Kyla's POV
.
Venus Magic
.
.
Tulala akong nakaupo sa harap ng malaking salamin dito sa loob ng kwarto. I felt so numb and so lost. Isn't your wedding day suppose to be the happiest day of your life? But no, not me because I'm the substitute bride!
.
"This will be the last, ate Kyla... Pagkatapos nito ay malaya ka na. Pagod na rin ako sa pagiging modelo. I won't bothered you anymore after this... So, please just be my substitute okay?" tugon niya sa kabilang linya.
"But Kylie? Saan ka ba pupunta? At sino ang kasama mo? Ano ba talaga ang plano mo?" sa nag-aalalang boses ko.
"I will be back after three days, ate. Just be my cover. Magaling ka naman dito, 'di ba? Okay, I have to go," sabay patay niya sa tawag.
"What!? H-Hello, K-Kylie? Kylie!..."
.
I DRANK all my warm milk while staring at myself in the mirror. Hindi ko na kilala ang sarili ko at nawala na ang dating ano ako noon. Everyone should have their own label and identity, but no, not me...
.
I was hidden down the underground of our house when I was five. Pinalalabas lang ako kapag wala si Kylie at hinahayaan na maglaro mag-isa sa bakuran ng bahay namin.
.
I can only have my freedom if my parents and Kylie were not around. Papa is always busy on our business, while Mama is the stage supporter of Kylie. Bata pa lang si Kylie ay artista na siya. She won the best child actress when she was only eight years old. She can act and dance.
.
Tatlong bagay lang ang hindi niya nagagawa ng tama. Una, hindi siya magaling kumanta dahil ang pangit ng boses niya. Pangalawa, ang pagiging model. She can't walk like a model. Dalawang beses na siyang bumagsak, pero ito ang pinakagusto niya. Pangatlo, wala siyang utak. In short hindi siya matalino, kaya madalas ako ang inihaharap niya sa madla at media.
.
While me I can do everything and I excel more academically. I was sent abroad together with Nanay Melinda. Mabuti pa si Nanay, dahil siya ang tumayong ina at ama ko sa mga panahon na kailangan ko ng isang ama at ina sa buhay ko.
.
I have finished secondary in Sorrento and had my fashion degree in one of the most prestige University in Paris. I was happy being on my own without my parents and my twin evil sister. Masaya na sana ang buhay ko at tahimik na ang lahat, pero nagbago ito nang pinabalik nila ako rito sa Pilipinas...
.
"Oh my god! What have you done with your hair, Kylie!?" tiling tugon ni Dixie'ng bakla.
.
Hindi ko naramdaman ang pagpasok niya at nabigla ako sa tili niya, kaya bumalik ang kaisipan ko ngayon at nilingon siya.
.
"Dios ko, day! Ang ganda mo!" ibang expresyon na mukha ni Darna. Nakasunod lang din siya kay Dixie at maingat na nilapag ang mga dalang maliliit na maleta.
"Sino na naman ba ang kinaiinisan mo? At ang buhok mo pa ang pinagtripan mo? My ghed! It's your wedding day today, Miss Kylie Fuentabella!" arteng tugon ni Dixie at hawak sa buhok ko.
.
Napalunok na ako at pilit na inihahanda ang sarili ko... Okay, one, two, three, I'm Kylie! Isip ko.
.
"Good Morning my pretty, Dixie," arteng tugon ko at ngiti na. Itinaas ko lang din ang isang kilay ko at tinitigan siya.
"I had a bad night and- I didn't had a good sleep. So,I want you to fix my hair and, um, make it into a bun?"
.
I smile with my lips shut and my brows lifted like a potato! Huh, ganito si Kylie magsalita parang sira! Isip ko.
.
Pumwesto na ang dalawang bakla at tinitigan ang relo sa dingding. May tatlong oras pa bago magsisimula ang lahat. Binalik ko ang tingin sa sarili ko sa malaking salamin. Kagabi pa ako nakatitig dito, nag-papraktis ako kung paano maging Kylie na buo. Pero mukhang hindi ko kakayanin. Ang bobo niya kasing magsalita at hindi tugma ang pag-gamit niya, kaya madalas ako ang inihaharap niya sa madla at medya.
.
"Hindi ka ba papagalitan ni Art Atticus nito? Naka-kontrata ang buhok mo day!" tugon ni Darna sa gilid ko. Inayos na niya ang mga gamit at make up kit.
.
I shrugged and twisted my lips while looking at her reflection on the mirror. I promise to myself that I won't talk too much today and just use my body sign language. Maiintindihan na nila ako. Ngingiti lang ako na parang wala! hanggang sa matapos ang araw na ito.
.
"Kung sa bagay, Art and Enzo are cousins, and I am sure that he can't fire you. Iba nga naman ang mga Mondragon ano?" taas kilay ni Dixie, at nagsimula na siya sa buhok ko. Tumango lang din ako at tipid na ngumiti.
"Just do your magic, Dixie," tipid na tugon ko at kindat sa kanya. Ngumiti lang din siya.
"You know what? I love your personality like this... Kilala ko agad na ikaw ang Kylie na kilala ko. Hindi iyong parang bobo," bahagyang tawa niya.
Napaawang lang din ang labi kong tinitigan siya.
"Opps, sorry! But no sorry," tawa ulit nilang dalawa.
.
I shook my head and face down. Gusto kong matawa ng bongga pero pinipigilan ko ang sarili ko. I have known Dixie and Darna for so long now. Simula kasi nang pumasok si Kylie sa Monde Fashion ay naging anino na niya ako. Sa mga event at interviews ay ako ang substitute niya.
.
Dalawang beses na siya bumagsak noon sa Monde Fashion. Gustong-gusto niyang pumasok para mas makilala sa mundo, pero may kulang sa kanya. At dito nagsimula ang baliw na ideya niya. Sinubukan ko lang noon na maging substitute niya sa audition. Hindi ko nga ginalingan para mas bumagsak siya, pero nakapasok ako at nangunguna pa.
.
Tsk, sana pala noon pa lang pinutol ko na ang sunggay niya!
.
"Have you seen the set up outside? And ganda... Ang swerte mo kay Dr. Enzo Denver Mondragon. My doctor ka na, may puso ka pa! Aweee!" tugon ni Darna at nag-apir na ang dalawang bakla.
"Sana all, sister..." hirit ni Dixie at ikot nang mga mata niya.
"Sana all yummy nga!" tawa ni Darna at natawa na rin ako.
"Excited ka na ba sa honeymoon ninyo?"
.
Pinagalaw ni Dixie ang kilay niya habang nakatitig sa akin sa salamin sabay kagat-labi pa. Abala naman ang mga kamay niya sa buhok ko.
.
"Konti," tipid na tugon ko at kinilig ang dalawa at tumili pa.
"Sana all doctor! I love you, doc Enzo! Take me... Take me to heaven," lakas na tili ni Darna.
.
Namula na ang pisngi ko sa kakatawa. Part of me is enjoying this, and the other part is wishing that it was me that Enzo loves, but it wasn't, because Dr. Enzo Denver Mondragon is in-love with my twin sister Kylie and not with me.
.
Hinayaan ko na ang dalawang bakla na ayusan ako. Nagsimula na rin ang kaba sa puso ko. Although this wedding is a bit private, and only selective people are invited I am still anxious. I don't know if Mama will notice me, but I do hope that she can't notice that her lovely daughter Kylie is not here.
.
Ako ang magpapakasal kay Enzo at hindi ang paboritong anak niya. Kaya, kaya ko 'to! Tutal pagkatapos nito ay tapos na, at babalik na ako sa normal na mundo ko. I agree to this because part of our agreement Kylie will set me free. Hindi man niya nasabi ito, pero tinawagan niya ako kaninang madaling araw.
.
.
AFTER two hours everything is fixed and ready. I took a deep breath while standing and they're busy taking pictures and videos on me. The wedding dress is so beautiful and my back is very expose. Ito ang damit na denesenyo ko para kay Kylie, at ako rin mismo ang gumawa nito.
.
"Ang galing ng designer mo, Kylie. Ang ganda ng wedding gown..." tugon ni Dixie. Inaayos niyang mabuti ang damit ko at ngumiti lang din ako.
"Isang fashion designer ang may gawa nito ano? At taga Paris siya?" tanong ni Darna at tumango lang din ako.
"Oh my god! Ang ganda... What's her name again?" tanong ni Dixie at seryosong tinitigan ako.
Tumikhim ako bago nagsalita. "Ahm, I believe they've called her Aphrodite or Venus Magic," ngiti ko.
.
Yes, I am the 'Venus Magic' when it comes to fashion and design. That title was given to me by my colleague and professor. Aside from being a competitive in the fashion industry, I am a beauty capturer too according to them. Hindi ko naman nakikita ito, pero aminin ko ang dami kong manliligaw sa Paris at Sorrento. Most of them are prominent and came from an elite family.
.
I had my job already and started my career. But everything hit rock buttom and downfall because of Kylie. Kaya ngayon, heto ako...
.
"E-refer mo naman ako sa kanya, Kylie. Gusto ko siyang makilala," ngiting tugon ni Dixie.
.
I nodded and smile. The heck, I'm in front of you, Dixie! Kausap mo na at kilala mo na ng bongga ang gusto mong makilala.
.
I just took a deep breath and smile. I cannot wait to get out from this and have my own life. Away from them, and away from everyone.
.
"Are you ready?" si Darna sa akin at maingat na binigay niya ang lily the valley na bouquet ko.
.
Every details of this wedding was after all my ideas. Ako kasi ang nakikipag-meeting sa organiser noong mga panahong iyon. Kaya kahit na sa bulaklak na ito, ay pinili ko ang paborito ko. I know Kylie would be happy for this. Magugustuhan niya ang lahat ng ginawa ko. Pero nasaan nga ba siya? That damn witch! Napaka-spoiled brat talaga.
.
Nang lumabas ako sa hotel, ay nakasunod ang videographer at camera man. Everyone's eyes are at me and I just smile widely. I stop for a moment while Dixie is fixing my wedding gown.
.
"Dix?" mahinag bulong ko at lumapit agad siya malapit sa tainga ko.
"Can you roll down my wedding veil, please?" I politely asked and she twinkled her eyes. Naguguluhan siya sa gusto ko.
"I thought you don't want to cover your face?"
"Oh, I've change my mind," ngiti ko sa kanya.
"Okay. No, problem," ngiti niya, at maingat na inayos ito para matakpan ang mukha ko.
.
Now that wedding veil is covering my face I can breathe a bit. Hayag kasi masyado ang mukha ko sa lahat kanina at mas kinakabahan ako. Mas maganda ang ganito, dahil hindi nila mahahalata masyado.
.
The wedding organiser gave her signal and wedding start...
.
I looked around and I just can't believe it. Everything is so beautiful and so is Enzo... Ang gwapo niya at ang lawak nang ngiti niya. Napangiti ako, at pilit na inaayos ang postura ko. Mas nanginig ang sistema ko nang lumapit na sina Mama at Papa sa akin.
.
"Oh, look at you, Kylie hija. Ang ganda mo!" halik ni Mama sa pisngi ko.
.
I never say a word and just smile. I don't to have to say anything at all and just go with the flow... I held Papa's hand and he stared at it. Napatitig siyang sandali at tumitig pabalik sa akin. Nahinto siya, pero ngumiti rin kalaunan. Kinabahan ako, pero mas ngumiti lang din siya.
.
"I'm happy for you, hija. Be happy okay and I'm sorry for everything..." mahinang bulong ni Papa at napatitig agad ako pabalik sa kanya.
.
Nawala ang ngiti sa labi ko at naguguluhan ako. I constantly stare at my father while his handshaking Enzo. Paano niya nahalat na ako ito at hindi si Kylie?
.
"Take care of my princess, Enzo," simpling tugon ni Papa.
.
My mouth parted and my heart throb. The heck, Papa knows. He knows that I'm not Kylie, but it's Kyla... Siya lang naman ang tumatawag sa akin na prinsesa niya. That's my title, and by that word, I know Papa is referring it to me and not to Kylie.
.
Sinunod ko pa nang tingin si Papa sa likod ko at ngimiti lang din siya. He nodded and smile, and my heart melted...
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell