LEIGH Matagal nang tahimik sa labas pero narito ako sa kuwarto at hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Paroon-parito akong naglalakad sa loob ng kuwarto. Bigla, nakalimutan ko ang kirot sa gitna ko. Nag-iinit ang bunbunan ko at umuusok pa rin ang ilong ko sa inis. Para akong maiiyak na isiping aalis siya't sasama ro'n para makipag-inuman. Fvcking s**t. Kahit kailan hindi ako nagkaganito! Tapos ngayon, s**t! At sa isang lalake pa?! Sasama pala ha, e 'di sumama siya! Pakialam ko! Bubulong-bulong ko pa rin sa inis. Pero paano kung may maglandi-landi nga sa kaniya do'n at mapikot? O, 'di naman kaya'y may maganda siyang makita magustuhan roon? Alam kong maraming magaganda roon dahil madalas kaming dumayo ro'n dati para maglaro ng basketball. Marami nga rin nagkakagusto sa 'kin