"Teka muna!" bulalas ni Ara ng makita ang hanging bridge na dadaanan nila ni Devin, pumayag kasi si Devin na sumama s'ya pababa daw at bibili sila ng grocery nila at ubos na ang stock nila sa bahay. Ang balak n'ya tatakas s'ya pag nasa bayan na sila kailangan na talaga n'yang umuwi tyak na hinahanap na s'ya ng pamilya n'ya. "Bakit?" takang tanong ni Devin na inihinto sa bukana ng hangin bridge ang motor na dala nila. "Wala bang ibang daan?" "Bakit na tatakot ka? Diba matapang ka?" natatawang tanong ni Devin. "Oo pero iba naman usapan to." bumaba si Ara at sinilip pa ang ibaba ng tulay. "Mag kakalasog-lasog ang katawan natin pag bumagsak tayo sa baba." natawa naman si Devin. "Hindi tayo mahuhulog matibay tong hanging bridge sakay na." "Ayoko baka mag lalakad na lang ako." wika pa ni