Liam POV
pinapanood kong natutulog ang prinsesa
Kaninang sinusugod ko sya ay parang hindi ko sya nakikitaan ng anumang takot
Ganun ba talaga ang maharlika?
Ginagawa namin ito kapalit ng kalayaan ng aming partido
Masasama kami tao
Magnanakaw
Basagulero
Magugulo
Mga tipikal na naririnig namin sa mga tao
Pero hindi naman talaga kami dating ganun
Hinubog lang kami ng kahirapan
Ang ama at ina ko ay naka kulong sa dungeon
Simula maliit ay hindi nila ako pinabayaan
Kaya hindi ko rin sila hahayaang makulong.
Mayamaya lamang ay unti unti ng dumidilat ang prinsesa
Kasalukuyan kami naglalakad ng mga kasama ko kasama ng kabayong sinasakyan ng prinsesa
Sinenyasan ko silang huminto muna
Pagmulat ng kanyang mata ay tila ba pilit nyang inererehistro kung nasaan nga ba sya
Nasa labas ka ng palasyo
Kung gusto ko mang sabihin iyon ay hindi ko masabi
Dahil unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at tila ba
Ang gandang pagmasdan
"I am shock, is this place is true "
"Binibini maari bang magtagalog ka"
" oh sorry, ay mali ahmm paumanhin, nasaan ba ako, nasa labas ba ako ng palasyo? "
Sinabi nya yun at walang anu ano ay bumaba sya ng kabayo ng walang kahirap hirap
Kakaiba
"Dinukot ka namin, mga tulisan kami"
"Halata nga "
"Bakit ka pa nagtatanong"
Nakakainis to
Binigyan nya ako ng nanunuyang tingin
"Eh malay ko ba kung nananaginip ako"
"Bat mo naman mapapaginipan ang labas ng palasyo eh puro pasakit dito"
Unti unti nya akong tinignan
"Para sayo ay pasakit ito, pero para sakin ay parang pwede na akong mamatay bukas dahil natupad ko ang pangarap ko"
Pabulong na pabulong na sabi nya
"Ewan ko sayo"
"Teka saan ang tungo natin, nagagalak na akong makapunta sa ibang lugar"
"Umayos ka ng iyong galaw binibini hindi ganyan ang pagkakaalala kong galaw ng isang prinsesa"
Hinarap nya ang isa naming kasamahan na nagsabi nun sa kanya at humawak sa kanyang bewang ang dalawa nyang kamay
"Pati ba naman dito ay bantay sarado ako, dinukot nyo na nga ako babantayan mo pa ang mga galaw ko tss namumuro ka na"
Parang siga nya yun na sinabi at saka waring tinataas ang manggas ng kanyang damit
Napamaang na lamang ang mga kasamahan ko at maging ako ay nagulat
Diba dapat syang matakot dahil dinukot namin sya
Maari nyang ikamatay itong gagawin namin
"Para sayo ay pasakit ito, pero para sakin ay parang pwede na akong mamatay bukas dahil natupad ko ang pangarap ko"
"Para sayo ay pasakit ito, pero para sakin ay parang pwede na akong mamatay bukas dahil natupad ko ang pangarap ko"
"Para sayo ay pasakit ito, pero para sakin ay parang pwede na akong mamatay bukas dahil natupad ko ang pangarap ko"
"Para sayo ay pasakit ito, pero para sakin ay parang pwede na akong mamatay bukas dahil natupad ko ang pangarap ko"
Nagpaulit ulit ang mga sinabi nya kanina sa isipan ko
Maaari na syang mamatay dahil nakalabas sya ng palasyo nahihibang na ba sya
"Ano tutulala nalang ba kayo, tara na san nyo ba ako dadalhin, bilisan nyo naiinip ako"
----
Princess kath POV /A.K.A amasonang prinsesa
"Wala ba kayong pagkain dyan nagugutom na ako"
"Wala kaming pagkain manahimik ka dyan"
"Hoy kayo, dudukotdukotin nyo ako at dadalhin dito tapos wala kayong ipapakain sakin, hoy para sabihin ko sainyo obligasyon nyo yun"
Mga baliw pala to eh mang kikidnap tapos walang ipapakain sakin
" hindi nanamin iyon obligasyon prinsesa"
"Abat sumasagot ka pa"
Duduro duro kong sabi sakanya
"Kung hindi nyo ubligasyon iyon edi sana nagsabi kayo sakin na dudokutin nyo ako edi sana nakapagdala ako ng pag kain"
Agad silang nagbulungan
"Oo nga noh"
"Bugok"
"Tama nga naman "
"Dapat pala nag sabi tayo edi sana may pagkain rin tayo ngayon"
"Oo nga gutom na rin ako"
"Manahimik nga kayo kung sinabi natin na kukunin natin sya at papatayin satingin nyo ay sasama yan gunggong"
"Edi sabihin natin kukuhanin lang natin sya pero hindi papatayin"
"Hunghang"
"Wag na kayong magtalo"
Sabi nung masungit
"Nililinlang lang tayo nyan tara na at magtuloy na sa pag lalakad"
Klurp/*klurp/*
Agad akong napahawak sa tyan ko para pigilan ang tunog na iyon pero huli na
Agad silang nagsipag tinginan sa gawi ko na para bang nagugulat
" bat kayo nakatingin hindi ba kayo nagugutom, alam nyo bang nangangain ako ng tao pag nasobrahan sa gutom rawr"
Umasta akong kakainin sila pero natawa na lamang sila
Tss palibhasa mga abnoy