KEYLA “Maliligo ka ba o gusto mong ako na ang magpaligo sa’yo?” Sinamaan ko siya ng tingin at napilitan akong pumasok sa banyo. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang sahig na maraming petals ng rose pati na rin ang mabangong aroma mula sa nakasinding kandila. Lumakad ako hangang makarating ako sa malaking bath tub. Akala ko sa sahig lang pero marami ding nakalagay doon petals na kumulay na sa tubig. Nakakarelax ang amoy. Bahagya kong nakalimutan na nasa loob ako ng malaking palasyo ng wolf na yun! Tinangal ko ang bath robe na suot ko at isinabit ko sa ding-ding. Ini-apak ko ang aking paa papasok sa bath tub. Maligamgam ang tubig at masarap sa pakiramdam. Itinawid ko ang aking katawan upang dahan-dahan kong mailubog sa tubig. Isinandal ko ang aking ulo at pumikit ako. Ang sarap! Ma