Seven

1369 Words
"Kailangan ko pa bang mag gym para mag work out tayo?" "Ha" "Gustong-gusto ko yung taong kahit hindi ako perpekto, Kung mahalin ako ay Buong-buo." Dagdag na biro ni Candy sa binata. Eh kaso lutang pa rin ito kanina pa simula ng magkita sila, makalipas ang isang buwan. "Ha" "Isa pang 'Ha' mo, Hahalikan na kita dyan! "Ha" Sa isang kisapmata lang ni Eruto nasa harapan na nya agad si Candy at titig na titig ito sa mga mata nya. "Ha! Hoy.. Hoy... Teka lang Candy! Sandali naman, hoy! Ba't ang bilis mo? kanina nandun ka ah, pero kumurap lang ako saglit nasa harapan na kita agad? Panu mo nagawa yun ha?" Nakangising mas lalo pang inilapit ni Candy ang mukha kay Eruto. Magkadikit ng mga tungki ng ilong nila. Nanlalaki naman ang mga mata ni Eruto na napaatras para magkaroon sana ng distansya ang mga mukha nila, pero pumulupot ang mga braso ni Candy sa kanyang bewang kaya hindi natuloy ang balak nya. "Candy..." Pabulong nyang sabi habang titig na titig sa mga mata ng dalaga na tila may apoy na gustong kumawala dun. Napalunok si Eruto sa kabang nararamdaman. At ng ngumiti si Candy napaawang ng bibig nya ng makita ang ngipin nito at masilip ang dalawang pangil nito. "C - Candy, anuka ba talaga! Totoo bang isa kang mangkukulam? Pakiusap sabihin mo na sakin ang totoo mong pagkatao!" Napapikit na lang si Eruto ng dahan dahan syang yakapin ni Candy. "Totoo Mahal ko! Isa akong puting mangkukulam.. Matatakot kana ba sakin ngayon? Iiwasan mo na bako ngayon?" Malalalim ang paghinga ni Eruto, nararamdaman nyang mainit na pagdampi ng hininga ni Candy sa kanyang tenga, sumasakit na ang ulo nya kakaisip ng mga nangyayari ngayon. Nalilito sya sa bilis ng mga pangyayari. Wala syang maisagot kay Candy kaya nanatili lang syang nakapikit habang yakap pa rin sya ng dalaga. Nakikinig lang sya sa mga sinasabi nito. "Wag naman sana Mahal ko, kasi kaya kong talikuran ang lahat ng meron ako, wag ka lang mawala sa piling ko! Kaya pakiusap manatili ka sa tabi ko Eruto!" Nabaghan si Eruto sa narinig na mga salita mula kay Candy, nagkaroon sya ng lakas ng loob para magtanong pa ulit dito. "C - Candy bang totoo mong pangalan o gawa gawa mo lang?" Kahit nag aalinlangan sa magiging reaksyon ni Eruto, di talaga makapag sinungaling si Candy sa binatang itinatangi...kaya natagpuan na lang nyang sarili na nagtatapat dito. "Ixoe ang totoo kong pangalan, isa akong Heneral sa kaharian ng Umbra, Nanggaling ako sa mundo ng Engkantadya, kung saan naninirahan ang lahat ng engkantong kagaya ko. Isa akong diwata Eruto, isang diwatang puti na mangkukulam. Ang Ama ko ay isang puting mangkukulam at ang aking Ina naman ay isang diwata." Napabitaw bigla si Eruto sa pagkakayakap kay Candy at kaagad syang dumistansya dito. Kinikilabutan sya sa mga pinagtapat ngayon ni Candy sa kanya. Diyatat totoo ngang pinagsasabi ni Griffin sa kanya! At kaya pala walang mahanap na impormasyon ang kaibigan nya tungkol kay Candy dahil hindi naman pala ito tao kundi isang uri ng engkanto. "Eruto!" Tawag ni Candy sa pansin nya at akma itong lalapit sa kanya pero pinigilan nya ito. Nanginginig ang buong katawan nya , hindi lang sa takot kundi sa kalituhan. At yun ang nakita ni Candy sa mga mata nya ang halo halong emosyon na hindi nya mapigilan at makontrol. Nakita nya ang pagpatak ng mga luha nito na agad nitong ikinubli sa kanya, tumalikod na ito at humakbang palayo.. "Candyyy...." Tawag nya dito pero hindi na ito lumingon pa, tila wala na itong naririnig na kahit si Sundae na nakabanggaan nito patungo sa exit ng gym hindi nito napansin. "Ganda! Oy san ka pupunta? Tapos kana bang mag gym ha? Hoyyyy.. Candyyy..." Nakita nyang hinabol pa ito ng ka business partner nyang si Sundae. Napaupo na lang sya sa lapag at napasabunot sa kanyang buhok.. Napaluha sya ng maalala ang umiiyak na si Candy lalo ng gumuhit na sakit sa mukha nito. Panu na ngayon? Ano ng gagawin nya? Nagsisimula pa lang sila pero parang matatapos na agad? Makakaya pa ba nyang balewalain at alisin sa sestema nya si Candy? Biglang kumirot ang puso nya na agad naman nyang sinapo ang dibdib at tinapik tapik ito, nagbabaka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman nito. Pero hanggang sa mamanhid ng mga kamay nya kakatampal sa dibdib wala pa ring nagbago, ramdam pa rin nyang sakit. Hanggang sa napasigaw na lang sya ng dina mapigilan pa ang halo halong emosyong nararamdaman nya. "Ahhhhhh..." Lahat ng tao sa gym nagulantang ng marinig ang sigaw ni Eruto. Lahat napatingin sa kanya pero ni isa walang naglakas loob na lumapit. Dahil kilala na sya ng lahat, mabait, maloko, at baliw man sya pero kapag ganitong seryoso at tahimik alam nilang di nila kayang hawakan ito. Saka kapag saradong utak nito at masyadong emosyonal namamaril na lang basta ito. Siguradong sementeryo ang bagsak mo kapag natamaan ka ng bala, dahil isang sniper lang naman si Eruto. "Yow everybody! Where's Eruto?" Narinig nyang boses ni Griffin na kapapasok lang ng gym, hindi sya umimik nanatili lang syang nakayuko. Walang pumapasok na sulosyon sa isip nya kung anong tamang gawin para sa kanilang dalawa ni Candy. Isang pares ng sapatos ang nakatayo na ngayon sa harapan nya. "Bro, what happened?" "Candy happened Bro! Anong gagawin ko ngayon?" Pabulong nyang sabi saka napasabunot na naman sya sa kanyang buhok. "Ibig sabihin ba nito, alam mo ng totoo? Na may katotohanan ang research ko tungkol sa babaeng yun?" Tumango sya saka hinugot ang panyo sa bulsa at pinunasan ang buong mukha nya. Pagkatapos ay tumayo na sya't tumalon talon. "Wooo..." Ng medyo gumaan ng pakiramdam nya tinapik nito si Griffin. "Let's go Bro! Tulungan mokong hanapin si Candy!" "May bayad ang serbisyo ko!" Naiiling na lang si Eruto habang malalaki ang hakbang palabas ng Gym, nakasunod naman dito si Griffin na nangungulit sa bayad nya. " Oo na, babayaran na kita kahit magkano pa yan, basta mahanap lang natin si Candy, kaya bilisan mo na." "Mahal ang serbisyo ko Bro, lam mo yan!" "Hays! Tutulungan mo bako o hindi ha!" "Syempre tutulungan, may bayad e hehe." "Tsss.. Ang yaman mo naman pero ba't nangungutong kapa samin ha? San mo ba dinadalang mga nakokolekta mo samin?" Ngumiti ng makahulugan si Griffin... "Secret hehehe." "Baliw! Bilisan mo na nga maglakad, di kita babayaran kung ganyang ang kupad kupad mong kumilos." Nagkandatalisod na si Griffin kakamadali para makasabay lang sa paglalakad nya. Nakasalubong pa nila si Sundae na papasok naman ng Gym. Dipa nga sya nagtatanong nagsalita na ito ng magkatapat na sila. "Wala na sya Eruto! Dina sya babalik dito kahit kelan." Malungkot ang mukhang iiling iling pa itong nilampasan na sila at nagpatuloy ito sa paglalakad papasok ng gym. Hinugot nyang celpon sa bulsa ng pantalon saka tinawagan si Aeris. Naiinip nyang hinintay na sagutin nitong tawag nya at ng may sumagot kahit na dipa nag hello ay nagsalita na sya. "Aeris si Eruto 'to, paki track naman ng location ni Candy Mur please!" "On it!" Walang maraming tanong, yun lang nasabi ni Aeris sa kanya. Naglakad na sila ni Griffin patungo sa nakaparada nitong sasakyan. Pagkaupong pagkaupo nila kaagad na nag ring ang celpon nya. Ni loud speaker nya yun bago sinagot. "Bro, nahanap mo na bang exact location nya?" Kaagad nyang tanong kay Aeris. "Nope! Sure ka ba sa identity na binigay mo sakin?" "Bakit?" "Well! Wala syang data at kahit anong track ko sa mga data's about Candy Mur isa lang lumalabas." "No specific data ba?" "Exactly! Natumbok mo Bro." "Thanks Aeris!" "No worries.. Bye." Nanlulumong pinatay nyang tawag saka nilingon si Griffin na abala sa celpon nito. "I heard loud and clear Eruto, now drive going to tagaytay? "Huh Why?" "Just drive! if you want to see that woman." Nanlalaki ang mga mata nya ng ma realize ang sinabi ni Griffin. "T - Talaga! Nahanap mo sya? Panu? Anong ginawa mo? B - bakit si Aeris na pinaka magaling nating tracker nabigo ba't ikaw? Ikaw pa talagang nakahanap sa kanya? Wow singkit, the best ka talaga!" Nagkakandautal utal nyang tanong dito. "Oh! Yeah!! So, what are you waiting for? Let's go..." "Alrightttt..." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD