Kyla's POV . Chrysanthemum . . "You take care with Enzo, anak. Huwag mong alalahanin ang Mama mo. Pasensya ka na, anak. Hindi ko man magawang ipagtangol ka. Pero isipin mo palagi na mahal na mahal kita," tugon ni Papa sa kabilang linya. . Napalunok na ako at tumingala ako sa langit. Inisip ko kasi ang nangyaring away namin ni Mama noong araw na iyon. She was so heartless when she utter those words. Pakiramdam ko iba siya, na parang hindi ko siya tunay na ina. Pero iba naman siya kay Kylie, dahil kahit pa kagat ng lamok ay pinoprotektahan niya. . "Pa, si Kylie? May balita ka ba sa kanya?" mahinang tanong ko kay papa sa kabilang linya. . Napalingon pa ako sa paligid. Walang ibang tao rito sa labas ng cabin ng barko maliban nga lang sa akin. Nasa baba na kasi sila lahat. . "We ha