KEYLA
Lagpas tanghali na ay hindi pa rin siya bumabalik sa kuwarto ko. Nakatulog na nga ako ng ilang oras kanina pagkatapos tahiin ang sugat ko. Hindi naman sa ina-antay ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit panay ang tingin ko sa orasan. Simula kanina hindi na siya bumalik. Parang ayaw ko na tuloy maniwala kay Doc Alvin na kinilig nga siya sa sinabi ko kanina.
Parang nakakaramdam ako ng inis na hindi ko alam kung saan nangangaling. Naiinis ba ako dahil hindi niya ako dinadalaw dito o naiinis ako dahil hindi tumalab sa kanya ang pagpapabebe ko kanina?
Hmp! Kapag hindi pa rin siya nagpakita sa akin maghapon ay hindi ko na siya kakausapin! Hindi man lang niya sinilip kung buhay pa ako! Tapos nagwalk-out pa siya kanina!
Pagkatapos ‘kong magtanghalian kanina ay wala pa rin siya. Hindi ko pa rin nakikita ang masungit niyang mukha.
Hangang sa malapit nang magdilim ay talagang hindi pa rin siya pumapasok sa kuwarto ko. Nakakabagot kaya mag-stay dito wala naman akong puwedeng kausapin kundi ang mga gagambang bahay sa labas ng terrace! Nanawa na din ako sa kakatingin sa overlooking na tanawin kaya nagpasaya akong mahiga na lamang ulit sa kama.
At dahil mainit na ang ulo ko nagtalukbong ako ng kumot. Ayaw niya akong kausapin Puwes! Bahala siya sa buhay niya!
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagpihit ng seradura. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pigil ko ang aking pahinga sa mabigat na yabag niya.
“Kumain na po kayo Miss.” Narinig kong boses ng babae. Siya din ang tumulong sa akin na magpalit ng damit.
“Ayoko, ibalik mo na yan wala akong gana.” Nagmamaktol na reklamo ko sa kanya. Akala ko pa naman ay si Thiago na ang pumasok. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko.
“Sinabing ayo—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pagbaba ko ng kumot ay mukha ni Thiago ang bumungad sa akin. Ma-aliwalas na mukha siyang nakatingin sa akin. Sa tingin ko bagong ahit siya kaya wala na ang maliliit at papatubong bigote niya.
“Bakit ayaw mong kumain?” Tanong niya sa akin sa seryosong boses niya. Sinimangutan ko siya at tumalikod ako sa kanya.
Kapal ng mukha pagkatapos akong hindi puntahan dito ng ilang oras susulpot kung kailan wala na ako sa mood mag-antay?
“Ayoko eh!” Nakangusong sabi ko at nagpikit-pikitan ako para hindi na niya ako kulitin.
“Galit ka ba? I’m sorry.” Sambit niya.
Naku Keyla! Wag kang lilingon! Hayaan mo siya!
“May pinuntahan ako kanina kaya hindi ako nakapunta dito.” Paliwanag niya.
“Eh ano naman? Hindi naman kita inaantay?”
Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya sa dismayadong sagot ko.
“Baby, wag ka nang magalit. I’m sorry na. Let’s go downstairs, nagpahanda ako ng dinner para sa ating dalawa.”
Baby daw? Kapag ganito na siya magsalita parang ang sarap sa pandinig ko.
“Kapag hindi ka tumayo diyan bubuhatin kita pababa.” Banta niya sa akin. Pero imbis na matakot ay natatawa pa ako sa loob-loob ko.
“Ayaw mo talaga?”
Hindi pa rin ako kumikilos at naramdaman ko na lang ang kamay niya at ang unti-unti kong pag-angat mula sa kama.
Pinangko niya ako sa matigas niyang dibdib. Hindi pa rin ako dumidilat at hinahayaan ko siya. Naramdaman ko ang pagbaba namin sa hagdan. Tapos ilang mahabang hakbang pa ay tumigil na kami. Hindi na lamig ng aircon ang nararamdaman ko kundi malamig at sariwang hangin.
“Were here.”
Inupo niya ako sa malambot na upuan kaya napadilat ako.
“Nasaan tayo?”
Nag-ikot ako ng tingin. Nasa harapan ko ang isang fine dining set-up na may mabangong steak sa plato. May wine din at may puting kurtina sa itaas na gumagalaw dahil sa hangin. May maliliit na ilaw din at may mga bulaklak pa. Para kaming nasa loob ng arc. Habang tanaw ang bangin kung saan kita ang mga nagkikislapang ilaw mula sa malayong syudad. Para silang mga alitaptap sa isang puno sa dami.
Nabalik ang tingin ko sa kanya nang umupo siya sa harapan ko. Lalo siyang gumuwapo sa suot niyang dark long sleeve polo na nakatupi sa kanyang siko. Samantalang ako, mahaba at makapal na night dress pa din ang pinasuot sa akin pagkatapos ‘kong maligo kanina.
“For you.”
Inabot niya sa akin ang isang kumpol ng rose na kinuha niya sa tabi niya. Kinuha ko ang bulaklak at bahagyang inamoy.
Mabango!
“Ano ‘to? Pambawi mo sa akin?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.
“Hindi, I just want a date with you.”
“Date? Ganito suot ko?”
Inangat ko pa ang mangas ng damit ko para ipakita sa kanya.
“Hindi pa dumarating ang pinamili ‘kong mga damit kaya pagtiyagaan mo muna yan. Tomorrow nandito na yun. Let’s eat, I’m already hungry.” Wika niya. May panibagong kalokohan na naman akong naisip.
“Parang may gusto akong kainin.” Itinuro ko pa ang hintuturo ko sa aking baba at kunwari’y may ibang iniisip.
“Anong gusto mo? Ipapaluto ko agad.” Sambit niya. Ang bait talaga kapag may kasalanan.
“Parang gusto ko yung mahaba at matabang….”
Kinagat ko ang ibabang labi. Habang nang-aakit na tumingin sa kanyang mga mata.
“Ano?” Tanong niya na parang hindi alam kung ano ang nais kong iparating.
Bumagsak ang balikat ko dahil hindi niya na-gets yung joke ko. Ang hirap pala pag may kasama kang slow. Mauutas na ako sa loob-loob ko pero seryoso niya lang akong titignan at tatanungin.
“Sabihin mo na para makapagpaluto ako.” Ulit pa niya. Green minded talaga ako kaya palagi akong sinusupla ni Nara kapag umiiral na naman ang kalokohan ko pero kahit ganito ako wala pang ibang lalaki ang nakakahawak maski sa kamay ko. Itong nasa harapan ko palang at hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya. Kahit alam kong mysterious ang pagkatao niya. Wala pa rin naman siyang alam sa pagkatao ko kaya quits lang kami.
“Gusto ko kasi kumain ng malaki at matabang Hungarian sausage baka meron dito?”
Umiling siya sa akin.
“Wala kami noon. Bukas magpapabili ako kung yun ang gusto mo.” Seryosong sagot niya. Hindi man lang nakakuha ng clue.
Kinuha niya ang plato ko at hiniwa niya ang rare cook na steak. Pagkatapos ay inabot niya sa akin.
“Kumain ka na.”
Haist! Wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa unang subo ko pa lang ay nalasahan ko na ang sarap ng karne. Pero siya naubos na agad niya ang kanya at umiinom na lang siya ng red wine.
“Nasan si Harvey?” Usisa ko na ikinakunot ng kanyang noo.
“Why? Ako ang nasa harapan mo pero ibang lalaki ang hinahanap mo.”
Serious mode na naman siya ngayon. Mamaya niyang lalabas na naman ang pangil at aangilan na naman ako. Tsk! Hindi ko pa sinasagot napaka-possessive na paano pa kung maging kami? Baka lahat ng lalaking tumabi sa akin ay pagselosan na niya.
“Tinatanong ko lang po kasi hindi mo kasama. Masyado kang seryoso mamaya niyang lumabas na ang pangil mo.”
Inisang lagok niya ang wine at tumayo siya at humarap sa mga ilaw ng syudad tinalikuran niya ako at nagmuni-muni siya. Maya-maya pa ay nagulat na lang nang pagharap niya sa akin ay may nakatutok na baril.
“Thiago?” Mahinang sambit ko. Nabigla ako sa ginawa niyang pagtutok ng baril sa akin.
“Paalam…”
Umalinga-ngaw ang putok ng baril ng baril kasabay nang pagbagsak ng aking katawan sa lupa.