niya kahapon ay may malisya, sa isip ni Alexis. Siya rin ang kumuha ng pictures ng dalawa. Minamanmanan pala talaga ang kilos Niya, ayon sa utos ni Vangie. Ang katulong ang nagnakaw ng kaniyang lingerie, binigay Kay Vangie at si Vangie naman ang pumasok sa silid ng anak upang ilagay ang lingerie ni Alexis. Hindi alam ni Benji ang pangyayari dahil may pinuntahan itong mahalagang personal na lakad. Hindi totoo na nasa business trip ito. Dahil sa galit ng Don ay nagpasiya ito na ipadala muna sa kanilang lugar si Vangie. Kahit umiiyak si Vangie ay hindi siya pinagbigyan ng Don. Natuwa naman si Elijah sa desisyon ng kaniyang ama. Kahit batid Niya na hindi rin naman nito matitiis ang asawa. Pauuwiin din Niya ito sa Manor. But at least, sa konting panahon, may peace of mind sila ni Alexis. Si Vangie lang naman ang laging pinagmulan ng away at gulo. Kahit pa sa mga kaso ng kanilang anak. Si Vangie ang nag maniobra para patahimikin ang mga kaso ni Benji na sa kaniya ipinahid. Lalo na noong nakalipas na taon. Alam ni Elijah kung bakit lumayo si Benji sa kanilang lugar at pumunta sa Maynila, dahil ito sa kaniyang nasagasaan na bata na namatay, sumunod naman ang nabuntis nitong babae, na kaniyang ka one night stand at naghabol sa kaniYa. Hindi alam ni Elijah kung aware ang kaniyang ama sa biglang paglayo ni Benji ng Davao. Maaring may idea ang kaniyang ama, kaya lang wala na siyang magawa dahil nangyari na ang krimen. Nilinis na lamang nila ni Vangie ang dumi ng kanilang Anak. Pero hindi doon nagtatapos ang pangyayari. Sa kaniya na naiwan sa Davao, ibinunton ang lahat ng sisi. At ang masama pa, sa kaniya iniugnay ang krimen ni Benji. Though, hindi sigurado...feeling ni Elijah, alam ng kaniyang ama ang pangyayari. Kaya lang, pinili nito ang tumahimik. Kaya nga rin hindi Niya maiwasan ang tampo sa puso niya Unfair ang pagtrato ng kaniyang Ama sa kanila ni Benji. Komo wala na ang kaniyang ina, binalewa na lang ang kaniyang damdamin. "Intindihin mo na lang ang iyong kapatid, bunso mo siyang kapatid. Ikaw ang mas matanda sa kaniya, huwag mo siyang patulan." malimit na naririnig ni Elijah sa kaniyang Ama. Hanggang sa kanilang pagtanda, tuluyan na ngang lumaki ang ulo ni Benji. Dagdag pa ang impluwensya na galing sa kaniyang ina. Though it's hard for Elijah, he was thinking that someday the truth will prevail. Malalaman din ng taong bayan ang totoo. He's innocent. He's not the black sheep of the family that Vangie and Benji was trying to perceive to the public. Kahit patuloy siyang sinisiraan ng dalawa, nanatili siyang tahimik. Gusto na nga niyang umalis sa manor para matahimik na ang kaniyang loob, pero ayaw siyang payagan ng kaniyang Papa. "You belong to this Manor Elijah. This is your home. You are an Aragon. Ito ang tahanan na pinundar mula pa sa mga magulang ng iyong ina. Naingatan naman namin ng iyong ina. This Manor is yours .." ang mga katagang ito ang bumuhay sa loob ni Elijah. He was thinking that someday his father will finally see the true colors of Vangie. Ito na, napatunayan na Niya na si Vangie ang may pakana ng lahat. At least nalinaw na ang pangalan ni Alexis. "I already fired the maid and Vangie now is on the way to her home. Doon muna siya.." tiim bagang na sabi ni Don Miguel. Sinulyapan Niya si Alexis na walang kibo. "I'm sorry Alexis, I was wrong." The Don admitted. Alexis smile. " Naintindihan ko po kung saan nagmula ang inyong galit.." inisip ni Alexis ang sinabi ni Elijah sa kaniya. Alam ng Don ang tungkol sa damdamin niila ni Benji sa isat-isa. '"Hayaan mong makabawi ako sa iyo, sa Inyo ni Elijah. I already arranged a vacation for you. Consider it a wedding gift, a honeymoon gift from me. Tamang-tama, simula ng ikasal kayo, hindi pa kayo nag honeymoon at...well, base sa uri ng kasal ninyo...hindi naman kayo nagkaroon ng formal na seremonyas. I'm glad you bought her a ring, Elijah, iho." Napuna ng Don ang wedding ring sa kanilang kamay.." "Yeah.." was Elijah's short reply. Namula naman si Alexis, hindi siya makapagsalita. Gusto ng Don na mag honeymoon sila? The idea suddenly give her thrill and at the same time, she is suddenly nervous. Elijah on the other hand was delighted. The Honeymoon is the perfect getaway for them to know EACH OTHER. Hindi nga ba ito ang gusto nilang dalawa, ang kilalanin ang isat-isa? Hindi ito mangyayari kung nandito lang sila sa Manor House. Mayroong mga asungot na nakiialam sa kanilang dalawa. Hindi pa nga nagsisisimula ang kanilang relasyon ay gusto na itong masira nina Vangie at Benji. "Saka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa kompanya pagbalik ninyo mula sa bakasyon. Are you still willing to work in the company, Alexis?" tinatanong siya ng Don. "Opo.." tipid at mabilis na sagot ni Alexis. "Huwag ka nang mahiya sa akin Alexis.." napansin ng Don na parang kinakabahan pa rin si Alexis na kausap ang Don."Tapos' na ang issue, it was cleared up and...you can call me Papa.."Don Miguel added. Napansin din Niya na atubili si Alexis sa pagsambit sa pangalan ng Don. Natakot lang siguro ang pobre dahil sa nangyari kahapon. "Thank you po...Papa, for trusting me again..." "And I'm sorry to quickly judge you.." Binuksan ng Don ang drawer ng kaniyang desk. "Here is the tickets and your reservation in Siargao." Inabot Niya Kay Elijah ang Isang brown envelope. " Kasama na riyan ang hotel reservations. Enjoy your one week vacation.." ngumiti si Don miguel sa kanilang dalawa. "One week? Hindi ba matagal ang one week Papa,? I mean, what about the company?" Elijah asked concern. "Don't worry about it. Nandito pa naman ako, kaya ko na ang kompanya. Just enjoy your trip. As I said, saka na natin pag-usapan ang tungkol sa kompanya, pagbalik ninyo." He stood up. "Sige na, mag-impake na kayo, maaga pa ang flight ninyo bukas." "Ang bilis ng resulta ng imbistigasyon ng Don...I mean ni Papa.." nakangiting sabi ni Alexis habang bumalik sila sa second floor. "Thank you, Elijah..this mean so much for me.." pinisil ni Elijah ang kaniyang kamay. Nang makapasok na sila sa loob ng kanilang silid ay nagsimula na ngang mag-impake sina Elijah at Alexis. Timing is everything, sa isip ni Alexis. Dumating ang kaniyang mga damit na pinadala ng kaniyang ina. One week is quite long. Kailangan niyang magdala ng outdoor outfit dahil sa Beach resort ng Siargao nag book ang Papa ni Elijah. Hanga din siya Kay Don Miguel. Marunong humingi ng pasensya ng mapagtanto Niya na mali siya at hindi lang iyon, bumawi pa siya. Ang Don mismo ang nag book ng kanilang suites para sa honeymoon. Uminit ang kaniyang mukha ng maisip Niya ang honeymoon. Ang honeymoon ay para sa bagong kasal, which is timely for them. Plus, they are planning on getting to know each other. Pero hindi maiwasan ni Alexis ang kabahan. What will happen to them in Siargao? Is she Willing to surrender her all to Elijah? Lalong namula ang kaniyang pisngi ng ang sagot sa kaniyang tanong ay 'oo'. Sa likod ng kaniyang isip ay naglalaro ang nangyaring panaginip Niya Kay Elijah. "Would you mind bringing the famous red lingerie?" She gasped when all of a sudden Elijah was toying at her. "Huh?" Elijah laughed when he saw the redness on her cheeks. " I'm just kidding. Though, you do need a lingerie for our first night.." he grinned. Napaawang naman si Alexis.Bakit kailangan pa niyang sabihin iyan? It's so awkward and uncomfortable hearing him toying at her. "Elijah, would you stop that.." pinandilatan Niya ito ng mata at hinampas sa balikat. Lalo namang tumawa ang lalaki. "You know, you're so cute when you are shy and that blushed in your cheeks is so funny to look at...oopss.!" Hinagis ni Alexis sa kaniyang mukha ang red lingerie na sinasabi ni Elijah. 'O, ayan, sa iyo na iyan..I would never wear that lingerie again..." ang famous lingerie na sinabi ni Elijah ay muntik pang naging dahilan ng pagpatalsik ni big brother--este ng Don sa kaniya sa Manor House. Hindi na mawala pa ang ngisi sa mukha ni Elijah. Lalo lang niyang tinutukso ang kaniyang asawa. " Hmmn, kanino ko naman ipasuot ito?" iwinawagayway pa ni Elijah ang lingerie sa kaniyang harapan. "This lingerie looks so good in you, I bet." "Hmnn, isuot mo Kong gusto mo..basta ayaw ko ng isuot iyan no, nasira na ang mood ko kapag nakikita ko at naaalala ang issue tungkol riyan. Nakakahiya." "Well, kidding aside, you need to bring some.. Beach resort ang pupuntahan natin and as much as you deny it. We never consummate our marriage yet.." Nanlamig ang kamay ni Alexis habang patuloy sa paglagay ng mga damit sa Kaniyang maleta. So, iniisip rin ni Elijah ang iniisip Niya? "Alexis.." he called softly. Tumigil si Alex sa kaniyang ginawa at sinalubong ang tingin ng asawa. "I know I told you that I won't touch you...but that was before we came to an agreement of giving us a try. Now, are you open to making love with me..?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD