PAGABI na, nakabuhay na ang mga streetlights sa bawat highway pero hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ang sasakyan. Wala na kami ng Makati, kung hindi ako nagkakamali ay nasa Tagaytay na kami. Hindi ko alam kung saan ba ako talaga dadalhin ng Oliver na 'to, ayoko nang magtanong pa dahil hindi rin naman niya sasabihin sa akin, at baka iputok na lang niya sa akin bigla ang baril niya kapag nainis siya sa akin, kaya pinili ko na lang manahimik kahit kinakain na ako ng takot at kaba sa isipin na baka papatayin na niya nga ako. And after a long drive, the car finally stopped. Pero hindi ko mapigilan ang magtaka nang makitang pumasok kami sa isang beach resort at huminto kung saan may mga taong nakaupo na tila ba may hinihintay, at lahat sila ay naka-suit. Puro mga lalaki lahat, wala akong maki