KEYLA Nanlaki ang mata ko nang ibaba nila ang isang plangana na manga sa ibabaw ng mesa. Nagpatulong na si Thaigo na manguha dahil nahirapan siyang manungkit hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng prutas yun pa ang natakam akong kainin bukod kasi sa bubot pa ito halos kasing laki lang ito ng kiwi. “Pahinging toyo Harvey, please.” Nakangiting utos ko sa kanya. “Toyo? Soy sauce? Why?” Kunot noo na tanong ni Thaigo. Ibinigay ko sa kanya ang matalim at malinis kong patalim para maipagbalat niya ako ngunit nagulat siya dahil sa hita ko yun kinuha. “Ilan bang armas ang nasa katawan mo? Bakit kailangan mo pang maglagay nito? Paano kung magkamali ka ng galaw masugatan ka ng patalim na ito?” Inis na sabi niya sa akin. “Wag ka ngang OA, Thaigo. Highschool pa lamang ang palagi na akong may