PAKANTA-KANTA ako habang naghahain ng pagkain para sa almusal. Maaga akong nagising ngayon para lang maipagluto ang dalawa kong kapatid, dahil balak ko ring pumunta ng salon para magtrabaho buong maghapon. “Goodmorning, little princess! Nagluto si ate ng favorite breakfast mo!” masigla kong sabi nang makita ang pagpasok ng bunso kong kapatid kasama ng kaibigan kong si Mia na siyang may tulak sa wheelchair nito. “Wow beshy, may fried chicken at bacon! Paborito ko rin ang mga 'yan!” excited namang sabi ng kaibigan ko nang makita ang mga nakahain. Agad itong naupo matapos ilapit ang wheelchair ni Aya. Napangiti ako. “Well, buti na lang sinipag ako ngayon magluto kaya pasalamat ka sa akin at naisipan kong magluto ng paborito mong fried chicken kahit umagang-umaga.” “Okay, dear beshy, than