DALAWANG araw na lang at mag-uumpisa na ang pasukan sa paaralan na papasukan ko. I am not ready, yet, but I really didn’t want to come to school. I mean, what’s the point? I can use my knowledge to gain knowledge. Kaya ko naman matuto gumamit ng mga spells and enchantments kahit nasa bahay lang ako. Mas ligtas pa roon at walang magiging problema kapag gumamit ako ng magic.
“Thank you, Mrs. Morningstar. Sisiguraduhin po namin na maaalagaan ang anak n’yo and learn the knowledge she deserves just like everyone in this school.”
Dinig ko lahat nang pinag-uusapan ng Principal at ni Mommy sa loob ng Principal’s Office. Nasa labas lang kasi ako nito, nakaupo at naghihintay na matapos sila.
“Saan ba kayo rito sa bayan?” the principal asked.
“Sa Red Street, Block six,” Mommy answered.
“O.M.G.! Magkapitbahay lang pala tayo. Since bago lang pala kayo rito sa bayan namin, siguro puwedeng mag-usap na muna tayo. Wala naman akong masyadong ginagawa rito sa office ngayon dahil tapos ko lahat ang mga paperworks.”
Gosh. I know where this is going.
“If that’s okay with you.”
“Of course, sure. Prudence can wait naman.”
Hindi talaga umaayaw si Mommy sa tuwing may nakakausap siyang kapitbahay namin. Naalala ko tuloy kaninang umaga na may lumapit sa kaniya habang nagdidilig ng halaman sa labas, sa harap ng bahay namin at tinanong siya kung kailan lang daw kami lumipat.
And now, kausap na naman niya ang magiging principal ko for the rest of my junior and senior high school years. I guess I have to wait . . . or roam around the school premises.
Kaya napagdesisyonan ko na tumayo at maglakad-lakad lang muna sa paligid. I will just take this chance to check the school. Check the new environment. The people. Everything. Hindi ko na inisip kung saan man ako dalhin ng mga paa ko basta ang nasa isip ko ngayon ay ang malayo muna sa lahat ng mga isipan na bumibigat sa aking isip at puso.
The school turned out different from what I am expected to be look like. Everything seems normal. Parang wala namang espesyal sa paaralan na ito. O baka parte lang ng curriculum nila ang hindi paggamit ng mahika kapag break time. Pero wala rin sa mga mukha ng mga estudyante rito na may taglay silang espesyal na kapangyarihan. Or maybe I am losing sense of feeling from other’s inner aura since I promise myself not to use my power anymore.
Yeah, you read it right. ‘Yon naman talaga ang rason kung bakit ayaw kong pumasok sa kahit anong paaralan. Simula noong namatay si Daddy . . . Namatay siya dahil sa misyon niya. As the High Priest of our Church of Darkness, he was ordered by the Dark Lord to take a journey to who-knows-where. To spread His words and wisdom about our culture, practices, and beliefs. To praise Him as our one and only source of power. We are His creation. His followers and as His sons and daughters of Darkness.
Alam kong hindi puwedeng tumanggi si Daddy kapag ang Dark Lord na ang nagbigay ng utos sa kaniya o kahit kanino man sa amin na mga followers niya. ‘Yon na nga ang masakit, kasi wala kaming magagawa para tanggihan Siya. Pero ang mas masakit ay ‘yong alam mong ginusto rin ni Daddy na tanggapin ang utos ng Dark Lord dahil bago pa man ako isinilang ay alam na ng lahat kung gaano ka tapat si Daddy sa tungkulin niya.
But I guess I have the right to feel mad naman, ‘di ba? Dahil sino ba naman ang gugustuhin na mawalan ng ama?
“Papasok ka ba o hindi?” Biglang may nagsalita mula sa likod ko. Galit ang kaniyang boses at halatang nagmamadali ito, o baka sadyang naiirita lang siya.
Hindi ko napagtanto na nakaharang pala ako sa gitna ng daanan papasok sa isang silid. Hindi pa man ako nakakasagot ay tinulak na niya ako paalis sa daan at bahagya akong nauntog sa pinto, at saka siya pumasok na tila wala siyang pakialam sa ginawa niya sa akin.
“Napaka-demonyo naman ng nilalang na ‘yon, ah! Gusto niya yatang gawin ko siyang baliw,” sigaw ng isipan ko.
“Hoy! Bakit mo ‘yon ginawa? Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo kung paano umasta ng maayos at itrato ang ibang nilalang sa mundo?” galit na sigaw ko sa lalaking tumulak sa akin habang sinundan ko siya papasok sa silid. Baka inaakala niya na papalampasin ko ang ginawa niyang kabastusan sa akin. Hindi niya ba kilala kung sino ako?
Huminto naman siya bigla at nilingon ang kaniyang ulo sa kinatatayuan ko. Plain lang ang kaniyang mukha. Ang lahat ng nilalang sa mundo ay may emosyon pero siya, tila hindi siya bahagi rito. He just stares at me. And it’s making me feel confused about myself. Na ang dapat makaramdam no’n ay siya dahil siya ang may kasalanan sa akin. At kasunod na iniharap niya ang kaniyang buong katawan.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang humawak sa kanang kamay ko sabay tinakpan ang bunganga ko ng isang kamay na hindi ko kilala kung kanino ito.
“Ano ba? Bakit mo tinatakpan ang bunganga ko?” sabi ko habang sinusubukan kong tanggalin ang kamay na nakatakip sa bunganga ko. Also, I’m not sure if he or she heard me clearly since someone’s hand is stopping me from speaking.
“Don’t mind my friend, cousin–I mean, Hoqur!” Batay sa timbre ng kaniyang boses ay tila natatakot siya sa kaharap ko ngayon. Sa taong tumulak sa akin. Boses lalaki rin siya. Sino ba kasi ang nilalang na ‘to at parang kinatatakutan siya, mapalalaki man. Dapat din ba akong matakot sa kaniya?
Nag-iwan ng matalim na tingin ang lalaki bago siya tumalikod at nagpatuloy sa kinaroroonan ng kaniyang upuan. Samantala ay hinila ako ng nilalang na ‘to palabas sa hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin habang nakatingin na lahat ng estudyante sa amin. Ano ba kasing trip ng nilalang na ‘to at dinamay pa ako sa kabaliwan niya.
And finally, he stopped and took off his hand from my mouth. Kanina pa ako gustong magsalita at pagalitan ang nakaka-bad trip na nilalang na pumigil sa akin para turuan ng leksiyon at para magtanda.
“What was your problem? Why did you stopped me from talking to that boy? Kung hindi mo lang sana ako pinigilan, eh, ‘di sana naturuan ko na ‘yon ng leksiyon. Bakit ba kasi bigla ka na lang sumulpot? Grim reaper ka ba niya? O angel?” I said unstoppably.
“Ang dami mo namang tanong. Pero hindi. Hindi. Niya. Ako. Angel. Ako, magiging angel niya? Never.” He rolled his eyes with a funny face.
Nagpapatawa ba siya? Pero nakakatawa nga siya, in-fairness sa kaniya.
“Pero ako ang angel mo,” dugtong pa niya.
Wow! Angel ko siya? Paano naman ako nagkaroon ng angel, eh, hindi naman ako alagad ng liwanag. Nagpapatawa nga siya.
“You know I was being sarcastic about you as his angel, right? Pero, I mean it, the grim reaper. Are you?”
“Huh, ano’ng pinagsasabi mo? Ang weird mo naman kausap. Pero syempre hindi. Bakit naman ako magiging grim reaper at angel, eh, talamak na tao lamang ako. But I wish I was born as an angel,” he answered. He seems serious about what he was talking about.
Pero . . . Hindi ko maintindihan. “Ano nga ulit ang pangalan ng school na ‘to?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Seryoso ka ba?” seryoso niyang tanong.
At sinagot ko rin siya ng seryosong mukha.
“Mag-aaral ka rito pero hindi mo alam kung ano ang pangalan ng paaralan na papasukan mo. You are truly a weird one. Good thing for you kasi I’m also a weird person. That’s what they are saying about me in this whole campus of Riverhills–Welcome to Riverhills High School, miss?” Nakadikit ang kaniyang pang-itaas na ngipin at ibaba no’ng sinabi niya ang huling salita at nagmistula tuloy siyang ahas dahil medyo pinahaba niya ang letrang ‘S’.
“Prudence. Prudence Morningstar.”
“Miss Prudence Morning–What? As in Lucifer Morningstar? ‘Yong demonyo na nahulog mula sa kaharian sa langit?” he said with his eyes are both wide open.
“Yes. And correction, hinulog siya. Hindi nahulog. Paano mahuhulog ang isang angel kung may pakpak naman sila, huh?”
“Mm, hindi ka lang pala weird, you’re also a religious person. Wait, ano’ng religion mo pala?”
“Tigilan mo na nga ang katatanong mo sa akin. We’re not that close to ask some things that we’re not on the same level. And stop making fun of me. Hindi ka nakakatawa.”
“Yet. Pero I’m sure na magiging close rin tayo and we’re going to be on the same level. And also, sino ba ang nagsabi sa ‘yo na nagpapatawa ako rito?”
Naguguluhan na talaga ako. I can feel the pain that is starting to crawl all over my head. “Kung gusto mo talaga tayong maging close, then answer this question.” I’m not serious about this, huh. Sinusubukan ko lang gamitin ang mga salita niya para sagutin niya ako.
“Shoot.”
Seryoso talaga siya. Okay, fine. “Tao ka ba?”
Natawa siya ng sobrang lakas at agad din na bumalik sa pagiging seryoso niyang mukha. “Nakaka-offend ‘yong tanong mo, huh, sa totoo lang.”
“Eh, bakit ka tumawa?”
“Kasi ang weird mo! Sa wakas, may kilala na rin akong kasing weird ko.”
Dapat din ba akong matuwa? Ang weird naman ng nilalang na ‘to.
“Kung hindi ka tao, so isa ka ring half mortal and half wizard?”
Tumawa na naman siya, pero mas malakas pa kaysa sa una niyang tawa kanina. Parang pinaglalaruan lang yata ako nito, eh.
“Mas lalo kang nagiging weird. Sa totoo lang,” sabi niya.
Hindi ko na dinagdagan pa ang pag-aaksaya ng oras at umalis na ako sa harapan niya. That guy gives me a freak feeling. Bakit ngayon ko pa lang na-realize?
“Hey, saan ka pupunta?” sigaw niya.
Pero hindi ko siya pinag-aksayan pa ng oras para lingunin. Weird. I decided to come back to the Principal’s Office so I can ask her to go home na. Sakto rin lang ang pagdating ko at palabas na rin si Mommy mula sa loob ng opisina.
“Prudence, let’s go home,” Mommy said.
“At last. Yes, please.”
Kung inaakala ng lalaking ‘yon na aatrasan ko siya at palalampasin ko ang nangyari, puwes, nagkakamali siya nang binangga. Well, technically, he pushed me. Kung nag-aaral siya sa paaralang iyon, ibig sabihin ay nakatira lang siya sa rito sa bayan. Magkikita pa kami ulit ng lalaking ‘yon. Humanda siya.