Kaira Cailie "What the f-ck? Si Cooler Keitan Alonte talaga? 'Yung section B na kaklase ko? 'Yung babaero?" di makapaniwalang tanong ni Yanyan. "Yes! Ang gwapo gwapo niya, no? Ang bait, gentleman pa at higit sa lahat seryoso raw siya saakin," kilig na kilig na sabi ni Ashley. Natahimik naman kaming dalawa ni Yanyan. Gwapo? Siguro. Ewan. Mabait? No way. Gentleman? Nah, Gentledog ata. Seryoso ba talaga? Wala sa bokabularyo ng malanding 'yun ang salitang 'seryoso' at ni minsan wala pa akong nabalitaan na may niligawan siya dahil ang mga babae pa mismo ang manliligaw sakaniya. "Sa bahay na tayo mag-usap," malamig na sabi ko saka nauna na sa kotse ni Yanyan. Hindi ako makakapayag na isama niya ang pinsan ko sa magiging collection n'ya. Although magaling na si Ashley but still mahina p