"Para ka naman pusa eh!" reklamo na ni Dev habang nasa gitna sila ng dance floor habang nag sasayaw. Ikinikiskis kasi ni Ara ang pisngi sa suot n'ya. "Kainis ka kasi bakit mo kasi ako sinabihan na amoy kalawang ayaw na tuloy mawala sa isip ko." naka simangot na usal ni Ara. Napangiti naman si Dev. "Di ba kakaunin ka ng sugo ng impiyerno mong kaibigan bakit di mo itanong sa kanya kung anong amoy mo baka naman sabihin mo e dinidiscriminate kita." "Hell no! Bakit ako mag tatanong sa kanya ng ganun bukod sa nakakahiya______Hello po Tita." bating bigla ni Ara ng lapitan sila ng Ama at Ina ni Devin na nakangiti. "Hello hija. Where is your parents?" tanong ni Dana na nakipag beso-beso kay Ara saka nag mano naman sa papa ni Devin. "Umuwi po muna si Mommy sa Netherland si Daddy naman feeling