CHAPTER 3

1725 Words
ISAIAH Gabing-gabi na ay 'di pa sila tapos. Isang lamesa na lamang ang natira. Sila Kap kanina pa umakyat sa taas at natulog. Pati mga kainuman niyang kapit bahay at kabaranggay ay nagsi-uwian na. Tanging ang lamesa nila Leigh, mga kaibigan at dating kaklase nito ang mga natira. I heaved sigh. I can't take my eyes off her. I was like, been captivated by her beauty. Despite her so boyish personality? She's more than gorgeous for my description. She's so beautiful than I expected. Maganda na siya sa mga pictures niya, kahit pa mostly na suot niya ay kung hindi maluwag na t-shirt na pinatungan ng jersey, ay maluwag lang talaga na damit at maluwag rin na short. She even looked so hot for me because of her boyish side. She's taller than common women. She has the perfect body shape that any man could die for. Though, nakatago lagi ang kurba ng katawan niya sa maluluwag na suot. But I wanna bet, maganda talaga ang katawan niya, halata kasi e. Kitang-kita talaga. Plus her soft-looking milky skin? Damn man. Her lips looks so sensual. Singkit ang kaniyang mga mata. Ang cute lang tingnan. She has this kind of Korean beauty aura that she got from her mother. Hindi ko maiwasan mapalunok sa tuwing pagmamasdan ko siya. Wala sa loob na napangisi ako at napailing na lang. "Yeppeun yeoja," I crazily murmured. Then, natigilan din ako. This is what I observed and discovered about myself. How could I understand and speak Korean? Hindi ko alam kung paano but I think isa iyon sa bahagi ng nakaraan ko na hindi ko nagawang kalimutan. Simula nang makaharap ko siya kanina ay hindi na mapakali ang isip at mata ko. Lagi siyang laman ng isip ko at hinahanap rin siya lagi ng mga mata ko, kaya heto pasimple akong lumabas. Tumabi ako kay Landon. Medyo nakadistansya kami sa mesa nila. "Malakas ba talaga uminom ate mo?" tanong ko kay Landon habang na kay Leigh pa rin ang aking mga mata at sa mga kainuman nito. Parang walang jetlag a, alive na alive pa rin habang nakikipag-inuman. "Hindi naman Kuya, tuwing okasyon lang din naman nainom 'yan, pagbawalan mo kung gusto mo," nakatawang kindat nito sa 'kin. Alam kong may ibig sabihin iyon kaya natawa na rin ako. " Leigh, nakita ko kanina si Rose. Alam na ba niyang darating ka?" anang isa sa lalaking kainuman niyang tinawag nilang Dennis. "Naku, Leigh. Lagot ka, hindi ka na naman lulubayan no'n ni Rose lakas ng tama sa 'yo no'n e, since college pa tayo," pasegunda ni Balwin kumutsara ng pulutan saka sinubo. Sinalinan ni Bentong ang basong pang tagay. Gin pomelo. Tinungga iyon ni Leigh saka pinsegundahan ng tubig. Nakaguhit pa sa mukha niya ang pait ng ininom nitong alak nang sumagot. "Tanga, hindi talaga ako type no'n. Magkaibigan lang kami. May lawit gusto no'n tol." natatawang aniya pumungas pa na akala mo lalaki talaga. "Di ba sunod nang sunod iyon sa 'yo noong college?" ani muli ni Balwin. Tumawang muli si Leigh. "Parang hindi naman ako ang sinusundan no'n e, si Denver. Tumitigas na lawit ang gusto no'n tol. At wala ako niyan. Wala akong lawit na tumitigas, ugat lang natigas sa akin tol," natatawa't naiiling na aniya. "Kung nakanta ako ng Celine Dion tol 'di lang natigas ugat ko, tumitirik pa 'yan!" sabay-sabay ang halakhak nila sa sinabi niyang iyon. Napailing ako. Kahit ako 'di maiwasang mangiti. "Si Ate talaga, parang lasing na," naiiling na ani Landon din. Si Leigh ay napahampas pa kay Bentong na panay ngiwi dahil kanina pa sumasalo ng kun 'di hampas ay kaltok. Looking at her from here, I know she's already a bit drunk. Her face looks redish already. Ilang bote ng gin na rin kasi ang naubos nila. Iba na rin ang kislap ng mata niya. Bahagya nang pumungay. Nakikinig lang kami sa usapan nila. Panakanaka kong naririnig ang ngisi ni Landon sa mga asaran at kuwentuhan nila Leigh. "Pero gusto mo si Rose?" tanong muli no'ng Dennis. Nakita kong saglit siyang natigilan tila hindi sigurado sa kaniyang magiging sagot pero, "Ano ba kayo, hindi 'yan magkakagusto kay Rose. Kilala ko crush nyan e," humagikgik pa si Bentong nang magsitinginan ang lahat sa kaniya. Parang may tama na rin ang gagu. Mas naging madaldal na e. Pero wait, anong sabi niya? Kilala nito ang nagugustuhan ni Leigh? Naging alerto ang pandinig ko. " O, tinitingnan nyo pa ako ng ganyan. Ako besftfriend niya, alam ko lahat sekreto nyan. So alam ko talaga naging crush nyan simula noong college pa." Ngumisi pa siya kay Leigh. Lalaki ako, alam ko at nakikita kong ang tatlo ngayon sa anim niyang kainuman ay iba ang tingin sa kaniya. Alam kong may gusto ang mga ito sa kaniya. Halatang halata pero hindi ko alam kung aware ba si Leigh. Umaahon ang inis sa dibdib ko. Tumawa lang ng mahina si Leigh, parang 'di pa rin siniseryoso ang sinabi ni Bentong. "Taga San Juancho University gusto mo, 'di ba Beshe? Unang nagkakilala kayo noong may laro kayo do'n ng basketball? Nasa Korea na ngayon yon pero nagcha-chat pa rin kayo?" Ngingisi-ngising ani Bentong. Napatigil naman si Leigh at hindi makapaniwalang tiningnan si Bentong. "Tang*na mo, tol. Walang laglagan!" agad na saway niya kay Bentong. "Habulin 'yan si Ate ng chicks noong high school hanggang college. Dami nagpupunta ritong mga babae," natatawang kuwento ni Landon. "Wala bang nanligaw na lalake sa Ate mo?" Ewan ko kung bakit ko iyon natanong pero parang gusto kong malaman. She's very unconscious right now, sa kakaibang tingin ng tatlong lalake sa anim niyang kainuman. "Maraming may gusto sa kaniya pero wala silang lakas ng loob, kay Tatay sila nagsasabi at nanliligaw e, hindi deretso mismo kay Ate, pero maraming napuntang mga kaibigan niya dito sa amin dati. Puro mga lalake, at puro taga ibang unibersidad. Mga mayayaman pa." Anitong natawa nang mahina. "Tang*na, San Juancho university, nasa Korea na ngayon? Iisa lang naman kilala kong kasama-kasama niyo noon na taga San Juancho na nasa Korea na ngayon e, si Denver?" hindi makapaniwalang reaksyon no'ng Renie, taga kabilang Barangay siya. "Talaga?" ani Dennis. "Nagkagusto ka sa lalake, Leigh?" 'di makapaniwalang ani Badong na kapit bahay lang din at mas matanda sa kanilang lahat. Humalakhak si Bentong. "Ano bokya kayong tatlo no? " ani Bentong na ang tingin ay kay Balwin, Dennis at Renie. "Tang*na naman tol, wala 'to. Sekreto 'yon e. Malaman 'yan ni Denver nakakahiya!" Halatang lasing na rin si, Leigh. Denver ha, tsked. "Ano ka ba, Tol. Sinabi ko lang para magising na 'tong tatlong 'to sa mga panaginip nila. Alam mo bang matagal ka na nilang pinagnanasahan, araw -araw nilang sinusuyo si Kapitan," ngising pangbubuking ni Bentong. That's right. He did what he had to do. Napangisi ako. Nakikita ko kasing napaka-inosente pa rin kasi ni Leigh. Hindi talaga ito aware sa kakaibang tingin ng tatlo sa kaniya. Ni hindi yata nito nararamdaman na iba ang tingin sa kaniya ng tatlong Lalake sa mga kainuman niya. Mula kay Bentong ay sinalo noong Dennis ang paglalagay ng tagay sa baso. Napansin kong mabilis ang naging ikot nun. "Wala na talaga kayong pag-asa, mukhang nakahanap na si Kap ng mamanugangin e," dugtong pa ni Bentong at tumungin sa amin. "Isaiah!" bigla tawag at kaway nito sa akin. Kaya napatayo ako. "Ipasok mo na nga itong asawa mo sa bahay nyo at lasing na, " may panunuksong aniya na kay Leigh nakatingin. Napangisi ako. Nakita ko na parang namutla si Leigh sa narinig. "Tang*na ka tol, nakakahiya ka. Nanahimik 'yong tao sinasali mo. Kaya ko naman ang sarili ko," protesta ni Leigh. Nakita ko ang pag-iwas ni Leigh sa akin ng tingin. "Tama na 'yan tol, ipahinga mo na rin. Asawa mo inaatay ka na, B-buto ako diyan tol, mabait na masipag pa iyang unexpected manugang ni Kap!" ani Bentong na halatang lasing na lasing na rin. "P-pasensya ka na d'yan kay Bentong, gin ang pinadede diyan noong baby pa kaya iba ang impact kapag nalalasing, tsk!" ngisi niyang sabi sa akin. "Halika na, para makapagpahinga ka na rin," masuyong yaya ko sa kaniya. Saglit na tila natigilan siya. Nang hawakan ko siyay 'di rin naman siya tumutol pa. Inalalayan ko siyang tumayo. Kahit si Landon ay lumapit na rin sa amin para tulungan akong alalayan ang ate niya pero nagpresenta akong, ako na lang ang bahala sa kaniya. Tumayo na rin naman ang mga kainuman ni Leigh. Si Bentong ang pinakanalasing sa lahat. Paano ba naman ilang shot ni Leigh ang sinalo niya. Nakita rin kasi niyang bangingi na rin ang kaibigan sa kalasingan. Inalalayan siya ni Landon at ni Badong papasok ng bahay nila Leigh. Noon pa man kapag nalalasing ito at dito lang naman sa bahay ni Kapitan ay 'di na nila ito pinapauwi pa at dito na pinapatulog. Best friend siya ni Leigh at parang pamilya na rin ang turing sa kaniya. Ipinasok ko si Leigh sa kuwarto nila ni Lalaine. Magaan ko itong inilapag sa kama habang tutok na tutok ang mga mata ko sa napakaganda niyang mukha. Noon pa man nang makita ko ang mga larawan nito ay parang hinihigop na ang mga mata ko ng napakaganda niyang mukha. Pero mas iba at mas malakas pala ang magiging epekto niya sa akin sa personal. Maikli ang buhok niya pero sa tingin koy bagay na bagay naman sa kaniya. Maganda pa rin siya. But I still wonder how she look like, with women's clothes like dresses and with long hair? Iyong babaeng babae ang pananamit, at dating. Kita ang pagiging boyish nito, at siguro mas higit na lilitaw ang ganda niya kapag naging mahaba ang buhok niya. Namumungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. " B-bakit ang p-pogi mo? S-saan ka ba n-nanggaling at nag mula?" napangiti ako. Nakakaakit ang boses niya sa pandinig ko. May kung anong kalabog muli akong naramdaman sa dibdib ko tulad ng kabang biglang ko na lamang naramdaman kanina nang una ko itong makita ng personal. Nang unang magtama ang mga mata namin. Masaya ako sa kaalamang naguwa-guwapuhan pala ito sa akin kahit papaano. Masuyo ko siyang tiningnan saka hinaplos ang isang pisngi. Wala sa sariling dinama ng hinlalaking daliri ko ang tila nang iimbita niyang mga labi. "Don't talk to me like that, Love. Baka makalimot ako't mahalikan kita." I murmured.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD