PROLOGUE
Papaano mo ba malalaman na masaya ang buhay na pinasok mo?
Papaano mo ba mapapanindigan ang bagay na inaasam mo kung ito na mismo ang pilit na kumakawala sayo
Iisa lang naman ang gusto ng bawat tao na nag-mamahal
Ang mahalin sila pabalik, pahalagahan, ingatan at higit sa lahat ay ang igalang
Ansarap siguro sa pakiramdam na madaming nagmamahal at nagpapahalaga sayo
Pero kahit gaano pa kadami ang nag mamahal sayo, mga taong nakapaligid sayo
Parang walang saysay...
Dahil hindi mo makuha ang pagmamahal ng taong mahal na mahal mo....
...
"L-leion? wala ba talaga?"
"H-hindi mo ba kaya na pagtuunan ako ng halaga?"
"Nahihirapan na ako.."
"P-please, Leion, nasasaktan ako..."
"Anong karapatan mong mag-reklamo?! Diba umpisa palang ginusto mo ito? Hiniling mo? Binigay ko na gusto mo, at yang hinihingi mong pagmamahal hindi ko maibibigay sayo kahit kailan, she owned my heart, and this marriage is wrong. Hindi kita mahal kaya bakit ba ako pumayag na magpakasal sayo!"
"Tama na, Leion! T-tanggap ko na pero sana buksan mo ang puso mo! ako na ang asawa mo"
"Hinding-hindi ka karapat-dapat na maging ina ng magiging anak ko aubrey, malandi ka. Nadidiri ako sayo!"
"Tandaan mo ito aubrey, hinding hindi mo mahihigitan ang babaeng mahal ko, kahit kailan wala kang karapatang humihingi pa ng higit sa binibigay ko, dahil una sa lahat wala kalang sa buhay ko..."
".......at kahit kailan hinding hindi ka pwedeng pumasok sa puso ng isang tao lalo na kung may mahal na itong iba."