KEYLA “Do you know him? Isa ba siya sa mga naging customer mo?” Usisa ni Edmond sa akin. Napansin ata niya na duon napukol ang attensyon ko. Hindi ko lang siya kilala. Pinaibig at pinangakuan pa niya ako ng kasal. Tapos magpapasabit din pala sa ibang babae ang demonyong lalaking na yun! Nagkiskisan ang wisdom tooth ko sa labis na inis. Pero hindi ako maaring magpahalata. Ayokong magmukhang akong kawawa at isipin niyang hindi pa ako nakakamove on sa dalawang buwan na yun! Akala ko ba it takes three months to move on? Ang bilis naman ata niyang nakahanap ng ipapalit sa akin? “No, kamukha lang siya ng lalaking kilala ko.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang wine glass at mahinhin akong tumunga ng alak. Nararamdaman kong may mga matang nakatingin sa akin pero wala akong pak