NAGISING akong mag-isa na lang sa loob ng kuwarto, at para akong binugbog dahil sa sobrang pagod. Nang bumaba ako ng kama ay muntik pa akong matumba dahil sa panghihina; parang nawalan ng buto ang mga tuhod ko, at ang sakit din ng p********e ko, ramdam ko ang pagkirot nito. Napatitig pa ako sa bahid ng dugo sa puting bedsheet, tanda na naibigay ko na nga ang p********e ko. Ang iniingatan kong p********e na para lang sana sa magiging asawa ko ay wala na. Oo, naibigay ko nga sa asawa ko pero sa fake husband naman at masama pa ang pag-uugali, sindikato pa. Pero hindi na rin masama, kung tutuusin ay swerte ko na rin dahil one billion naman ang kapalit, 'yun ay kung babayaran nga niya ako tulad ng pangako niya. Pero aminin ko man o hindi, nag-enjoy ako sa nangyari sa amin. Hindi ko alam na gan