IT TOOK a while before she could blink again. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan dahil makalipas ang pitong taon ay muling nagkrus ang landas nila ng dating asawa—and this guy isn't just her ex-husband. Navi Reinhart is one of the most talented singers in today's generation!
Ang dating payat na 21-year-old aspiring musician na anak ng mag-asawang negosyante ay isa nang makisig at matipunong lalaki. Malinis ang pagkakagupit ng buhok nito. Taglay din niya ang tsokolateng kulay ng mga mata, matangos na ilong, may perpektong hugis ng mga labi na kaakit-akit at kay sarap halikan. Balbas-sarado din ito na lalong dumagdag sa kakisigan ng lalaki.
A perfect boyfriend material kung iisipin. However, despite the good looks he has, there's one thing missing: his smile. Nakatingin lang ito sa kanya nang diretso at walang mababasa na kahit anong expression sa mukha nito.
"Sir, I want you to meet Mabelle de Guzman. She's the new maid I hire for you," Earnest broke the silence by introducing her to his boss.
Kusang humigpit ang hawak ni Mabelle sa anak niyang si Paris na nasa tabi niya. Walang tigil ang puso niya sa pagkabog lalo na nang humakbang pa nang kaunti si Navi palapit sa kanya.
"I'm the head of the house. I'm glad to finally meet you, Miss De Guzman," he said without offering his hand.
Duda siya kung talaga bang nagagalak itong makilala siya sapagkat ramdam niya ang diin sa boses nito nang banggitin ni Navi ang kanyang apilyedo sa pagkadalaga.
She tried her best to act like normal. Pinilit niyang ngumiti kahit ibig na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
"It's nice to meet you, too," she said in almost a whisper.
Bumaba ang tingin ni Navi kay Paris, ngunit sa halip na magtago sa likod niya ay nanatili lamang itong nakayakap kay Mabelle.
"I wasn't informed about bringing a child with you," he mentioned. "Is this your daughter?" sabay turo nito sa bata.
"Opo, Sir," wika ni Mabelle.
"Pasensya na po, Sir Navi. Hindi ko nabanggit kay Earnest na isasama ni Mabelle ang anak niya rito," pagsingit ni Jhazz sa usapan. "Baka po puwedeng payagan ninyo ang bata na tumira rito kasama ang nanay niya. Wala po kasing mapapag-iwanan sa bata, e."
Tahimik at nakatitig lamang si Navi sa cute at magandang bata na nasa harap nito. Nasurpresa ang lahat sa sumunod na eksena nang ilahad ng bata ang isa niyang kamay kay Navi at nagpakilala.
"Hello po, Mister. Ako po si Paris, ang cute baby girl ni Mommy Mabelle ko," inosenteng wika ng bata habang nakangiti nang pagkatamis-tamis.
Sa kabila ng ka-cute-an ni Paris ay hindi 'yon umubra kay Navi. "Tss," he hissed.
Navi quickly shifted his gaze to the mother and said, "You're lucky I'm so easygoing. I'll let her stay but I have no responsibility for that child of yours, Miss De Guzman, so you have to feed her on your own. Understood?"
"Yes. Of course," nasabi na lang ni Mabelle.
"You can start tomorrow morning," aniya. Lumipat ang tingin ni Navi sa dalawang kasambahay na nakatayo sa likuran ni Mabelle. "Jhazz, show her quarters. I'll be staying in my room today working."
"Okay, Sir," ani Jhazz kasabay ng pagtalikod ni Navi. Nakatitig lamang si Mabelle sa lalaki habang pinapanood itong umakyat ng hagdan pabalik sa silid nito.
"Maiwan ko muna kayo. May gagawin pa ako sa garahe," pagpapaalam ni Earnest sa kanila.
"Ako nama'y maglilinis pa ng banyo," ani Hyacinth at nagmamadaling nagtungo sa CR para gawin ang nakabinbin na trabaho.
Tanging ang mag-ina at si Jhazz na lamang ang naiwan sa salas noong mga oras na iyon. "Huy!" Ginising ni Jhazz ang diwa ni Mabelle sa pamamagitan ng pagtapik nito sa kanyang balikat.
A mixture of regret and worriedness can be seen on Mabelle's face upon facing her friend. Naging pormal man ang paghaharap nila ni Navi kanina, hindi niya maiwasang mag-isip ng negatibo tungkol sa lalaki.
Despite acting "nice" in front of other household servants, she knew that Navi still despises her. Who wouldn't? She broke his heart and ruined his trust. Hindi niya masisisi ito kung gano'n na lang siya tratuhin nito!
At ang pag-hire nito sa kanya? Marahil hindi 'yon awa o ano pa man. Malakas ang kutob niyang may binabalak itong hindi maganda na lalong magpapalala ng kanilang sitwasyon ni Paris.
"Jhazz, I have a terrible feeling about him. Umuwi na lang kaya kami?" aniya.
Sa halip na mabahala ay pinagtawanan lang siya ni Jhazz. "Masyado kang praning, mars! Huwag ka ngang matakot kay Sir Navi! Mukha lang siyang strikto pero mabait 'yon!"
"I don't know," Mabelle disagreed. "He's like a monster to me."
"Alam mo Mabelle, ang nega mo. Think positive! Trabaho na ito, e. Tatakbo ka pa? Bilang ina, kailangan mong magsakripisyo at magtiis alang-alang sa anak mo. Ikaw na ang nagsabing kailangan mong kumayod. Gamitin mong motivation si Paris para magpatuloy!" mahabang payo ni Jhazz na talaga namang tumagos sa puso niya.
Her shoulder fell. "Kung sabagay, may punto ka."
"Ang mabuti pa, sumunod na kayo sa 'kin. Ipapakita ko sa inyo ang magiging kwarto niyo," anyaya pa nito.
Basta silang sumunod kay Jhazz patungo sa east direction ng bahay kung saan may maluwang na hallway roon. Sa kaliwang bahagi ay andoon ang banyo at nasa kanan naman ang maids quarters na may tatlong kwarto.
Binuksan ni Jhazz ang ikalawang pinto. Puting pader ang bumungad sa kanila pagpasok nila sa loob. Maliit lang ang kwarto pero sapat na 'yon para magkasya sila ni Paris. May kama, cabinet, electric fan at sliding window na may screen. 'Di hamak na mas maganda rito kumpara sa boarding house na tintuluyan nila dati.
"Kung may kailangan ka, huwag ka mahiyang magsabi sa akin. Katukin mo lang ako sa kabilang kwarto," nakangiting bilin ni Jhazz na tinugunan ni Mabelle ng pagtango.
"Thank you, mars," sabi niya.
Hindi rin nagtagal ay umalis din si Jhazz. Napaupo siya sa malambot na kama. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga saka napahilamos ng mukha.
Everything that happened today seems like a nightmare to her. Iba talaga maglaro ang tadhana. Bukod sa pinagdaanan niyang paghihirap sa nakalipas na pitong taon, mukhang hindi pa yata doon nagtatapos ang karma niya.
Totoo nga ang sabi nila, magawa mo mang makalayo ngunit hindi mo matatakasan ang multo ng iyong nakaraan—ang multo na nagpapaalala sa kanya kung gaano siya kawalang-kwentang asawa noon.
She was young, immature and selfish back then. Ang mga pag-uugaling iyon ang sumira sa mala-fairytale niyang buhay noon. She lost everything—her wealth, her mother, and also, her loving husband.
On the other hand, her bad behavior taught her a lesson and eventually, she learned how to stand on her feet and became an independent person. Natutunan niya ring magsisi at magsimulang muli kasama ang kanyang anak.
"Mommy," Paris called her mother's attention. She sat next to her. "May tanong lang po ako."
"Ano 'yon?" curious na tanong ni Mabelle.
"Bakit po parang ang sungit sa 'tin ni Mister Cute? Galit po siya magsalita tapos, hindi siya nakipag-shake hands sa akin," nakasimangot na sabi ni Paris.
"Hay naku, 'nak. Hindi ko nga rin alam, e. Siguro, masyado lang maraming iniisip 'yon," pagsisinungaling ni Mabelle kahit alam naman niya ang totoong dahilan ng hindi magandang asal ni Navi.
"Pero kahit po gano'n, gusto ko po siyang maging friend. Okay lang po ba?" Napatingin siya kay Paris nang marinig niya ang mga salitang hindi niya inakalang lalabas sa bibig ng isang bata.
Mabelle couldn't help but smile when she realized how friendly her daughter was, that even a guy like Navi would be her ideal companion.
"Hindi pa sa ngayon, baby ko, pero huwag kang mag-alala. Mapapalambot din natin ang matigas na puso ni Mister Cute. Pasasaan ba't magiging magkaibigan din kayo." Hinalikan niya ang ulo ng bata at niyakap nang may tamang higpit.
__
HATINGGABI na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Mabelle. Ilang oras na siyang nakahiga sa tabi ni Paris habang pinagmamasdan ang bata na mahimbing nang natutulog.
Bigla-bigla'y nakaramdam siya ng pagkauhaw. Maingat niyang inalis ang kumot sa kanyang ibabaw at bumangon sa higaan. Dala ang cellphone na magsisilbing flashlight niya sa madilim na kabahayan, dahan-dahang naglakad si Mabelle palabas ng silid at nagtungo sa kusina para sana kumuha ng maiinom.
A few steps ahead from where the kitchen was, she accidentally bumped into someone. Mabelle jumped in surprise. Who would be staying awake at this time?
Slowly, she lifted her phone to find out who it is. Bahagyang natanglawan ang mukha ng taong iyon bago pa nito hinarangan ang ilaw na nagmumula sa cellphone.
"Navi?" tawag niya rito. Oh, great! Why him?
"Is that how you address your new boss, Miss De Guzman?" mahina ngunit seryosong wika ni Navi na nagpangatog ng kanyang mga tuhod.
"Pasensya na po, Sir," aniya. Noon lang ibinaba ni Mabelle ang hawak na cellphone at ibinulsa.
"Anong kailangan mo?"
"Iinom lang sana ako ng tubig," sabi niya. "Puwede ba akong kumuha kahit isang baso lang?"
"Sige pero sa gripo ka iinom," maagap na sagot ni Navi.
"Ayos lang. Sanay naman na 'ko. Salamat." Akmang lalampasan niya ang lalaki ngunit hinawakan siya nito sa kanyang braso. "Bakit, Sir? May problema ba?"
"I don't think you understand. I meant to say that you're allowed to drink water in the bathroom's faucet. Not here," paglilinaw ni Navi.
Nalukot ang noo ni Mabelle sa binitawang salita ng lalaki. "Seryoso ka?" humitok niya.
"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo?" hirit nito. "This isn't a comedy show, Mabelle. I'm dead serious."
"Pero paano naman 'yong anak ko? Hahayaan mo ring bang uminom sa banyo kung sakali?" lakas-loob niyang wika.
"What did I tell you this morning? Your child isn't my responsibility. Problema mo 'yan kung saan mo paiinumin ng malinis na tubig ang anak mo," Navi taunted. "I better not catch you breaking my rule or you won't get paid for a month. Do I make myself clear?"
Instead of agreeing to his foolish rule, Mabelle clicked her tongue in disapproval. "How can you be so heartless, Navi? I can't believe you've changed!"
"Heartless?" he chuckled. "Yeah, you're probably right. I lost my heart from the moment you cheated on me. Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito, Mabelle. You changed my life miserably!"
Dinig niya ang malalaking hakbang ng lalaki papunta sa kanyang likuran. Belle was startled as she felt his hand on her shoulder.
"Didn't you know what happened to my mother? She died from a heart attack after she finds out what you did! I became depressed and I was on the verge of giving up my career at that time! Wasak na wasak ang puso ko! Halos masira ang ulo ko nang dahil sa 'yo kung alam mo lang!" Navi ranted at the back of her ear.
Lalong diniinan ni Navi ang pagkakahawak nito sa balikat ni Mabelle. Nanginginig ito at halatang gigil na gigil. Bumitaw rin siya kalaunan at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"If it wasn't for my dad's support, I wouldn't be in the position I'm in today. Damn, I feel so naïve for not listening to my father when he tried to warn me about you! Nagpakatanga ako para sa isang gold digger at lalakerong katulad mo!"
Upon hearing his tongue-lashing speech, guilt flowed over her. "N-Navi..." she mumbled.
Her chin trembled as tears of pain filled the corners of her eyelids. Mabelle covered her face with shaking hands and began to whimper.
"Now, you're crying?" Navi laughed mockingly. "Oh, come on, give me a break. It's not gonna work anymore! Hindi na ako 'yong dating Navi na bibigay agad sa kaartehan mo! Kahit maglulumpasay ka pa riyan, there's no way you could change everything! Sinira mo ang buhay ko!"
Bawat salitang binitawan ni Navi ay maihahambing sa isang patalim na paulit-ulit na tumatarak sa kanyang dibdib. This is a lot more painful than she thought! Her long-term suffering is nothing compared to what he had been through! What kind of person is she? Napakawalanghiya niya!
"Navi, humihingi ako ng tawad sa mga naging kasalanan ko sa 'yo at sa pamilya mo. Masyado kong inuna ang sarili ko. Nagpakasasa ako sa pera mo at sa mga oras na wala ka sa tabi ko nang hindi ko iniisip ang magiging epekto n'on sa 'yo. Naiintindihan ko kung masama pa rin ang loob mo sa 'kin at hindi kita masisisi kung 'di mo pa ako kayang patawarin."
Mabelle stood on her tiptoes as she cupped his cheek with her hand. "Tutal andito na rin lang ako, hayaan mo akong makabawi at patunayan ang sarili ko sa 'yo. Hayaan mo akong pagsilbihan ka hanggang sa makita ng mga mata mo kung gaano ako nagsisisi," pagsusumamo niya rito.
"It's too late to make it up for everything," he blurted out.
Hinawakan siya ng lalaki sa pulso at mariin 'yong pinisil. Napaigtad si Mabelle sa sakit ngunit balewala 'yon kay Navi. Kung maliwanag lang ang paligid ay siguradong nandidlim na ang paningin nito sa galit.
"Isang malaking pagkakamali ang nagpakita ka pa sa 'kin, Mabelle. Now, I'm gonna give you the taste of the same hellish existence I've been living. Pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay ko!"
Napahawak si Mabelle sa braso niya nang bitawan siya ni Navi. She fell to her knees, crying out as soon as she heard his footsteps reaching upstairs.
Nang mahimasmasan ay dumaan siya sa banyo dala ang isang baso. Mugto ang mga matang nakatitig siya sa salamin habang iniinom ang tubig na galing sa gripo. Naghilamos siya matapos n'on at tahimik na bumalik sa kwarto.
Naupo siya sa higaan saka niya dinukot ang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang shorts. She scrolled through her gallery and found a scanned wedding photo of her and Navi.
Kuha 'yon sa city hall kung saan ginanap ang kanilang civil wedding noon. Makikita sa litrato ang matinding kaligayahan sa mukha ng lalaki, bagay na sobrang namimiss niya ngayon dahil ang Navi na nakaharap niya kanina ay ibang-iba na.
"Ito na marahil ang paraan ng tadhana para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa 'yo, Navi," aniya habang naluluhang nakatitig sa kanilang litrato. "'Di bale, magalit ka man sa 'kin ay ayos lang. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, masisilayan ko rin ang ngiti sa mga labi mo."
Mabelle never allows herself to get discouraged by Navi. Instead, she was determined to win his heart and trust, completely unaware that she was just digging a hole for herself...