Chapter 25 CARMELLA… NANGINGINIG ANG buo kong kalamnan, maging ang mga kamay ko nanginginig. Hindi ko alam kung dala ng galit o kung anong dahilan, hindi ko talaga alam. Mula sa event na tinakasan ko kanina, hanggang ngayon na mabilis akong naglalakad palabas ng airport hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari. “Wild flower,” salubong sa akin ni Minard at Nathalie. Hindi ko sila pinansin at deretso lang ako sa sasakyan na dala nila. Ni hindi ko sila hinayaan na sumakay sa sasakyan at basta ko na lang pinaharurot ito. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis o matutuwa na lang kaya ako sa mga nalaman ko. For the past five years of being married to Napoleon, ni sa hinagap hindi ko naisip na may lihim siyang ganito. Hindi ako magmamalinis, kasi alam ko at aminado ako na may tinata