Chapter 8

1341 Words
Greg (POV) May photoshoot ngayon ang mahal ko. Pinaghandaan kong mabuti ang araw na ito dahil napaka espesyal. Una akong dumating sa location para tignan kung safe ito. Ilang saglit lang ay nag sidatingan na ang mga crew, producer at director. Ang tema ng photoshoot ay isang diwata ang mahal ko. Excited na akong makita ang isusuot niya at handa na rin ang tent namin mamaya. I make sure na soundproof ang tent na binili ko. Napahaplos ako sa aking alaga na aligaga na naman. Ang mga cameramen's ay sinigurado ko na hindi mamanyakin ang mahal ko.. Kahit na ang damit niya ay hindi revealing ay alam kong kaakit-akit parin siya. Inilagay ko sa aking likuran na bulsa ang maliit na box na pinag-ipunan ko. Ilang saglit ay nag-umpisa na ang photoshoot niya at tama ang nasa isipan ko. Mukha siyang diwatang angel kaya mas lalong dadami ang mag aalok na naman na e endorso niya kung makita ang billboards niya na naka diwata. Mabilis na natapos ang photoshoot niya kaya patakbo akong lumapit sa kanya at lumuhod mismo sa tulay. Lahat ay nakatingin sa amin. Kinuha ko ang maliit na box mula sa aking bulsa at binuksan ito. "Mahal, will you." Sambit ko at hindi na niya ako pinatapos pa sasabihin ko. "Yes Love, I will marry you." Masayang sagot niya at agad niya akong niyakap na nakaluhod pa. Nagpalakpakan ang mga tao at kaya kinuha ko na ang sing-sing para isuot sa daliri niya. Pero dahil sa nanginginig ang daliri ko ay nadulas ito at nahulog sa tulay deretso sa ilog. Napasigaw ang mga tao at ako naman ay napa dive sa ilog na may kalaliman. Nag sialisan na ang mga tao habang ako ay naghahanap parin at nakabantay sa akin ang mahal ko. May mga tumulong sa akin pero, nawalan na sila ng pag-asa kaya umahon na lalo na at pagabi na rin. Napatingin ako sa mahal ko na naiiyak na naka-upo. Lumapit ako sa kanya " Please mahal, bili na lang ako ng bago. Huwag kang umiiyak." Sabi ko. Gusto ko siyang yakapin pero mababasa siya. "We have to go Mahal, mahirap ma abutan tayo dito ng dilim." Masuyong sabi ko. Tumayo siya at pinunasan ko ang luha niya gamit ko ang aking palad. "Love, your hand is freezing." Sambit niya at niyakap niya ako. "You will get wet mahal, I am okay." Sabi ko pero niyakap parin niya ako. Hinayaan ko na lang at dinala ko siya sa tent. Una ko siyang pinag buhis ng simpleng t shirt at pants. Pagkatapos ay nag bihis na rin ako. Palpak ang plano ko ngaun, napailing na lang akong niligpit lahat ang aming mga gamit dahil kinabukasan ay may flight kami sa ibang bansa. Sikat na namodelo ang mahal ko at may Fashion siya sa New York. Ang hirap lang ay naitaon na kaarawan pa ni Danna. Buti at naintindihan ni Danna na wala sina Abe at Senator sa kaarawan niya. Abe (POV) Malungkot ako na nawala ang sing-sing na bigay sa akin ni Greg. Mainis man ako pero naawa din ako sa bandang huli. Umuwi na kami sa bahay dahil kinabusan ay flight na namin. Dalawang linggo ang aming rehearsal at pagkatapos ay show na namin. Then next sa Italy at last na pagrarampa ko na, hindi ko pa sinabi kay Greg dahil gusto ko rin siyang sorpresahin. Gusto ko nang bumuo na kami ng pamilya lalo na at gusto na niya akong pakasalan. I stop using contraceptive para maka buo na kami. Pagdating namin sa New york ay sobrang pagod ako after rehearsal buti at lagi sa tabi ko Greg. Minamasahe niya ang aking paa after rehearsal. Pagkatapos ay ibang masahe naman sa aming hotel. Greg is unstoppable sa bed, humihinto lang siya kapag nakatulog na ako sa pagod. Buti at after lunch ang rehearsal namin kaya mahaba-haba din ang aking tulog. Kaarawan ngayon ng kapatid ko at tinawagan namin siya si Daddy na nandito na sa Newyork. Mamayang gabi na ang show namin. Masaya ako dahil kasama niya si Josh sa bahay bakasyonan niya. I bet Josh is well-prepared. Sinabi ko kay Josh na ako na ang magtatapat sa kapatid ko na hindi ko tunay na boyfriend si Josh pag-uwi namin. I want to personally see her reaction. Naging succeful ang aming show at makikita ko sa mukha ni Daddy na nanunuod how proud he is habang rumarampa ako. After ng show ay dalawang lalaking importante sa buhay ko ang nagbigay sa akin ng bulaklak. Sobrang saya ko dahil ngayon ko lang nakasama si Daddy sa lahat ng achievements ko sa buhay. After sa New-york ay lumipad kami papuntang Italy, halos tatlong linggo kami at kasama namin si Daddy. Ang ilang taon na hindi ko kasama si Daddy ay napunuan niya. Ang malungkot ngalang ay hindi namin kasama si Danna dahil may pasok siya. Pagkatapos ng last na show namin ay nagshopping ako ng ipapasalubong ko sa aking kapatid pero laking gulat ko ng sinabi sa amin ni Josh na naglayas si Danna. Daddy made a decision to go back in the Philippines lalo na at isang linggo nang nawawala ang kapatid ko. Galit na galit kami ni Daddy kay Josh sa paglalayas si Danna dahil may s*x scandal sila sa sasakyan, Hindi man sila kita sa loob pero kita ang pagpasok nila at paggalaw ng sasakyan na may ginagawa sila. "We don't blame everything on Josh," Sabi ni Greg. "Why? Kung sana ay naging maingat siya ay wala silang scandal at sasakyan pa." Inis na sabi ko. At tinitigan ako ni Greg, napakagat labi ako dahil kahit pati kami ay ginagawa din namin, kaya tumigil na ako kakasalita. "Mahal, remember hindi pa alam ni Danna na wala talaga kayong relasyon ni Josh. What do you think she will feel and think kung makita mo ang Video nila." Mahinahong sabi niya at napa-isip ako. Now I feel sorry sa pagsigaw ko kay Josh. Agad ko siyang tinawagan at humingi ng paumanhin. Tinanong ko kung may balita na siya sa kapatid ko at malungkot ako sa sinabi niya na wala pa raw kaya pinatay ko na ang telepono. Ilang buwan ang nakalipas at wala parin kaming balita sa kapatid ko ang pinagtataka ko kay Daddy ay lumaban pa talaga siya sa pagka Presidente and Josh for Senator. Paano na ang kapatid ko? Agad kong kina-usap si Daddy about kay Danna. "Daddy, mas importante pa ba sa inyo ang pag pupulitika kaysa mahanap ang kapatid ko?" Galit na sabi ko. "Mahalaga ang kapatid mo sa akin, kayong dalawa. She is safe at huwag kang mag-alala." Sagot niya at niyakap ako. "I want to see her Dad, alam na ba ito ni Josh?" "No, better na hindi niya alam at hindi mo din alam kung nasaas siya para malito ang mga kalaban ko. Remember anak, buhay pa ang pumatay sa Mommy mo and kung maging Presidente ako ay mas malaki ang posibilidad na mahanap ko ag pumatay sa kanya." Sabi ni Daddy na naiiyak. Pati ako ay na iyak narin dahil kahit may edad na ako ngayon ay hinding-hindi ko makalimutan ang nangyaring trahedya noon when I was a kid. Naging busy ang Daddy at Josh sa mga campaign nila. Greg is my Dad's Bodyguard kaya laging nasa bahay lang ako. I quit already my modeling career para makabuo na ng pamilya. Pero sa ngayon ay hinahayaan ko na muna na tumulong si Greg kay Daddy. Lalo na at may nagtangka na barilin si Daddy buti at nahuli ito agad pero nagpakamatay din sa kalaunan kaya hindi niya nasabi kung sino ang nag-utos sa kanya. Dad is right, sa pag takbo niya bilang Presidente at lumalapit sa kanya ang kaniyang mga kalaban. I hope na hindi siya mapapahamak lalo na at nangangapa parin kami kung sino ang kanyang tunay na kalaban. Na mi miss ko na ang kapatid ko na laging sa kusina at tinatanong kung anong ulam. Yung lagi niyang pagkuha ng ice cream sa fridge, yung kumakain kami at tinatanong na naman kung anong uulamin sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD