"Wow naman dito talaga tayo kakain?" tanong pa ni Ara habang papasok sila sa isang chinese restaurant. Nilingon pa n'ya si Devin na naka sunod sa kanya. "Hindi makiki-upo lang tayo mainit kasi sa labas." ngisi ni Devin na tinawanan lang ni Ara sabay hampas sa balikat nito. "Tamang-tama gusto ko kumain ng sharks pin at chinese molo. Ayoko mag rice ha." "Hindi puwede, mag rice ka kahit konti." turan ni Dev ng lapitan sila ng waiter para i assist sila sa table na pinareserve na pala ni Devin kanina. Si Devin na ang hinayaan n'yang umorder ng food nila masasarap naman lahat ng inorder ng binata kaya nakaramdam na s'ya talaga ng gutom. May 20 minutes din ata silang ang intay bago dumating ang order nila, tuwang-tuwa naman si Ara ng sa wakas dumating na ang order nila. Nakakapanibago pa ang m