life is life
" gurlllll... aba gumising ka na diyan at ma late na tayo ano ka ba naman babae ka." Victoria my human alarm clock 6 am palang eto na at nag bubulabog na ang bakla.
" eto na gigising na ang grabe ka baka pati kapitbahay natin nagising dahil sa lakas ng boses mo." tamad na sagot ko rito. eto nanaman kami gigising mag trabaho at sa gabi mag trabaho parin uuwi para matulog ng tatlong oras.
dumiretso ako sa banyo at naligo 30 minuto lang ang tinagal ko sa banyo at lumabas na nakabihis na rin ako pamasok kaya bumaba na ako. nakita ko si bakla na kampante nakaupo at kumakain na ng agahan.
"rine alam mo ba dumating na ang anak ng kapit bahay natin at mmmm panalano." sabay tapik nito sa baba na ibigsabihin ay my itsura gwapo/ maganda
" ikaw talaga victor puro trabaho na nga tayo naisingit mo payang anak ni aling marta" napairap ako habang sumisimsim ng kape.
" wow ha! maka Victor wagas its Victoria my dear rine isa pang tawag sakin ng victor tutuhugin kita ng tinidor" nag babanta itong nakatingin sakin.
" bilisan mo nalang dyan at ng makaalis na tayo maya diyan traffic nanaman." tipid kong sagot rito.
eto at handa na kami sa pakikidigma para makasakay ng bus. " lagi nalang nakikipag digma". bulong ng isip ko.
pag dating sa cream de cafe ay agad na kaming kumilos marami naring customer kaya abala ang lahat.
" rine coffee for VIP toka mo yan kaya no choice ka bilisan mo din at marami ka pang gagawin dito wag ka na tumambay sa taas." si ms minchin talaga alang ka kupas kupas "char lang".
hindi na ako nag kumento pa agad na akong sumunod sa utos nya.
habang nag aantay na bumuka ang lupa chuse! bumukas pala ang elevator ay panaka naka umiikot ang mata ko di para humanap ng pogi kundi tignan ang mga kilos at attire ng mga impleyado. pinangarap ko din naman mag suot ng ganyan yun nga lang hindi pinalad.
at sa wakas bumaka este bumukas din ang elevator.
ang elevator man oh diba bongga genern.
" san ka miss beautiful"
" sa heaven po" biro ko kay kuya aris na suki na ata ako ng elavator na to at kilalang kilala na ako.
" ikaw talaga rine gumaganda ang araw ko pag nakikita kita." balik biro nito sakin
" ikaw talaga kuya aris kulang lang yan sa kape hayaan mo mamaya i lilibre kita." syempre papatalo ba tayo sa biruan.
welcome to heaven dahil pag bukas palang ng elevator kitang kita mo na ang rangya ng gamit ng vip office. parang hindi siya office isa syang bahay magandang bahay.
" hi ms emma coffee for vip po" saad ko sa medyo may idad na secretary ni siñior gascon.
" sege rine pumasok ka na at kanina pa yan inaatay." naka ngiti nitong sagot saakin.
nag lakad na ako patungo sa malaking pinto at kumatok ng tatlong beses bago pumasok.
bumungad saakin ang dalawang tao na kinauutangan ko ng kalahit ng aking buhay ayyy di lang pala ako pati narin si victor.
sina siñiora ezmiralda at siñior geraldo.
sila lang naman ang pumulot samin sa tabi ng basurahan. opo literal na basuran nadaan nila kami na nangangalkal ng basura at nag titingin ng makakain sa basurahan. pareho kami ni victor na napabayaan ng mga magulang.
si victor ay nakulong ang mga magulang nasangkot ito sa ilagal na gawain kaya naiwan sya sa lansangan.
ako naman ay bunga ng malulupit na magulang lagi akong binubugbog ng nanay ko ang ama ko naman ay lasingero. pinag titinda ako ng sampagita sa simbahan at kahit puro pasa ay wala akong magawa dahil sakit sa katawan lang ang aking mapapala kung akoy walang maiuuwi na pera.
si victor ang tumulong saakin makatakas ng balak ng aking ama na ibenta ako sa sindikato. kaya napadpad kami kung saan saan hangang sa tinulungan nga kami ng mag asawang gascon pinag aral at binigayn ng maayos na tirahan.
na ngako kami ni victor na kahit ano ang hilingin sa amin ng mag asawa ay gagawin namin dahil sa mahal na namin ang mag asawa na parang magulang.
" good morning po siñiora," matamis na ngiti ang i binigay ko sa kanila ngiti na walang halong ka plastikan.
" coffee po para sa love birds ng taon".
" ikaw talaga rine ayan nanaman yang tawag mo saamin" kinikilig na saad ni siñiora.
kung may forever man sila na yon...
bumaling ako kay siñior na matamang naka titig saakin. na pa kunot ako ng nuoo dahil sa pag ka siryoso nito.
" rine maupo ka may mahala kaming sasabihin sayo. at sana mapag bigayan mo kami."
kaba ang bumalot sa aking dibdib my god eto na po ba sisingin na po ba nila kami...
habang inaantay ko ang sasabihin ni siñior ay napatingin ako sa siniora na nasakin tabi. kinakabahan talaga ako dahil madalang ko sila makita na ganito kasiryoso.
" rine alam at alam mo na napalapit ka na saamin mag asawa. sa haba ng panahon na nasa puder ka namin ay nakilala ka namin ng husto napalaki namin kayo ni victor ng maayos at alam ko sa disisyon namin ngayon mag asawa ay makakabuti ito sa lahat."
mahabang paliwanag ang iginawad ng siñior.
bago ako lumabas ay niyakap pa ako ng siñiora binigyan ako ng makahulugang tingin at ngiti.
natapos ang duty namin sa cafe.
nag hahanda naman kami para pumasok sa brix. opo tama kayo ng basa dalawa po ang work namin ni Victoria wala kaming pamilya pero kung kumayod kami ay para kaming kalabaw. nag iipon para makapag patayo kami ng maliit naming negosyo kung sakali hindi sa wala kaming utang na loob na basta nalang aalis sa cafe na pag mamay ari ng siñiora. kundi dahil kami ay may pangarap din.
" rine... rine... rine...
virgin!!!! sigaw sakin ni Victoria
" hu ?" bumalik ako sa ulirat ko marinig ko ang sigaw nya..
" lalim ha asan ka na nakapunta ka na ba sa ibang planeta..??"
"may iniisip lang ako.?
" ano nanaman iniisip mo yung nanay at tatay mo.? gurl wag na pls lang lalo na ngayon ganyan ka kaganda baka ibenta ka na nun sa kasa ng mga chukchak".
"hindi naman yun ang iniisip ko."
kahit tapos na kami mag usap ay ganun pa din ang nasa isip ko.
bartender si victoria sa brix at ako vocalist ng regular na banda dito. minsan sideline ng bartender ohh diba rakitera kami ni bakla
pinilit kong malibang at akupahin ng trabaho ang aking isipan.
" bahala na si batman sa aking kapalaran". bulong ko sa sarili may ilang araw pa naman ako.
habang nakatitig sa kisema ng aking silid.
----JADEN
hindi maipinta ang mukha ko habang nasa upisina ako ng aking ama.
" dad i said no its a big NO hindi ko kilala yang babae na yan at pwede dad ako ng bahala sa ganyang bagay."
" jaden son try to understand what your dad saying its for your own good."
" mom pati ba naman ikaw.?"
hindi na talaga ako makapaniwala sila na nag papasya ngayon para sakin.
"dad look pinatunayan ko na lahat sa inyo negosyo im successful in business world malapit ko na nga kayong matalo."
pag mamalaki no pag mamayabang ko dito.
" thats final jaden i wont accept your BIG NO!"
" dad please, mom" tumingin ako sa mommy ko na halos may pag mamakaawa sa mga mata ko ano bang dapat kong gawin para mapabago ang disisyon ng aking ama.
matamlay akong lumabas ng office ni dad hindi ko na alam eto na ba talaga ang katapusan ng kaligayahan ko.