LEIGH
PILIT kong minumulat ang aking mga mata pero talagang 'di ko pa kaya.
Sobrang inaantok pa ako.
Kusang bumibigat ang mga talukap ko.
Anong oras na rin kasi kami natapos kagabi.
Ilang araw na akong pagod at puyat sa magkakasunod na event na ginanap sa hotel na pinagtratrabahuan ko.
Buti na lamang at nagkaroon ako ng day off today.
Isa akong pastry chef sa isang kilalang hotel dito sa Dubai.
Dalawang taon lamang ang kontrata ko ngunit napa-extend ako ng isa pang taon ayon na rin sa pakiusap ng boss ko.
Tita ko ang tumatayong manager sa department namin.
Halos magtatatlong taon na rin ako ngayon.
Dalawang buwan na nga ay tatlong taon ko na.
I groaned as I stretched my body. Humikab pa ako. Minulat ko ang isa kong mata.
The familiar tone from my phone keeps banging my ears.
May tumatawag sa aking pixbook messenger.
Baka sila Tatay lang.
Ilang araw ko na rin kasi silang hindi nakakausap mula nang mag-umpisa ang event.
Inabot ko ang cellphone ko.
Tama nga.
Account ng Tatay ko ang patuloy na nagpa- pope up sa screen ng phone ko.
Inaantok kong in-accept ang tawag.
"Naistorbo ka ba namin, anak?" ang agad niyang bungad na tanong nang makita sa camera ang itsura kong kakagising lang.
"Okay lang, Tay. Babangon na rin naman ako," pausan kong sagot.
Nakita ko ang sarili sa camera.
Napahawi ako sa maikli kong buhok na gulo-gulo pa.
"Mag-aalas onse na pala diyan, anak. " Aniya pang may sinipat sa kung saan.
Malamang tiningnan nito ang orasan na nakasabit lamang sa dingding ng sala namin.
"Tay, saglit lang po ha, bubuksan ko lang laptop ko." Paalam ko sa kaniya.
Inabot ko ang laptop ko sa isang sulok ng tinutuluyan kong maliit na apartment.
Iniayos ko ang laptop sa ibabaw ng maliit na lamesang naroon.
Nagpaalam muna ako at pinatay saglit ang tawag nila sa cellphone ko.
Nagtimpla muna ako ng kape, saka ko sila muling tinawagan gamit ang laptop ko.
Pagbalik ko sa camera ay natawa na 'ko nang makitang nagsiksikan na sila sa harap ng camera.
Si Tatay na ilang taon nang kapitan ng Barangay namin, at ang tatlo kong makukulit na kapatid.
Nasa grade 5 pa lamang si Lalaine ang bunso naming kapatid.
Si Larry naman na pangalawa sa bunso ay second year high school na. Si Landon naman na sumunod sa akin ay nasa second year college na rin.
Ulila na kami sa Ina at tanging si Tatay ang nagtaguyod sa akin upang makapagtapos ng kolehiyo.
Kakatapos ko lamang noon sa kursong culinary arts at ni wala pa akong experience, nang tawagan ako ng Tita Liza ko na naka-base dito sa Dubai kung interesado akong mag-abroad at magtrabaho bilang pastry chef sa hotel kung saan siya nagtratrabaho.
Ayaw man ni Tatay pero nagpumilit ako.
Kalaunan ay pumayag na rin ito kahit napipilitan lang.
Magku-koliheyo na rin kasi nang time na 'yon si Landon kaya malaking tulong ang pag-alis ko para sa pag-aaral nito.
Kahit paano ay may malaki naman kaming lupain na sinasaka.
Ngunit ako ang saksi kung gaano kahirap sa pagsasaka si Tatay.
Alam ko rin na kapag 'di ka sinuwerte sa pag-aani ay hindi rin naman nasasapat ang kikitain do'n para pangtustos sa aming pag-aaral.
Mula nang makapag-abroad ako ay ako na ang sumalo sa mga gastusin ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila.
Nagsasaka pa rin naman si Tatay pero may inuupahan na itong tao na siyang kato-katulong na niya.
Tumutulong rin ang mga kapatid ko sa tuwing walang eskwela.
Bukod diyan, may tao pa raw ngayon na kasa-kasama nila Tatay sa bahay pansamantala.
Hindi pa nagkukuwento ng marami si Tatay ng tungkol sa kaniya, ngunit siniguro ni Tatay na mabait daw ito.
Kailangan daw nitong manatili muna sa puder namin hanggat wala itong naaalala sa nakaraan niya, at sa pagkatao niya.
Natagpuan daw kasi ito ng mga tanod sa baybayin at walang malay.
Kahit paano ay malaki ang suweldo ko sa pinagtratrabahuan kong hotel.
May naiipon pa ako sa banko na maari kong gastusin sa binabalak kong paga-apply sa Italy.
Pangarap kong makapunta sa bansang iyon at makapagtrabaho sa sikat na mga hotel.
And working here in Dubai is my first stepping stone.
Alam kong papasaan ba't susuwertehin akong muli at makakapagtrabaho rin ako sa pinapangarap kong bansa na iyon.
"Ate, kailan ka ba uuwi? Huwag mong kalimutan iyong pinabibili kong bag ha, dalawang taon na kasi iyong bag ko ayaw pang palitan ni Tatay." Ang nakasimangot na anang bunso namin.
"Puwede pa naman iyon a, matibay pa at hindi naman mukhang luma," ang protesta ni Tatay sa kaniya.
"Basta sa akin, Ate. Jersey lang at sapatos ni Lebron James." Ani Larry.
Naku heto na naman ang walang humpay na pabili, tsk.
Napapakamot ako sa ulo. "Gusto mo ng jersey, bakit dito pa? Ang dami diyan sa palingke a."
"Jersey ni James Raid," dinig kong sabat ni Landon sabay tawa nito.
May inapiran pa ito sa likod nila. Hindi ko makita kung sino.
Ang nakita ko lamang ay malaking braso nito.
"Kahit kami ni Kuya Isaiah ay t-shirt lang Ate, " dinig ko pang ani Landon.
Isaiah ang pangalan ng taong kasakasama nila ngayon sa bahay.
Ilang buwan na itong nakatira sa bahay namin ngunit kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa camera sa tuwing katawagan ko sila Tatay.
Lagi kasi itong may ginagawa. Lagi raw itong nasa bukirin namin at kung nasa bahay naman ay nagsisibak ng kahoy or 'di naman kaya'y pumalaot kasama ng mangingisda sa amin.
Minsan ko na rin na-suggest kay Tatay na dalhin ito sa munisipyo baka sakali kasing do'n ay matulungan siya.
Ngunit mismong iyong Isaiah ang ayaw sa idiyang iyon. Walang malay at sugatan daw kasi ito nang matagpuan nila.
Baka raw may nagtatangka sa buhay nito, ang bumabagabag naman sa akin, paano kung hindi nila alam na itong Isiah na ito pala ang masamang tao?
Siyempre baka mabait lamang ito ngayon dahil walang maalala. O, baka nga nagpapanggap lang na walang maalala para makapagtago 'di ba?
Paano nga kung sa totoong buhay nito ay pinaghahanap ito ng batas?
Isang kriminal na takas sa mga awtoridad?
The thought of it was really bothering me a lot.
"Kailan ba kasi talaga ang uwi mo, anak? Ang tagal tagal mo na diyan. Ni hindi mo man lang maisipan na umuwi para makapag bakasyon," ang malungkot na ani Tatay.
"Pasensya na, Tay. Pinag-iipunan ko po kasi iyong gagastusin ko papuntang Italy." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tatay.
Shit.
Nasabi ko na. Hindi ko pa nababanggit kasi ang plano kong iyon.
Nadulas na ako.
"Ang ibig mong sabihin balak mo pa talagang umalis pagkatapos ng kontrata mo diyan sa Dubai?" parang dismayado nitong tanong.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Tay, kapag napunta po ako ng Italy, mas lalo pong mapapabilis ang pag-ahon natin. Mas malaki ang sahod do'n. Isa pa po, nasa second year pa lang si Landon." Ang mahinahon kong sabi habang 'di makatingin sa kanila.
Ang pag-alis ko papunta rito sa Dubai ay mabigat na sa loob niya. Lagi nga itong masaya sa tuwing katapusan ng buwan.
Binibilang nito ang bawat buwan ng taon na alam nitong matatapos na ang kontrata ko't makakauwi na rin ako.
Labis na nga ang pagkadismaya nito noong nalaman nitong nag-extend pa ako ng isang taon dito.
Kinausap lang siya ni Tita Liza kaya kahit paano natanggal din ang tila pagtatampo nito sa akin.
Kaya ang idiya kong pag-alis papuntang Italya, ay nangangailangan ng matinding pangungumbinsi talaga.
"Hindi naman tayo masyadong naghihirap anak, kaya ko pa namang magsaka. May katukatulong na naman ako ngayon sa bukirin natin, puwede naman na dito ka na lang sa malapit maghanap ng mapagtratrabahuan." Ang anitong bakas ang lungkot sa tono.
"Mas mapapanatag ako, makakatulog na ako ng mahimbing kapag nasa malapit lang kayong magkakapatid sa akin," ang aniya pang kinatahimik ko.
Ilang sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin.
Hindi ako makahagilap ng salitang maaring magpagaan sa tila bumigat na loob ni Tatay.
"Ate, tama si Tatay. Marami naman malalaking hotel sa Maynila na maari mong apply-an. Malaki rin naman ang sahod at 'di mo na kailangan mangibang-bansa. At least kapag dito ka lang sa pinas nagtratrabaho e, kaya mong umuwi ng madalas." Ang seryosong ani Landon.
"Ate, umaasa pa rin si Tatay na maiisipan mong mag-asawa," natatawang ani Larry.
"Kaya nga, ayaw na nga pauwiin ni Tatay si Kuya Isaiah kasi ipapaasawa na raw sa 'yo."
Narinig ko ang malutong na tawa ni Landon at Larry.
Naningkit ang mga mata kong tumingin sa camera.
"Huwag n'yo ngang biruin ng ganiyan ang ate n'yo baka lalong 'di siya umuwi niyan." Saway ni Tatay sa kanila.
"Pagkakita pa lang ni Kuya Isaiah sa mga pictures mo mukhang problemado na nga siya kung paano ka gagawing babae," ang malakas na ani Landon kasunod muli ng malakas nitong halakhak.
"Gagu!" ang sigaw ko sa kaniya. Kung nasa tabi lang ako ng gagu na 'to, nakaltokan ko na naman siya e.
"Ate, baka kapag nakita mo si Kuya Isaiah mawala iyang pagka-tibo tibo mo," ang banat din ni Lalaine habang nakangisi. Napaawang ang mga labi ko.
"Ikaw ha, ang bata-bata mo pa may nalalaman ka nang ganyan!" napapansin ko simula nang manirahan ang Isiah na iyan sa amin laging bukambibig na siya ng mga kapatid ko.
"E, kasi ang guwapo kaya ni Kuya. Lahat nga ng kababaihan dito sa lugar natin nagkakagusto sa kaniya," nakangusong aniya pa.
"Puwes, hindi ako!" mataray at inis kong sabi.
"E, kasi naman tibo-tibo ka e," ang pakling banat pa nitong kinapikit ng mga mata ko.
Sa loob ko'y alam ko naman na 'di talaga ako tibo.
Oo nga't mula sa pananamit, hilig na sport at gupit ng buhok ay malayong malayo ang style ko sa mga maria clarang dalaga sa baryo namin.
Pero dahil iyon ang nakasanayan ko at naging hilig ko. Idagdag pang halos lahat ng pinsan kong nakakasama at kinalakihan ko ay puro mga lalake. Kaya siga at tibo tibo akong kumilos.
Dalawa nga lang ang babaeng pinsan ko e. Lahat na sila ay pawang mga lalake na.
Sa school naman, halos karamihan ay lalake rin ang mga naging kaibigan ko.
Dadalawang babae nga lang ang naging malapit sa akin.
Though, naging popular ako sa school at maraming nagkagusto rin sa aking babae pero nasa pag-aaral ang halos buong atensyon ko noon dahil isa akong scholar.