Chapter 12

1181 Words
Abe's point of view Lumipas ang araw at buwan ay magaling ang aking asawa at nanalo ang aking ama sa pagka Presidente. Si Josh ay nanalo din na pangalawang Senator. Kinausap kami ng aming mga magulang na kailangan nilang umalis at maiwan kaming mga babae dahil delikado pa. Wla naman kaming nagawa lalo na at buntis ako. Mabuti at dumating ang mg biyenan ng kapatid kaya hindi kami nahirapan sa pag-alaga sa kambal. I got the feeling na kambal din ang laman ng aking tiyan dahil sobrang laki ito. Si Mommy ang nagluluto lagi at sobrang masusutansiya ang kanyang mga niluluto. Big miracle na buhay Kang gaming Ina pero iba Kang kanyang mukha. oKay na sa amin dahil siya parin ang aming Ina at ramadam namin iyon. Sobrang laki ng pinagbago ni Daddy, bumata siyang tignan at lagi nang nakangiti ang hirap lang mula nang malaman niya na buhay ang aming Mommy ay sinasarili niya ito. Nakayakap parin ako kay Greg na parang ayaw ko siyang pakawalan. "Love, magingat ka." Sabi ko sabay niyakap ko ang kanyang braso. Hindi ko na kasi mayakap ang kanyang katawan sa laki ng aking tiyan. "Mag-iingat ako para sa inyo ni Baby mahal." Sagot niya at mainit na hinalikan ang aking labi sabay tumalikod naman sina Kuya Peter. Sila na yata ang nahihiya sa amin. Ang kambal naman ng aking kapatid ay iyak ng iyak dahil parang ramdam nila ang pag-alis ng kanilang paboritong Lolo. Napatingin ako kay Daddy na kanina pa humahalik kay Mommy mas grabe pa sila sa bagong kasal. Kailangan na nilang umalis dahil medyo matagal nang naghihintay ang mga chopper na sasakyan nila. Mainit na halik muna ang pinagsaluhan namin ni Greg at hinalikan ang aking tiyan bao siya tuluyang umalis. Lahat kami ay nakatingin sa taas hanggang sa hindi na namin makita pa ang mga chopper. "Halina kayo at maka pag merienda." Sabi ni Mommy. Sumunod kami sa kanya at natuwa ako sa mga magulang ni Josh dahil halos ayaw na nilang bitawan ang kanilang mga apo. Nagulat din sila ng malaman na buhay ang aming Ina lalo na at iba ang kaniyang mukha. Makalipas ang mga araw ay pumutok ang balita na nahuli na si Doc. Glenn at walang gulong nangyari. Masaya kaming nagyakapan na mag-iina dahil sa wakas ay makauwi na din kami. Pagkalipas ng isang linggo ay sinundo na kami pero naiwan si Josh at Daddy dahil nga nanalo sila at marami silang gagawin kay si Greg at mga tauhan niya ang aming kasama. Malungkot man si Mommy na iwan niya ang Isla pero masaya na rin siya dahil marami nang mga guro at may mga naipatayong paaralan na sa Isla sa tulong ni Josh. Greg's point of view Pagdating namin sa manila ay agad kong inipon ang aking mga tauhan kasama ang mga tauhan ni General Sandoval. Pinagplanuhan naming mabuti ang pag-aresto kay Doc. Glenn sa kanyang bahay. Ayun sa aking tauha na sumusubaybay sa kanya ay nasa bahay lang siya mula nang nalaman na natalo siya sa leksiyon. Kinabukas ay handa na ang lahat biglaan ang aming pagdating sa bahay niya. Agad namin dinis armahan ang kanyang mga tauhan. Nakapasok kami sa loob ng kanyang bahay at nagtaka ako dahi wala man lang salitang namutawi sa kanya. Hindi siya nalaban ng makita namin siya sa hapagkainan. Dinala siya ng aking mga tauhan at naiwan ako para maghanap pa ng ilang edidensiya laban sa kanya. Napansin ko ang aking sapatos na lumuwag ang sintas kaya itinali ko ito. Paangat na sana ang aking ulo ng may makita ako sa ilalim ng mesa na kung saan nakatayo kanina si Doc. Glenn. Agad akong pumunta sa ilalim ng mesa at nagulat ito dahil isang bilog na pula na mostly ginsgamit sa mga bomba. Agad kong pinatwag ang aming mga explosive detection dogs. Ilang sagling lang ay dumating na sila at marami ilang namoy at nahukay sa palibot ng bahay. May isang Itim na bilog din at pinindot ko ito. May biglang nagbukas na pintuan sa sahig at may hagdanan pababa. Tinaluntun ko ito at nagulat ako dahil paglabas ko ay nasa kabilang kalye na ako. It made me realize na kung pinindot ni Doc Glenn ang pulang button ay siguradong patay na kami lahat at sila ang ang ligtas. Pero kabit niya ito ginawa at tahimik na sumama sa aking mga tauhan? Maraming katanungan tuloy ang pumasok sa aking isipan at kailangan kong malaman agad. Nang nasa na si Doc Glenn ay sinundo ko na ang mahal ko kasama sina Danna at Mommy Jean. Paglapag ng chopper ay mabilis akong bumaba at ang mahal ko ay masayang naghihintay. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap sumunod ng mainit na halik. "Handa ka na ba Mahal?" Tanong ko at masaya siyang tumango. Kinuha na ng aking mga tauhan ang konting mga gamit at sumakay na sina Danna at mga kambal sa isang chopper kasama ang kanyang biyanan at kami naman sa isang chopper kasama ni Mommy Jean. Maluha-luha si Mommy Jean na nagna-alam sa mga batang tinuruan niya at sa kanilang kapitan. Pagdating namin sa Manila ay dumeretso na kami sa kanilang bahay. Napangiti ako dahil nakalagay na sa wall ang kanilang larawan na buo at kuha pa ito sa Isla. Maraming larawan ang nakakabit at ang ngiti ni Senator ay kumikinang. "Tired Mahal?" Tanong ko sa aking asawa at inakbayan. "Gutom ako love." Sagot niya at napangiti akong dinala siya sa kusina. Sina Danna ay dumeretso sa bahay ng mga Ventura, si Mommy Jean ay dumeretso sa kanilang kwarto at baka nagpapahinga na rin. Wala ang Presidente sa bahay nasa office of the President siya ngayon. Sinamahan ko na rin ang aking asawa na kumain dahil panay subo niya sa akin. "Siya nga pala Love, ultrasound bukas masasamahan mo ba ako?" Tanong ng mahal ko na naglalagay na naman sa aking bunga-nga kaya hirap akong makapagsalita. "OO mahal, sasama ako." Sagot ko na puno ang bunga-nga ko. Pagkatapos naming kumain ay umkyat na kami sa kanyang kwarto. Samahan ko daw siya na matulog kaya habang nakahiga siya ng patagilid ay nakayakap ako. Sobrang laki ng kanyang tiyan, kahit libog na libog ako ay pinipigilan ako ang aking sarili dahil baka masobrahan ko at mapaanak ang mahal ko na wala sa oras. Kinabukasan ay sinamahan ko siyang magpa check-up. Sobrang excited akong malaman kung ano ang gender ng aming anak. Pagpasok niya ay pinahiga siya agad at nilagyan ng maraming Gel ang kanyang tiyan at ilang saglit ay nakikita na sa monitor ang mga bagay na hindi ko maintindihan pero ay naririnig ako na t***k ng puso ng sanggol na sobrang lakas. Naiiyak na ako sa kaligayahan at naiyak na ako ng sinabing kambal ang dinadala ng aking Mahal at dalawang lalaki pa ito. Sa sobrang kasiyahan ko ay mainit kong hinalikan ang labi ng aking mahal. Wala akong pakialam kung may mga tao sa paligid. kahit tumitikhim ang doctor ay hindi ko pinansin hanggang sa kinurot na ako ng mahal ko kaya huminto na ako sa paghalik sa kanya. Pulang-pula ang kanyang mukha at nahihiyang tumingin sa Doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD