Episode 49- Expose-1

1398 Words

Pagbalik n'ya ng office tulog pa din si Dana. Napabuga s'ya na punong-puno pa rin ng galit ang dibdib n'ya pakiramdam n'ya hindi pa sapat yung ginawa sa pinag daanan ng asawa n'ya sa kamay ng mga tauhan n'ya. Hindi rin naman n'ya alam ang dahilan bakit hinayaan lang ni Dana na alipustahin ito ng mga tauhan n'ya. Ang tapang-tapang nito pag dating sa kanya pero bakit hinayaan lang nito sundin lahat ng utos kahit halatang nahihirapan na ito. Bakit kailangan nitong mag tiis sa ganun pag trato puwede naman itong magsumbong sa kanya. Kasalanan talaga n'ya ito lahat hindi tuloy n'ya alam kung paano ba s'ya makakabawi. Napalingon si Dylan ng makarinig ng katok sa pinto. Sumungaw ang ulo ni Felix para sabihin na nasa labas na daw si Natalie. Inutos n'ya na papuntahin sa meeting room at pasunod na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD