Chapter 2

1889 Words
KINABUKASAN, nagising si Mabelle nang wala na ang lalaking umangkin ng kanyang p********e. Natagpuan niya ang sarili sa kama na hubo't hubad at walang kahit anong nakatapis sa kanyang katawan. Napabalikwas siya ng bangon. "O-Ouch!" she reacted in pain as she suffered a terrible headache. Maingat siyang bumangon para sana pulutin ang damit niya na nakakalat sa sahig subalit huli na nang mapansin niyang wasak-wasak na pala iyon. Iginala niya ang paningin sa apat na sulok ng hotel room. There, she found a pair of men's clothes hanging on the chair. "Well, beggars can't be choosers." Humugot ng malalim na hininga si Mabelle bago dinampot ang damit at isinuot 'yon. Bago umuwi, dumaan muna si Mabelle sa kilalang clothing store upang bumili ng damit pambabae. Sakay ang taxi cab ay ligtas siyang nakauwi sa tinutuluyan niya suot ang bagong dress na kanyang binili. Mula sa malayo ay namataan ni Mabelle ang kotse ni Navi na naka-park sa garahe ng kanilang bahay. Katakataka rin kung anong ginagawa ng maleta niya sa labas? Lumunok siya ng laway at umiling upang itaboy ang nararamdamang kaba. "Sana mali ang kutob ko..." aniya sa isip-isip. 'Di na nag-atubili pang pumasok si Mabelle sa loob. Dito'y sinalubong siya ni Navi nang may mukhang nakabusangot. "Inumaga ka, ah. Saan ka galing kagabi?" malamig nitong sita sa kanya. As the self-proclaimed actress she is, Mabelle managed to hide the tension that slowly killing her. "My flu gets worse, so I was rushed to the ER last night. Doon ako nagpalipas ng gabi," she lied. "Really. Then you should've called me so I can take you there." Navi was unconvinced by her answer. He threw her a challenging look, making her blood run cold. Naiiling na kumibo muli ang lalaki. "Magsisinungaling ka na lang, hindi mo pa ginalingan. Do you think I will fall for that?" "What do you mean, Navi? I'm sick, remember? That's why I couldn't come with you to the party last night." "Oh yeah? Since when have you seen a sick person in a public place like disco bar?" Inangat ni Navi ang hawak na cellphone. Makikita sa screen ang litrato ni Mabelle na kuha sa bar kung saan kahalikan niya ang isang 'di kilalang lalaki na may mahabang buhok at nang i-swipe niya ang sumunod na larawan ay nais niyang maglaho sa kinatatayuan dahil sapul sa camera kung paano siya buhatin ng lalaking iyon palabas ng bar! She froze up like a statue. "T-That's not possible!" nauutal na sabi niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen. "Yes, it is. May nagpadala sa 'kin nito kaninang umaga. Hindi ko gaanong makilala ang mukha ng lalaking kasama mo sa litrato pero malinaw sa 'kin na may kumaldag sa 'yo kagabi habang wala ako!" Tumaas ang tono ng boses ni Navi sa mga huling salitang binanggit nito. "Who the hell is that? Where did you guys do it, huh? Sa kotse? Sa hotel? O baka naman sa condo ng hayup na 'yan?" sunod-sunod na tanong ni Navi habang nanginginig sa galit. "I swear, I didn't know him!" she claimed. "L-Look. I'm sorry, okay? I was just bored so—" Muntik na siya mapatili matapos basagin ni Navi sa harap niya ang hawak na telepono. "You're bored so you went to the bar without telling me, you got yourself drunk and slept with a filthy animal. s**t, Mabelle! You're now twenty for goodness sake! You're not getting younger! Hindi lahat ng ginagawa mo noon ay puwede mo pa ring gawin ngayon! Kasal ka na pero kung umasta ka parang wala kang asawa!" "Navi—" "No! Matatanggap ko pa 'yong pagsisinungaling mo na may sakit ka kagabi dahil iniiwasan mong magkita kayo ni Dad pero 'tong panlalalaki mo? It's completely unacceptable!" Navi wiped off his tears with his arm. He continued, "Minahal kita kahit pa alam kong arrange marriage lang ang naging daan para dalhin mo ang apilyedo ko. I gave everything to you to the point na pati pera ko, pinagkatiwala ko sa 'yo pero anong ginawa mo? Tinarantado mo ako!" Galit na hinablot ni Navi ang pitaka ni Mabelle. "My purse!" sigaw niya. Sinubukang bawiin ni Belle kay Navi ang pitaka pero hindi sapat ang lakas niya para makuha ito. Suddenly, Navi took his credit card. He thrown off the purse and landed on her foot. "Now, you're getting what you deserve." Sunod nitong hinubad ang suot na wedding ring at nilaglag 'yon sa sahig. "Your luggage is waiting for you outside. I want you off my house and I want you out of my life!" sigaw ni Navi na mistulang kampanang paulit-ulit na rumerehistro sa isip ni Mabelle noong mga oras na iyon. Nag-uunahang bumaba ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng unti-unting panghihina ng kanyang tuhod. "Navi, don't do this! I'm begging you! My mom will kill me!" pagsusumamo niya hawak ang dulong damit ng lalaki. Navi laughed sarcastically. "Don't be ridiculous. There's no way a mother could do that. I've had enough of your drama. The show is over." "Please! Please! Please! Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! I love you, baby," muling pagmamakaawa ni Mabelle ngunit sadyang manhid na ang puso ni Navi para tanggapin iyon. "There's not going to be a second chance, Mabelle. Magmula sa araw na ito, hindi na kita asawa. Tapos na tayo!" Pwersahang inalis ng lalaki ang kamay ni Mabelle sa damit nito. Nanginginig sa galit na itinuro ni Navi ang direksyon palabas ng bahay. "Leave or I'm calling the cops!" Hindi na nakipag-arumento pa si Mabelle sa asawa. Gamit ang natitirang lakas ay malaya niyang nilisan ang naging tirahan niya ng anim na buwan bilang si Mrs. Reinhart. Ang magandang plano niya para sa sarili ay nauwi sa kabiguan dahil sa isang pagkakamali—iyon ay ang pagtaksilan niya ang lalaking mahal na mahal siya. __ IT'S BEEN more than a month since Mabelle and Navi split up. Ang paghihiwalay nilang 'yon ang naging mitya ng tuloy-tuloy niyang pagbagsak. As soon as her mother finds out about it, she was instantly outcasted from her family. Napilitan siyang isangla ang mga naitabi niyang alahas para may ipambayad sa maliit na boarding house na kanyang inuupahan. Maswerte pa rin siya kung tutuusin dahil nakahanap siya ng marangal na trabaho sa kabila ng hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Unti-unti nang nakaka-adjust si Mabelle sa bagong mundo na kanyang ginagalawan ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, dumating ang panibagong dagok na susubok sa kanyang katatagan. Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ni Mabelle at ngayon ay napilitan siyang hindi pumasok sa pinagtatrabahuhang laundry shop. Her sudden sickness isn't her only concern. Hindi rin siya dinatnan nitong nakaraang buwan bagay na 'di naman nangyayari sa kanya noon. Alam niyang may mali sa sarili niya at para matuldukan ang agam-agam ay bumili siya ng pregnancy test kit. Dali-daling pumasok si Mabelle sa loob ng makipot na CR ng boarding house para isagawa ang procedure. Makaraan ang ilang sandali ay halos huminto ang mundo niya nang makitang dalawang linya ang nag-reflect sa pregnancy test. Sorrowful tears streamed down her cheeks as she sobbed uncontrollably. What is she gonna do now? Hindi lang pala sarili niya ang kailangan niyang buhayin kundi pati na rin ang bata sa kanyang sinapupunan! Kanino siya hihingi ng tulong gayong lahat ng taong nagmamahal sa kanya noon ay sinuka na siya ngayon? Ni wala siyang ideya kung sino ang ama ng batang ito! Lumabas siya ng CR na bagsak ang balikat at dumiretso sa kanyang silid. Binuksan niya ang bintana na gawa sa kahoy upang makalanghap ng sariwang hangin habang pinag-iisipan ang susunod niyang hakbang. Kinagat niya ang ibabang labi. "Hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan, Mabelle. Kailangan ka ng magiging anak mo," aniya sa sarili. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at marahan iyong hinaplos. "Dadalawa na lang tayo, baby. Si Mom, si Navi—lahat sila tinalikuran ako. Hindi ko sila masisisi dahil malaki ang nagawa kong kasalanan at labis-labis ko na 'yong pinagsisihan ngayon. Ikaw na lang ang meron ako at hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawawala sa akin. "Igagapang kita kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon. Balang araw, mabibigyan din kita ng magandang kinabukasan at malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. Pasensya na kung wala kang kikilalaning ama pero hayaan mo, hangga't nandito ako, hindi kita pababayaan." __ NAGING kalbaryo ang mga sumunod na buwan para kay Mabelle gayong hindi lang niya kailangang buhayin ang sarili kundi pati na rin ang bata sa kanyang sinapupunan. Sa paglipas ng panahon, dumating na sa puntong hindi na niya kayang magtrabaho pa dahil nalalapit na ang kanyang panganganak. She's been staying in her boarding house for good using the money she saved from her sideline jobs. It wasn't enough to cover up her expenses but at least she was able to save some money. Tumulong din ang ilan sa mga kasamahan niya sa trabaho at nagpaabot ng kaunting tulong. Hindi na rin problema ang panganganak niya dahil napagdesisyonan niyang magpa-confine sa isang government hospital upang makalibre sa labor and confinement fees. Kasalukuyang nagluluto ng kanyang tanghalian si Mabelle sa maliit na kusina ng boarding house nang mapansin niyang may kumakatok sa gate ng bahay. Mabuti na lang, agad na lumabas ang may-ari para tignan kung sino 'yon at pagbalik nito ay lumapit ang landlady sa kanya. "O, Mabelle. Para raw sa 'yo," anito saka inilapag sa mesa ang isang brown envelope. "Po? Kanino po galing?" tanong niya habang busy sa paghahalo ng nilulutong ulam sa maliit na kaldero. "Aba, malay ko. Buksan mo na lang nang malaman mo." Pagkasabi nito'y tumalikod ang landlady at pumasok sa sariling silid. Naiwan si Mabelle doon na kwestyonable. Upang masagot ang katanungang bumabagabag sa kanyang isip ay nagpasya si Mabelle na itigil muna ang pagluluto upang tignan ang nasa loob ng malaking sobre. She found several papers inside. Sinuri niyang maigi kung ano ba ang mga iyon at labis siyang nanghina nang mabasa ang malalaking titik na nakasulat sa itaas ang dokumento. 'PETITION FOR ANNULMENT OF MARRIAGE' Maliban sa annulment papers ay kalakip din n'on ang isang tseke mula kay Navi, at isang maliit na note na ang nakasulat ay ito: 'I don't wanna see your face ever again.' Mistulang winakwak ang puso niya sa mga katagang nabasa niya sa papel. Bagama't inaasahan na niyang darating ang araw na ito, ngunit hindi niya inakala na bigla siyang sasampalin ng annulment papers sa gitna ng kanyang pagbubuntis. At ito na nga. Opisyal nang pinuputol ni Navi ang ugnayan nito sa kanya. Masakit mang isipin, ngunit kailangan niyang tanggapin ang konsekwensya ng kanyang nagawa. Mabelle went back to her room to find a pen and with a heavy heart, she signed the papers. Sinikap niyang lagdaan ang papel kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luhang humaharang sa kanyang mga mata. Nangingnig na ibinaba ni Mabelle ang panulat at impit na humagulhol. Ilang sandali pa ay biglang nag-iba ang pakiramdam ni Belle. Nagsisimula na namang humilab ang ibabang bahagi ng kanyang tiyan, at habang tumatagal ay lalo iyong sumasakit. Sinubukang tiisin ni Mabelle ang iniindang sakit subalit mas lalong tumindi ang sitwasyon dahil pumutok na rin an kanyang panubigan. Dito na nagpasya si Mabelle na humingi ng saklolo mula sa mga kapitbahay ng boarding house. Nagtulong-tulong sila upang isugod siya sa pinakamalapit na ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD