KEYLA Magkahawak kamay pa kaming bumaba ni Thaigo sa hagdan. Kakagising lang namin at tanghali na pero wala namang umabala sa amin. Pinuyat niya kasi ako kagabi kaya tinanghali na kami ng gising. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at ganun din si Thaigo dahil nakita ko ang matalim na tingin ni Dad mula sa baba. “H-Hi, Daddy.” Kinakabahang bati ko sa kanya. “Bakit ngayon lang kayo gumising? Tirik na ang araw. Wala kayo sa siudad kaya hindi kayo puwedeng gumising ng tanghali na.” Litanya ni Daddy halata namang para kay Thaigo ang sermon niya kasi pag kami nga ni Nara ang nandito hindi naman ganito si Daddy kasungit kapag tanghali na kami nagigising. “I’m sorry po Sir, masakit po kasi ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi.” Wika ni Thaigo. Inismiran siya ni Daddy at bumaling ulit ng ting