Knights 14 The Five Knights and Me KINAGABIHAN sa labas na ng coffee shop kung saan dinala ni Onyx sina Mia upang makita ng mga ito si Aza, ay marami nang napag-usapan ang magka-kaibigan sa ilang oras na magkakasama sila. Napawi na ang pagka miss ni Aza sa mga kaibigan niya at masaya siyang makausap muli ang mga ito. Pero alam nilang ang masayang pagkikita nila ay kailangan na munang putulin dahil kailangan nang umuwi nina Mia sa apartment nila bago pa sila matunton ni Wilton sa kinalalagyan nila ngayon. Magkakahawak ng kamay silang magka-kaibigan habang nasa may likuran ni Aza si Onyx na nakatingin sa kanila. “Ma-iingat ka, Aza, huwag mong pababayaan ang sarili mo habang nasa poder ka ng mga knights.”bilin na paalala ni Lena kay Aza na ngiting ikinatango ni Aza. “Mag iingat din kayo,