CHAPTER 20

1648 Words
“YOUNG Master, I should arrange our people to accompany you,” said Alonzo. He was worried for his Young Master. Nicolo sighed and stopped what he was doing. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga gamit na dadalhin niya para sa out-of-town trip nila ni Haze. “Alonzo, no need. I can protect myself. The enemy won’t know that I am in this country.” “But…” “Alonzo, I will not repeat myself twice.” Naging seryoso ang boses ni Nicolo na ikinatahimik ni Alonzo. Ipinagpatuloy ni Nicolo ang pag-iimpake at nang matapos siya, tinawagan niya si Haze. “Done packing?” he asked when Haze answered the call. “Oo. Katatapos ko lang na mag-impake.” Ngumiti si Nicolo. “Then I’ll pick you up tomorrow at 8 am sharp.” “Okay. I’ll wait for you. Then I’ll rest now. Goodnight.” “Goodnight,” Nicolo said, lowering his voice, “Amore.” “Uh? What’s that? Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi mo,” sabi ni Haze. Ngumiti lang si Nicolo. “Nothing. I said Goodnight, Beautiful.” “Oh,” mahinang natawa si Haze saka pinatay ang tawag. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. It was beating so fast. As if she ran a few kilometers. She heard what Nicolo had said. Pero hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya. He seemed to call her ‘Amore’. Alam niya ang ibig sabihin ng ‘Amore’ ngunit ayaw naman niyang mag-assume. Baka namali lamang siya ng rinig. Bakit naman sana siya tatawagin ni Nicolo ng ganun? Napatingin si Haze sa picture nilang dalawa ng kaniyang ina na nakapatong sa may study table niya. “Nay, gusto ko ba siya?” tanong niya sa larawan na parang sasagutin naman siya nito. Haze sighed and lay down on the bed. Napatitig siya sa kisame at nagbilang ng mga butiking dumadaan. She closed her eyes and tried to sleep but she couldn’t. Naglalaro sa kaniyang isipan ang isang katanungan na wala namang kasagutan. Wala nga bang kasagutan o ayaw niya lang sagutin dahil natatakot siya? Nang hindi siya makatulog, kinalikot na lamang niya ang kaniyang cellphone. Since Janine doesn’t want to answer the question she asked the other day, it’s really better if she do it herself. Mas genuine daw. ‘How do you know if you like someone?’ Maraming lumabas sa website. Haze scrolled until she saw a website that caught her attention. Ngunit nagdalawang isip siya kung bubuksan niya ba ang link o hindi. Sighing, Haze chooses the latter. Ayaw niyang masagot ang kaniyang katanungan dahil baka maguluhan lamang siya. She would just go with the flow. Baka hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin kung masagot ang katanungan niya na ‘yon sa kaniyang isipan. Mag-uumaga na nang makatulog si Haze dahil hindi talaga siya nakatulog. Nagising na lamang siya dahil sa ingay ng kaniyang cellphone. Hindi dahil sa alarm kundi sa pagtawag ni Nicolo sa kaniya. Haze was still sleepy as she grabbed her phone and answered the phone. “H-hello…” Pagsagot niya sa tawag sa inaantok na boses. Tumawa si Nicolo mula sa kabilang linya. “You’re still sleepy, principessa.” Haze just hummed. “Principessa, it’s already seven in the morning,” said Nicolo. “I’ve been outside your apartment for ten minutes and already called you many times. Did you oversleep again?” Mabilis na napamulat ng mata si Haze saka napabalikwas ng bangon. Nagmamadali siyang bumaba sa kama saka tumingin sa labas ng bintana. Nakita niya si Nicolo na nakasandal sa kotse nito at nakabulsa ang isang nitong kamay sa bulsa ng suot nito na mahabang coat. Then Nicolo saw her and waved his hand at her. “Pasensiya na,” wika ni Haze. “Pumasok ka na lang muna dito sa loob.” Ngumiti si Nicolo. “Alright. I brought breakfast. Huwag ka ng magluto. But make some coffee for us.” “Hmm…” Haze hummed and ended the call. She grabbed the comb and left her room. She unlocked the door of her apartment for Nicolo and went to the kitchen while combing her long hair. “I should cut my hair. After the trip, I’ll cut my hair.” Sabi ni Haze sa kaniyang sarili. Nagtimpla siya ng kape. “What did you do last night and you overslept?” Nicolo asked when he entered the kitchen. Inilapag niya ang dalang pagkain sa may lamesa. Parang namamahay lang na siya na ang kumuha ng pinggan at kutsara sa may lalagyan. “Hindi ako makatulog kagabi.” Sabi naman ni Haze. “Why?” Umiling si Haze. Syempre hinding-hindi niya sasabihin sa binata kung anu-ano ang mga pinag-iisip niya kagabi. Nakakahiya kaya. Napailing naman si Nicolo. “Do you have an insomnia?” “Wala naman.” Nicolo let out a sigh. “Just sleep in the car later. Come on, we have to eat.” Kinuha ni Haze ang tinimplang kape. Inilapag niya sa harapan ni Nicolo ang isa at isa naman para sa kaniya. “Thanks for the coffee,” sabi ni Nicolo saka nilagyan ng pagkain ang pinggan ni Haze. Haze silently smiled. Every time, they eat together, Nicolo is so attentive. He always put food on her plate. At first, Nicolo was just being a gentleman but she noticed that it was Nicolo’s nature to take care of other people. Haze frowned. “Take care of other people?” she mumbled and Nicolo heard her. “Who?” Nicolo asked. Tumingin si Haze kay Nicolo. “Have you been like this before? Attentive to other people?” she asked. Hindi niya pero nakaramdam siya ng inis na ganito rin kaasikaso si Nicolo sa ibang tao lalo na sa ibang babae. “No.” Pag-iling ni Nicolo. “Ikaw lang.” Haze was surprised. “Ako lang?” Tumango si Nicolo at humigop ng kape. Nakaramdam ng tuwa si Haze pero hindi niya ito ipinakita. Kalmado lamang siyang tumango saka nagpatuloy sa pagkain. Nang yumuko siya, doon niya pinakawalan ang ngiti sa kaniyang labi. Kapagkuwan may naalala siya, “Nicolo, we’ve been friends for almost a month. Maliban sa alam ko ang pangalan mo, hindi ka nagkukwento tungkol sa pamilya mo and your personal life.” “What do you want to know about me?” tanong ni Nicolo. Umiling si Haze. “It’s better not to ask. I never tell you about my family. No need.” Hindi pa siya handang magsabi kung sakali man na magtanong si Nicolo tungkol sa pamilya niya. “It’s alright. I won’t ask if you don’t want me to ask. But you can ask me,” nakangiting sabi ni Nicolo. Humigop si Haze ng kape. Ibinaba niya ang hawak na tasa saka nginitian si Nicolo. “You’re handsome. I’m curious. How many girlfriends did you have?” tanong niya. Nicolo lost his smile and looked flatly at Haze. “Really? That’s your question. You’re curious?” Tumango si Haze. Napailing si Nicolo. Akala naman niya kung ano ang tatanungin ni Haze. Iyon lang naman pala. “Never had a girlfriend before.” Lumaki ang mata ni Haze sa gulat. “Flings?” Umiling si Nicolo. “Seryoso?” Nicolo nodded. “Weh?” Reaksiyon ni Haze. Parang ayaw niyang maniwala. “Seriously? Are you sure?” “Yeah. My mom always pushed me to a blind date. But I lost interest when the woman asked me for intimacy. I don’t know but I think men should be the ones who will ask for it. Or the intimacy part is not to be asked in the first meeting, right? I mean, for me, in my opinion, s*x is not for fun.” Haze was totally surprised. Hindi niya akalain na may lalaking tatanggi sa tawag ng laman at hindi niya akalain na ganoon ang pananaw ni Nicolo tungkol sa usaping s****l. She was surprised that she stared at Nicolo. “So, you’re a virgin?” deretso niyang tanong. Napakamot ng batok si Nicolo saka nag-iwas ng tingin. “Y-yeah…” nahihiya niyang sagot habang namumula na ang kaniyang mukha at batok. Haze smiled. “I’m full. Maliligo lang ako.” Aniya saka umalis ng kusina. Hindi na niya kasi kayang pigilan pa ang kaniyang tawa. Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto, doon niya pinigilan ang tawa niya. She couldn’t believe that a handsome man like Nicolo was still a virgin until now. Ilang taon na nga ba ulit si Nicolo? Twenty-six, right? Napailing si Haze saka pumasok sa loob ng banyo at naligo. Meanwhile, Nicolo could only sigh. Gusto niyang batukan ang kaniyang sarili dahil sa sobrang pagiging honest niya. He noticed that Haze was restraining herself not to laugh. Napabuga siya ng hangin saka inubos ang kape. Then he washed the dishes. After washing, he went to the sofa. Hinintay niya si Haze. Pagkalipas ng tatlumpung minuto, lumabas si Haze sa kwarto nito habang hila-hila ang travelling bag. Naamoy ni Nicolo ang bagong ligo na amoy ni Haze. Napalunok siya dahil kakaiba ang epekto no’n sa katawan niya. “Let’s go.” Sabi ni Haze. Tumayo si Nicolo saka kinuha ang travelling bag ni Haze. Lumabas sila ng apartment ni Haze. Haze locked her apartment and then they set off. While driving, Nicolo noticed that Haze has fallen asleep. Itinigil niya ang sasakyan sa may gilid saka hinubad ang suot na coat at ipinatong niya ito sa harapan ni Haze. Pinahinaan niya rin ang aircon ng kotse para hindi lamigin ang dalaga. Nicolo smiled while staring at Haze. “I’m happy to be with you. I just hope that you won’t be dense this time, Haze.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng dalaga at inipit sa likod ng tenga nito. “You’re really adorable.” Ngumiti si Nicolo saka ipinagpatuloy ang biyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD